• Paxful escrow

    Ang escrow ng Paxful ay naroon para panatilihing litas ang mga bitcoin mo. Kaya paano gumagana ang escrow? 

    Ang Paxful ay peer-to-peer bitcoin na pamilihan, ang lugar kung saan ang mga tao ay nagkakakilala at ligtas na nagpapalitan ng bitcoin para sa mahigit 300 paraan ng pagbabayad. Ang mga vendor namin ay lumilikha ng mga alok kasama ang mga terminong kinakailangan nila at nagtatakda ng presyo. Sa oras na makahanap ang bumibili ng alok na angkop sa kanya, magsisimula ang trade. Awtomatiko nitong itatakda ang mga bitcoin mula sa wallet ng vendor upang mareserba sa safety deposit account (escrow), kung saan ibibinbin ito hanggang makumpleto ang transaksyon.

    Kapag naberipika na ng bumibili at ng vendor na ang transkasyon ay nakumpirma na at ang lahat ng mga termino ay natugunan, ang pera ay ilalabas sa wallet ng bumibili.

    Kapag nagpasya ang bumibili na ayaw niyang bumili ng mga bitcoin pwede niyang basta na lang kanselahin ang trade at ang mga bitcoin ay ibabalik sa account ng nagbebenta.

    Kung sa anumang kalagayan na may hindi pagkakasundo sa pagitan ng bumibili at ng vendor, ang proseso ay ililipat sa dispute. Pagkatapos ay mamamagitan ang aming mga tagapamagitan at iimbestigahan ang lahat ng impormasyon at isasaalang-alang ang lahat ng detalyeng magagamit at gagawa ng desisyon kung sino ang karapat-dapat sa mga bitcoin. Karamihan sa mga transaksyon ay sasailalim nang walang kinakailangan para sa dispute, pero ang Paxful bilang pagiging peer-to-peer marketplace, laging magkakaroon ng mga user na susubukang samantalahin ang iba. Ito ang dahilan kung bakit mayroon kaming 24/7 na dedikadong customer support team. Ang iyong negosyo at pera ang aming pangunahing prayoridad, at ginagawa namin ang lahat ng aming magagawa upang mapanatili silang ligtas.

  • Daloy ng mga trade sa Paxful

    Lahat ng trade sa Paxful ay dumadaloy sa parehong paraan.

    Sa pangkalahatan, ang mga hakbang sa lahat ng trade ng Paxful ay pareho. Kung pamilyar ka sa proseso, higit na mas magiging madali ang trading sa Paxful.  

    Hakbang 1. Humanap o Lumikha ng angkop na alok

    Ang mga alok na ito ay ipinakikita sa pinakamahusay na paraan hangga't maaari: alinsunod sa iyong mga kagustuhan. Lahat ng bagay na inilagay mo sa iyong search bar (gayundin ang pananagutan ng ibang mga user) ay isasaalang-alang kapag ipinakita mo ang listahan ng alok na ito. 

    Kung nagbebenta ka ng mga bitcoin, ikaw ang lilikha ng alok.

    Hakbang 2. Open trade para sa halagang gusto mong bayaran

    Pumili ng pinakamahusay na alok para sa iyo! Tingnan ang mga alok na may mapagkakatiwalaang potensiyal na mga kasosyo sa trade at may magandang presyo.

    Sakaling magbebenta ng mga bitcoin, kailangan mong hintayin ang isang tao na pumili ng alok mo.

    Hakbang 3. Basahin/Isulat ang mga termino at tagubilin ng trade

    Ang mga termino ng alok at tagubilin ng trade ay isa sa mas mahahalagang bahagi ng alok dahil naglalaman ang mga iyon ng detalyadong kinakailangan na kailangang sundin ng mga bumibili.

    Hakbang 4. Makipag-usap sa iyong kasosyo sa trade para sa higit na impormasyon

    Kung may anumang pagkalito sa oras ng trade, huwag mag-atubiling magpadala ng mensahe sa kasosyo mo sa trade. Ang huling bagay na ayaw mo ay hindi pagkakaunawaan.

    Hakbang 5. Magbigay/Kumpirmahin ang bayad

    Nasa pagpapasya ng bumibili kung susundin ang mga termino ng alok at tagubilin nang NAPAKA ingat (ang hindi pagpansin sa mga termino ng alok at tagubilin ay maaaring maging kahinaan sakaling may dispute). Tandaan na maaari kang magtanong at makipag-usap sa kasosyo mo sa trade chat.

    Kung isa kang bumibili at nagbigay ka na ng bayad (alinsunod sa lahat ng mga kinakailangan ng vendor), tiyakin na markahan ang trade bilang bayad na at hintayin ang vendor na maglabas ng mga bitcoin.

    Kung vendor ka at ang bumibili ay nagbigay ng bayad, tiyaking kumpirmahin kung ang bayad ay tama. HUWAG ilabas ang mga bitcoin hanggang matiyak mo na ayos ang bayad.

    Hakbang 6. Hintaying mailabas ang mga bitcoin/ Ilabas ang mga bitcoin

    Bilang isang bumibili, ang trabaho ay tapos na sa oras na magbigay ka ng lahat ng mga hinihingi ng vendor. Kailangan mo lang maghitay na mailabas ang mga bitcoin mula sa escrow.

    Bilang vendor, seguruhing ilalabas ang mga bitcoin sa oras na makumpirma mo na ang bayad. Sa oras na mamarkahan ng bumibili na kumpleto na ang bayad, awtomatiko nitong mapapaso ang trade. Tungkulin mo bilang vendor na awtomatikong ilabas ang mga bitcoin mula sa escrow sa oras na maberipika ang bayad. Kapag hindi mo inilabas ang mga bitcoin, mananatili sila sa escrow.

    Hakbang 7. Mag-iwan ng feedback

    Ang pag-iiwan ng feedback ay gumaganap sa mahalagang tungkulin sa reputasyon ng sistema ng Paxful. Mahalagang mag-iwan ka ng feedback sa bawat trade na ginagawa mo.

  • Status ng trade

    Ang mga status ng trade ay tumutukoy sa progreso ng mga trade. 

    Bawat trade sa Paxful ay may status. May walong status ang trade mo na maaaring magkaroon:

    Aktibong napondohan ang trade ay bukas, at ang pondo ay nailipat na sa escrow.

    Bayad na namarkahan na nang bumibili ang trade bilang bayad na.

    Napaso bawat trade ay may payment window para magbayad ang bumibili. Kapag ang trade ay napondohan, pero nabigo ang buyer na markahan ito bilang bayad na, mapapaso ang payment window.

    Kinansela ang bumibili/nagbebenta ay sumangayon na kanselahin ang trade.

    Bukas na dispute alinman sa bumibili o ang vendor ang nagbukas ng dispute (ang dispute ay maaaring magsimula 3 oras pagkatapos na mamarkahan ang trade bilang bayad na).

    Tagumpay nailabas ng vendor ang mga pondo mula sa escrow patungo sa wallet ng bumibili.

    Pinagkaloobang nagbebenta naisaayos na ang dispute, at ang mga bitcoin ay ipinagkaloob sa nagbebenta.

    Pinagkaloobang bumibili ang dispute ay naisaayos na, at ang mga bitcoin ay naipagkaloob na sa bumibili.

  • Mga litrato ng watermark

    Bakit mga imahe ng mga watermark ng Paxful?

    Baka napansin mo na lahat ng larawan ng naka-upload sa trade chat ay may watermark na may numero ng trade at pangalan ng aming platform. Ito ay isang seguridad na pamamaraan, na pumipigil sa sensitibong impormasyon tulad ng mga larawan ng gift card na magamit sa mga panlilinlang na mga aktibidad tulad ng ireponsableng pagbebentang muli o pagbroker. Nais naming mapigilan ang mga scammer na ibentang muli ang alinman sa mga gift card na pinangangasiwaan nila para makuha ang aming platform.

    Kapag hindi naka-watermark ang mga larawan?

    May mga dahilan din sa pagkakaroon ng malinaw na litratong walang watermark. Isa sa mga dahilan halimbawa sa mga gift card ay lutasin ang alinmang mga tanong sa kumpanya ng gift card. Kung gayon bakit walang mga larawang may watermark?

    1. Ang proseso ng KYC/ID na beripikasyon ay dapat kumpletuhin at matagumpay na makumpirma.
    2. Ang mga imahe sa trade chat ay ipapakita nang walang watermark 24 oras pagkatapos mailabas ang bitcoin.
  • Bond para sa mga trade ng gift card

    Ang Paxful bond ay para sa mga vendor na nakikipagtrade ng mga bitcoin para sa mga gift card. Ang bond ay tulad ng security deposit na humihiram ng mga pondo para sa tinukoy na tagal ng panahon.

    Bawat nagbebenta ng Paxful na nakikipagtrade ng mga bitcoin gamit ang alok na gift card ay kailangang magtakda ng bond para matiyak ang kaligtasan ng bumibili ng Paxful. Sa Paxful, ang kailangang bond ay 0.1 BTC 

    Tandaan:

    • Ang mga bond ay para sa pagbebenta lang ng gift card. Para sa ibang grupo ng pagbabayad tulad ng cash, online wallet, at debit/credit card, hindi kailangan ng mga bond.
    • Kung wala kang sapat na BTC sa iyong account para pagtakpan ang bond, ang alok mo ay hindi makikita sa mga bumibili.
    • Ang halaga ng bond mo ay ilalabas 7 araws pagkatapos ng iyong huling trade ng gift card.
    • Maaari mong ibigay ang bond at bawiin ito mula sa iyong vendor dashboard.

    Paano ilipat ang bond?

    1. Sa header bar, pindutin ang Mga Dashboard.
      Bond_Step1.png
    2. Sa itaas ng Aking ALok na listahan, pindutin ang ILIPAT ANG BOND NGAYON. Lilitaw ang notipikasyon na kinukumpirma na ang iyong bond ay diniposito na mula sa wallet mo patungo sa Paxful secure escrow.
      Bond_Step_2.png

    Paano bawiin ang bond?

    1. Sa header bar, pindutin ang Mga Dashboard.
      Bond_Step1.png
    2. Sa ilalim ng listahan ng mga alok mo, pindutin ang BAWIIN ANG BOND. Lilitaw ang notipikasyon na kinukumpirmang ang bond mo ay ibinalik sa Paxful wallet mo.
      Bond_back_Step_2.png

    Alamin ang higit kung paano lumikha ng alok para magbenta ng bitcoin at basahin ang higit tungkol sa mga ukol sa trade gamit ang gift card.

  • Pagsulat ng mga tagubili ng magandang trade

    Ang mga tagubilin ng trade na ito ay mas espesipiko at detalyadong kinakailangan na lumilitaw kapag nagsimula ang indibidwal na trade. Ito ang mga kinakailangang itinakda mo kapag binayaran ka nila.

    Hindi tulad ng mga termino ng alok, gusto mong maging mas detalyado ang mga tagubilin ng alok hangga't maaari. Magbigay ng malinaw na mga tagubilin kung ano ang kailangan mo mula sa bumili at ipaliwanag ang mga hakbang na magaganap (tulad ng impormasyon sa mga dokumento tulad ng mga resibo o litratong maaaring kailanganin mo). Tandaan na nakikita ng user ang mga tagubilin ng trade kapag nagsimula ang trade, kaya dito ay maaari mong ilagay ang impormasyon na gusto mong ibigay pagkatapos tanggapin ng user ang mga termino ng alok. Tiyakin na ang mga tagubilin mo ay alinsunod sa Mga Termino ng Serbisyo ng Paxful.

    Ano ang HINDI DAPAT gawin:

    1. HUWAG magmungkahing magtrade sa labas ng escrow. Anumang mga mungkahi na mag-trade sa labas ng site ay mahigpit na ipinagbabawal at ang ganitong uri ng aktibidad ay maba-ban mula sa Paxful.
    2. HUWAG magbigay ng anumang personal na impormasyon ng kontak.
    3. HUWAG magbigay ng mga link sa labas ng mga site o ibahagi ang mga URL. Dapat mong iproseso ang bayad sa Paxful.

    Mga halimbawa ng mga Tagubilin ng Trade:

    Mga iTunes gift card

    1. I-upload ang litrato ng iyong pisikal na card gamit ang code na KINASKAS at malinaw na nakikita. Para sa mga litratong malabo, i-type din ang code sa chat.
    2. Kung walang marka ng halaga ang card mo, sabihin sa akin ang denominasyon.
    3. Hintayin akong tingnan ang card at ilabas ang mga bitcoin at tandaan na pindutin ang button na “Markado bilang Bayad na”.
    4. Kung sa anumang dahilan na ayaw mong magpatuloy sa pakikipagtrade sa akin, kung gayon ay kanselahin ang trade para makapagtrade ako sa iba.

    Mga Amazon gift card

    1. I-upload ang larawan ng pisikal na card mo kasama ang KINASKAS na code at malinaw na nakikita. Para sa mga larawang malabo, mangyaring i-type din ang code sa chat.
    2. I-upload ang larawan ng resibo na nagpapakita na ang card ay binili nang CASH.
    3. Hintaying suriin ko ang card at ilabas ang mga bitcoin at huwag kalimutang pindutin ang button na “Markado bilang Bayad na”.
    4. Sa anumang dahilan na ayaw mong magpatuloy sa pakikipagtrade sa akin, kung gayon ay kanselahin ang trade para makapagtrade ako sa iba.

    Paypal

    1. I-upload ng larawan ng iyong BUONG screen na nagpapakita ng mga pondo na available na sa iyong balanse ng PayPAl at BERIPIKADO na. Tandaan na dapat mong ipakita ang iyong BUONG screen!
    2. Ibigay sa aking ang PayPal email mo.
    3. Ibigay sa akin ang Facebook Profile link mo.
    4. Ipakita ang patunay na beripikado na ang account mo
    5. Pagkatapos mong magawa ang lahat ng nasa itaas, ipapadala ko ang email account mo para makapagpadala ng pondo.
    6. Ang mga pondo day dapat ipadala sa anyo ng SERBISYO, at ipapadala ko sa iyo ang susunod na mga hakbang.
    7. May karapatan akong ihinto ang trabaho sa sinuman kung naghihinala ako sa panlilinlang.

    Western Union

    1. Ipadala ang mga Pondo sa pamamagitan ng Cash sa sumusunod na NAME_HERE, ADDRESS_HERE atbp…
    2. Bigyan ako ng sumusunod na impormasyon sa chat: pangalan ng nagpapadala, lungsod/estado ng nagpapadala, numero ng telepono ng nagpapadala, MTCN code, at eksaktong halaga ng bayad sa USD o LOKAL NA CURRENCY
    3. Pindutin ang “Markahan bilang Bayad na” at hintayin ako na kunin ang mga pondo at ilabas ang mga bitcoin.
  • Hindi tumutugon na kasosyo ng trade

    Ang hindi sumasagot na mga kasosyo sa trade ay karaniwang nakikita.

    Nagbebenta ka ba ng bitcoin at ang buyer mo ay hindi na sumasagot?
    Huwag mag-alala dahil hangga't hindi pa napipindot ng buyer ang “Markado bilang Bayad na” ang mga coins mo ay ilalabas mula sa escrow sa oras na matapos na ang trade. Kapag pinindot ng buyer ang “Markado bilang Bayad na” pero hindi ka nakatanggap ng anumang bayad, maaari mong hilingin sa buyer na kanselahin ang trade dahil walang bayad na ibinigay. Kapag hindi kinansela ng buyer lilitaw ang countdown. Hintaying matapos ang countdown pagkatapos ay mapipindot mo na ang “Dispute”. Kapag nagsimula na ang dispute, bigyan ng panahon ang mga moderator para tingnan ito. Pagkatapos ay ibabalik sa iyo ang mga bitcoin. Tandaan na lamang dito ang mga beripikadong vendor. 

    Gayundin sa mga bumibili na nagsimulang magtrade sa hindi sumasagot na vendor. Kung sinimulan mo ang trade at waring offline ang vendor o hindi sumasagot, ang pinakamabuting gawin mo ay kanselahin ang trade at subukan mo sa ibang vendor. Kung hindi sumasagot ang vendor, inaprubahan ang bayad at pagkatapos ay hindi na sumasagot, kailangan mong “Markarhan ang trade bilang Bayad na” para hindi mapaso ang trade. Kapag napaso na ang trade, mababawi ng seller ang mga bitcoin mula sa escrow. Kung nakalimutan mo pindutin ang “Markado bilang Bayad na”, pero kung naisagawa na ang pagbabayad, higit na mas mahirap na mabawi ang coins mo.

    Para sa higit na impormasyon sa mga dispute, pindutin dito.

  • Potensiyal na mga panganib kapag nagkikipagtrade ng cryptocurrency

    Tulad ng iba pang uri ng pamumuhunan, may mga panganib na sangkot sa pakikipagtrade ng mga bitcoin sa Paxful.

    Dapat lagi mong isaalang-alang na protektahan ang iyong puhunan at kabilang sa bahagi ng pagprotekta nito ang pagiging pamilyar ang sarili mo sa lahat ng panganib na nagmula rito. Kung pamilyar ang sarili mo sa lahat ng panganib na ito, inilalagay mo ang sarili mo sa mas magandang posisyon ng paggawa ng magandang kita sa Paxful.

    Mga paganib ng pagbili ng mga bitcoin sa Paxful

    Kung bago ka, ang ilan sa hindi tapat na user ay maaaring gumamit ng kanilang panlalamang. Narito ang ilang paraan na maaari nilang tangkaing kunin sa iyo:

    Hinihiling sa iyo ng mga vendor na kanselahin ang trade pagkatapos mo itong mabayaran

    Kabilang sa karaniwang taktikang ginagamit ng mga scammer ang pagkansela ng trade pagkatapos mong magbayad. Kung gumagamit ka ng gift card at in-upload mo ang lahat ng mga detalye ng gift card, kung gayon ay inilalagay mo sa panganib ang sarili mo sa pagbibigay sa kanila ng mga detalyeng iyong nang libre. Uubusin nila ang halaga ng card na iyon at kapag kinansela ito, ang bitcoin ay ilalabas mula sa escrow at babalik sa vendor.

    Kapag hiniling ng vendor na kanselahin mo pagkatapos mong magbayad, tanggihan iyon. Pindutin bilang “Markado bilang Bayad na” at magbukas ng dispute. Ang mga tagapamagitan ay mag-iimbestiga sa trade at ibibigay ang mga barya sa sinumang may karapatan dito. Maging handa sa pagbibigay ng karagdagang patunay sakaling kailangan ng mga tagapamagitan ang higit pa. Kapag hindi mo pinindot ang “Markado bilang Bayad na”, mapapaso ang trade at ang barya ay lalabas mula sa escrow pabalik sa vendor. Isa pang tip para maiiwas ang sarili mo para manakaw ang card ay tiyakin na naroroon ang vendor bago i-upload ang anumang mga dokumento at gumawa ng anumang mga pagbabayad.

    Tandaan na ang pagbroker ng mga gift card ay labag sa Mga Terimo ng Serbisyo ng Paxful at mahigpit na ipinagbabawal. Tiyakin na bumili ka ng mga gift card mula sa tindahan at ikaw ang orihinal na may-ari ng mga gift card. Kapag natanggap mo ang card bilang regalo, dapat mong makausap ang nagreregalo sa anumang oras at humingi ng resibo at karagdagang impormasyon kung kinakailangan. 

    Pakikipagtrade sa labas ng escrow

    Maraming scammer ang magtatangkang dalhin ka sa pakikipagtrade sa labas ng escrow ng Paxful. Hihingin nila sa iyo ang mga detalye ng kontak at susubukang makipag-usap. Kapag nakipagtrade ka sa labas ng escrow, walang paraan para maprotektahan ka. Kapag nakabayad ka na, wala nang garantiya na ipapadala sa iyo ng nagbebenta ang mga bitcoin. Ang escrow system ng Paxful ay nariyan para protektahan ang bumibili at ang nagbebenta.

    Mga panganib ng pagbebenta ng mga bitcoin sa Paxful

    Tulad ng pagbili ng mga bitcoin, may ilang panganib din na kailangan mong tingnan pagdating sa pagbebenta ng mga bitcoin sa Paxful. Ang pagiging pamilyar sa sarili mo sa mga panganib na ito ay makatutulong sa iyo ay magpapahusay sa mga alok na nagawa mo.

    Naibababalik na mga paraan ng pagbabayad

    Mahalagang malaman na ang ilan sa paraan ng pagbabayad sa Paxful ay maibabalik (tulad ng Paypal o mga credit card). Isa sa karaniwang taktika na ginagamit ng mga scammer ay gawin ang mga trade gamit ang mga paraan ng pagbabayad na ito at pagkatapos ay humiling ng pagbabalik ng bayad. Halimbawa, sasabihin nila sa kanilang credit company na hindi sila ang gumawa ng ganoong transaksyon. Sa kaso ng PayPal, sasabihin nila na hindi nila natanggap ang kalakal. Karaniwang pumapanig muna ang Paypal sa bumibili, pero pwede kang magsumite ng ebidensya at umaasahng maibabalik nila ang pera mo.

    Kung gayon ano ang gagawin mo kapag nakuha mo ang chargeback? Ang unang hakbang ay magpunta sa iyong vendor dashboard at pindutin ang tingnan ang mga nakaraang grado. Pindutin ang trade kung saan mo nakuha ang chargeback at dapat mong makita ang trade page. I-scroll pababa at sa ilalim ng mga tagubilin, dapat mong makita ang resibo ng trade.

    Mga gift card na nabawi mo na

    Isa pa itong karaniwang paraan na ginagamit ng mga scammer. Ang mga bumibili ay magdaragdag ng mga detalye ng gift card at larawan na maaaring nagamit na.

    Mahalagang HINDI mo ilabas ang bitcoin bago mo tingnan ang balanse ng gift card. Seguruhing bawiin ito at ilagay ito sa account mo bago mo ilabas ang mga bitcoin. Huwag tangkaing maghintay nang matagal dahil baka subukang ibenta ang card ng nagbebenta sa ibang vendor nang magkasabay. Karaniwang tatangkain ng mga scammer na pagmadaliin ka sa pamamagitan ng pagsasabi na nagmamadali sila at hihilingin sa iyo na ilabas agad ang mga bitcoin. Tandaan na huwag mahulog doon at seguruhin na ilabas LANG ang mga bitcoin kung sigurado ka nang may balanse ang gift card.

    Paggamit ng pekeng ID o ninakaw na credit card

    Madalas ikinukubli ng mga kumpanya ng credit card ang kanilang mga user mula sa panlilinlang. Sa kaso ng nanakaw na card, madalas nilang nirerefund at ibinabalik ang gastos ng mga transaksyon. Kaya mahalagang alamin ang pagkakakilanlan ng mga user at humingi ng selfie para makita kung tugma ang dalawa. Mag-ingat sa malalabong litrato kung saan ang mukha at mga pangalan ay hindi nakikita. Kung talagang gustong bumili ng user ng bitcoin, dapat kaya nilang magbigay ng desenteng litrato. Kahit na tumanggi ang ilan na magbigay ng ID dahil sensitibong impormasyon ito, ikaw ang magpapasya kung ano ang tatanggapin apra sa trade pero tandaan na mas marami kang ebidensya, mas marami kang kalamangan laban sa scammer.

    Ang user ay “lubhang abala”

    Ang user na “napaka abala” ay karaniwang banta ng panganib kapag nakikipagtrade ka sa Paxful. Katulad ng binanggit noong una, ang ilan sa mga user ay maaaring magmadali sa paglalabas agad ng mga bitcoin, na sinasabi sa iyo na ang pagbabayad ay naisagawa na o ginagawa nila ang kasalukuyang proseso ng paggawa nito. Ang nangyayari ay nakakakuha ang buyer ng mga bitcoin, ipinadadal ang mga iyon sa ibang wallet (sa labas ng Paxful), at walang balak magbayad. Maging NAPAKA ingat sa mga user na nagsasabing napaka abala nila. Hindi naman laging scammer ang isang user, pero huwag magpakakampante sa lahat ng oras. Ang parehong partido ng bumibili at nagbebenta ay dapat sumunod sa mga tagubilin ng trade at tapusin ang trade kung ang lahat ng kundisyong napagkasunduan ay natugunan.

  • Trade Page Lite

    Lumikha ang Paxful ng simple at mas mahusay na diskarte sa mga trade. Maaaring gumana ang pakikipagtrade ngayon na walang mga trade chat na nakakaubos-oras. Nagiging posible ito dahil ang pinakamahalagang mga tagubilin sa pagtrade at mga kinakailangan ay bahagi na mismo ngayon ng proseso sa pakikipagtrade. Ang mga kinakailangan, na direktang nakaaapekto sa daloy ng trade, ay pinipili ng Vendor sa panahon ng proseso ng paglikha ng alok. Ang mga setting na ito ay tiyak ang pamamaraan ng pagbayad. Narito ang buod ng bagong tampok, na tinawag na Trade Page Lite.

    Pakitandaan: Sa ngayon, ang pagpipilian na ito ay magagamit lang sa mga alok na Pagbebenta sa PayPal.

     

    Paglikha ng alok

    Pakikipagtrade bilang Nagbebenta ng Bitcoin

    Pakikipagtrade bilang Mamimili ng Bitcoin

    Paglikha ng alok

    Para mapagana ang tampok na ito, kinakailangang makipag-ugnayan sa aming Pangkat ng Karanasan sa Customer.

    Sa pinasimpleng bersyon, dadaanan mo ang gayunding proseso na nasa klasikong bersyon. Gayunpaman, magkakaroon ka ng karagdagang tiyak na kinakailangan sa pagbabayad na pagpipilian. Iiwasan ang chat bilang mga tagubilin sa pakikipagtrade at iuugnay ang mga kinakailangan sa daloy ng trade. Narito ang halimbawa ng gayong proseso sa alok sa Paypal:

    Lilikha ka ng karaniwang alok para ibenta ang mga bitcoin mo.

    tradelite.png

    tradelite0.png

    Sa hakbang 2, magkakaroon ka ng mga karagdagang bahagi na sasagutan:

    tradelite01.png

    1. Listahan ng mga pagpipilian na hihilingin bago maisagawa ang pagbabayad.

    Tandaan: maaaring tanggalin ang kahilingan sa ID request can be removed sakaling nakapagtrade na dati ang vendor sa buyer at kung matagumpay na naberipika ng buyer ang kanyang ID sa aming Compliance Team.

     2. Ang isang file ay hihilingin pagkatapos na magawa ang pagbabayad.

    3. PayPal email upang gawin ang pagbabayad na ipapakita sa isang mamimili sa sandaling maaprubahan mo ang ID ng bumibili.

    Pakikipagtrade bilang Nagbebenta ng Bitcoin

    Hakbang 1

    Kapag nagsimula ang isang kalakalan, makikita mo ang page na ito. Dito at mula ngayon magkakaroon ka ng isang pagpipilian upang lumipat sa classic chat trade:

    tradeliteseller1.png

    Hintayin ang buyer na mag-upload ng kanyang ID. Samantala, mayroon kang pagpipilian upang lumipat sa regular na chat mode sa pamamagitan ng pag-click sa “Humiling ng chat”.

    Sa oras na maipadala na ng buyer ang mga dokumento mo, magkakaroon ka ng sumusunod na opsyon na pagpipilian:

    1. Tingnan ang in-upload na file buyer.

    2. Tanggapin ang file at magpatuloy.

    3. Tanggihan ang file at hayaan ang buyer na subukan ang isa pang file.

    4. Lumipat sa page ng classic chat.

    tradeliteseller2.png

    Kung ayos na lahat, pindutin ang “Tanggapin” para magpatuloy sa susunod na hakbang.

    Hakbang 2

    Hintayin ang buyer na bumili. Kung kinakailangan, simulan ang chat sa trade partner sa pamamagitan ng pagpindot sa “Humiling ng chat”.

    tradeliteseller3.png

    Sa oras na makumpirma na ng buyer ang pagbabayad, magagawa mo ang sumusunod:

    1. Tingnan ang patunay ng pagbabayad.

    2. Kumpirmahin ang pagtanggap ng bayad.

    3. Ilabas ang BTC kung OK ang lahat.

    4. Humiling ng chat para linawin ang tiyak na mga detalye.

    5. Simulan ang dispute sakaling may problema sa bayad o kahina-hinalang mga aksyon mula sa panig ng buyer.

    tradeliteseller4.png

    Sa karaniwang senaryo, kumpirmahin lang ang bayad at pindutin ang “Ilabas ang BTC”.

    Hakbang 3

    Matapos ang isang matagumpay na trade, huwag kalimutang mag-iwan ng feedback sa pamamagitan ng pagpindot sa “Mag-iwan ng feedback”

    tradeliteseller5.png

    Pakikipagtrade bilang Mamimili ng Bitcoin

    Sinimulan mo ang trade katulad ng dati:

    tradelitenew1.png

    tradelitenew2_.png

    Hakbang 1

    Makikita mo ang page na ito. Dito magagawa mong:

    1. I-upload ang mga ID file na hiniling ng nagbebenta.

    2. Kanselahin ang trade kung nagkaproblema.

    tradelitebuyer1.png

    Pagkatapos pindutin ang button na “I-upload” pumili ng kinakailangang mga file:

    1. I-upload ang file mula sa iyong device.

    2. Magbigay ng direktang link sa file.

    3. Gumawa at mag-upload ng litrato ng ID.

    tradelitebuyer2.png

    Para magpatuloy pindutin ang “I-upload”:

    tradelitebuyer3.png

    Ang sumusunod na mga opsyon ay lilitaw:

    1. Burahin ang naka-upload na file at subukan muli.

    2. Magpadala ng mga file sa vendor.

    3. Kanselahin ang trade.

    Kung handa ka, pindutin ang “Ipadala sa vendor”.

    tradelitebuyer4.png

    Tandaan: Maaaring ilipat ng nagbebenta ang iyong trade sa classic chat.

    Hakbang 2

    Habang naghihintay ka sa nagbebenta para repasuhin ang mga dokumento mo, maaari mong kanselahin ang trade:

    tradelitebuyer5_.png

    Sa oras na ang ID mo ay tatanggapin, magagawa mo ang sumusunod:

    1. I-upload ang patunay ng pagbabayad sa katulad na paraan tulad ng iD.

    2. Kanselahin ang trade.

    tradelitebuyer6.png

    Pagkatapos magbayad at mag-upload maaari mong:

    1. Tanggalin ang file at subukan muli.

    2. Pindutin ang “Kumpleto na ang pagbabayad” at magpatuloy.

    3. Kanselahina ng trade.

    tradelitebuyer7.png

    Kung sigurado ka na ang bayad ay matagumpay na naisagawa, pindutin ang “Kumpleto na ang bayad”.

    Hakbang 3

    Habang naghihintay ka na kumpirmahin ang bayad at ilabas ang BTC, maaari mong kanselahin ang trade:

    tradelitebuyer8.png

    Sakaling tagumpay, makikita mong sumusunod na page:

    tradelitebuyer9.png

    Maaari ka na ngayong mag-iwan ng feedback sa trade partner mo. 

  • Feedback at reputasyon

    Tugon at reputasyon ng sistema kung saan ang Paxful ay may magandang apraan ng pagsasala ng mga tapat na user mula sa mga user na hindi gaanong tapat.

    Ang feedback ng Paxful at sistema ng reputasyon ay karaniwang nagpapakita ng puntos sa pampublikong profile ng user. Bawat user ay maaaring magbigay ng isang tugon kada user kada trade. Tanging matagumpay na mga trade ang karapat-dapat para sa feedback.

    Kung pumalya kang magbigay ng feedback sa trade ng user, maaari kang bumalik anumang oras at mag-iwan ng feedback. Kung nakapagbigay ka na ng feedback sa user, maaari ka ring bumalik at palitan ito.

    May tatlong uri ng feedback: positibo, nyutral, at negatibo. Bukod sa pagbibigay ng feedback, pwede ka ring makipag-trade o i-block ang user.  

    Huwag maglagay ng negatibong feedback nang walang dahilan dahil nagdudulot ito ng kahirapan sa mga vendor na makipagtrade kung ang kanilang reputasyon ay napakasama.

    Alamin na ang intensyonal na pagsira sa reputasyon ng vendor ay itinuturing na malisyosong aksyon at magdudulot ng pagban sa account.

    Ang pamemeke ng reputasyon sa pamamagitan ng paggawa ng mga pekeng trade ay hindi pinapayagan at ang mga account na iyon ay iba-ban.

  • Pinakamababang halaga ng trade

    Sa kasalukuyan, ang pinakamababang halaga ng trade ay 10 USD para bumili ng mga bitcoin. Kung nagbebenta ka ng mga bitcoin, ang pinakamababa ay 0.001 BTC.

  • Hindi masimulan ang trade ng vendor

    Maaaring mangyari na gusto mong simulan ang trade sa espesipikong vendor at nakakuha ka ng sumusunod na mensahe:
    "Hindi mo pwedeng simulan ang trade sa vendor na ito", "Walang nakitang alok" at higit pa:
    offer_not_found.PNG

    Isa pang halimbawa:

    cannotstarttrade.PNG

    Tandaan na hindi ito isang teknikal na pagkakamali. Nangyari ito dahil ang mga vendor ay maaaring magtakda ng sumusunod na mga pagbabawal para sa kanilang potensiyal na mga kasosyo sa trade:

    • beripikasyon ng telepono, email, kailangan sa ID
    • nakikita lang ng mga user na markado bilang pinagkakatiwalaan
    • kailangan ng pinakamababang nakalipas na mga trade
    • ang limit ng halaga ng pera ng bagong account ay may kakayang magtrade
    • mga pangheograpiyang harang para sa tukoy na mga bansa
    • Mga limitasyon ng Proxy/VPN
    • hinarangan ang user dahil sa anumang personal na mga dahilan