• Pagbebenta ng mga bitcoin

    Ang pagbebenta ng bitcoin ay lubhang nakakatuwa at napakasaya namin na ginagawa mo ang iyong paglalakbay kasama kami.

    Bago ka makapagbenta, dapat ka munang gumawa ng account sa Paxful. Binibigay ng Paxful sa lahat ng aming mga user ang libreng Bitcoin wallet sa oras ng pagsign up. Sa oras na makapagsign up ka, itatalaga sa iyo ang a wallet awtomatiko. At sa wakas, tingnan ang kung paano ideposito ang mga bitcoin sa Paxful wallet mo.

    Ang gabay na ito ay makakatulong para humanap ng umiiral na mga alok para magbenta ng bitcoin. Kung gusto mong lumikha ng sarili mong alok, tingnan ang aming artikulo sa paggawa ng mga alok

    Video

    Hakbang 1 Pagtatakda ng mga kinakailangan sa paghahanap

    Hakbang 2 Paghahanap ng alok

    Hakbang 3 Trading

    Video

    Narito ang maikling video kung paano agad makapagbebenta ng mga bitcoin:

    Hakbang 1 Pagtatakda ng mga kinakailangan sa paghahanap

    1. Maglogin sa iyong Paxful account at pindutin ang Magbenta ng Bitcoin.Selling1.png

    Ang Magbenta ng bitcoin na page ay lilitaw.

    2. Pindutin ang Ipakita Lahat o Anumang paraan ng pagbabayad na field at pumili ng iyong napiling paraan ng pagbabayad para magbenta ng bitcoin sa dialog box na lilitaw.

    Bilang kahalili, pindutin ang TINGNAN ANG LAHAT NG ALOK PARA SA LAHAT NG OPSYON NG PAGBABAYAD para makita ang listahan ng lahat ng availablee na mga paraan ng pagbabayad.

    3. Pindutin ang Anumang currency at piliin ang currency mo mula sa listahan. Ilagay ang halaga na gusto mong itrade sa Halaga na field.

    Maaari mong iwang bakante ang Halaga na field kung wala kang tiyak na anumang naisip na halaga.

    4. Piliin ang bansa mo mula sa Lokasyon na listahan.

    5. Pindutin ang MAGHANAP NG MGA ALOK. Ang listahan ng alok ay i-u-update ayon sa iyong mga kahilingan ng paghahanap.

    selling2.png

    Hakbang 2 Paghahanap ng alok

    1. Magbrowse sa pamamagitan ng listahan ng mga alok.

    Ang listahan ay magsisimula sa mga alok na may:

    • Mga buyer na may pinakamagandang marka at reputasyon.
    • Mga buyer na may pinaka-aktibo sa platform at handa para sa agarang trade.
    • Ang pinaka kumikitang mga diskuwento o margin.

    Tingnan ang mga tag at label para sa karagdagang impormasyon tungkol sa alok. Kapag nahanap mo ang alok na gusto mo, pindutin ang Sell.

    Selling3.png

    Tandaan: Hindi pa nasisimulan ang iyong trade, sa puntong ito.

    Ang Alok na page ay lilitaw.

    Pag-aralan ang lahat ng detalye ng alok tulad ng:

    • Mga limit sa pagbebenta — ay ang halagang inalok nang hindi napakababa o hindi napakataas?
    • Rate ng buyer — mukha bang kikita ka dito?
    • Mga termino ng alok — ay ang hinihiling na karagdagang mga dokumento o pagkakaroon ng espesipikong kahilingan bilang bahagi ng pamamaraan ng trade?
    • Singil ng Paxful — ang singil na ito ay depende sa paraan ng pagbabayad na napili mo.

    Selling4.png

    2. Ilagay ang halaga na handa kang itrade sa Fiat currency field o BTC field. Pindutin ang MAGBENTA NGAYON.

    Selling5.png

    3. Sa dialog box na lilitaw, pindutin ang Nauunawaan ko ang panganib, magpatuloy para magbenta ng bitcoin.

    4. Ang bagong dialog box ng pag-iingat ay lilitaw. Kumpirmahin ang babala ng pagbabasa sa pamamagitan ng pagpindot sa Maingat kong nabasa ang babalang ito at tinatanggap ang panganib.

    Ang Trade chat na page ay lilitaw.

    Tandaan:

    • Kapag nagsimula ang trade, ang bitcoin rate ay hindi mababago a hindi tataas.
    • Ang mga bitcoin ay ililipat mula sa iyong personal na wallet ng Paxful para sa ligtas na escrow ng trade.

    Hakbang 3 Trading

    1. Talakayin ang kinakailangang mga detalye sa kasosyo mo gamit ang aming trade chat at maingat na sundin ang mga tagubilin.

    Selling6.png

    2. Sa oras na makapagbayad na ang kasosyo sa trade, pindutin ang Pakawalan ang bitcoin.

    Selling8.png

    Suriing mabuti kung tama ang halagang ipinadala sa iyo. Kumpirmahin ang pagpapadala ng BTC sa bumibili sa pamamagitan ng pagpindot saIlabas ang bitcoin sa dialog box na lilitaw.

    Selling9.png

    Tandaan:

    • Tanging buyer lang ang pwedeng magkansela ng trade.
    • Sakaling may anumang problema o hindi pagkakasundo, pindutin ang Dispute para imbitahan ang aming mga moderator para imbestigahan ang kaso.
    • Maaari mong pindutin ang Ireport ang problema para maghain ng report.
    • Kapag napaso ang trade, maaari mong buksan itong muli sa pamamagitan ng pagpindot sa Buksan muli ang escrow.

    Inilalabas mo ang BTC mula sa trade escrow patungo sa Paxful wallet ng buyer. Ang trade ay matagumpay na makukumpleto.

    Tip:

    • Pagkatapos ng trade, isaalang-alang ang pag-iwan ng feedback sa kasosyo mo sa trade. Makatutulong ito sa ibang mga trade na maunawaan kung sino ang kausap nila.
    • Kung kailangan mo ng resibo sa paxful ng transaksyon ng BTC, pindutin ang Pampublikong resibo sa ilalim ng page.

    Babala: Kung ang bansa mo ay nasa OFAC grey list, ang pagbebenta ng mga bitcoin ay hihiling sa iyo na beripikahin ang ID mo.

    Selling10.png

    Pindutin ang aming tips sa pagbebenta ng bitcoin para sa higit na impormasyon. Sakaling gusto mong bumili ng mga bitcoin, tingnan ang sumusunod na patnubay.

  • Mga tuntunin sa pagbebenta ng mga bitcoin

    Maaaring kumita nang malaki bilang isang Paxful seller kapag sinunod mo ang ilan sa mga basic na tuntunin. Para magsimula, pinagsama-sama namin ang ilan sa mga tuntunin para magbenta ng bitcoin hindi lang madali kundi ligtas at sigurado rin:

    1. Tanggapin ang pananagutan mo para sa posibleng mga panganib.

    Ginagawa namin sa Paxful ang buong makakaya namin upang dagdagan ang antas ng seguridad sa aming platform. Gayunman, tulad mo bilang isang seller, dapat mong tanggapin ang lahat ng panganib at pananagutan kaakibat ng pakikipagtrade. Nasa pagpapasya mo ang pagprotekta sa iyong sarili mula sa mga milisyosong user at batid na mga scam. Tingnan ang aming patnubay ng seguridad at tips ng kaligtasan fpara sa higit na impormasyon.

    2. Ang pagbroker ng mga code ng gift card ay mahigpit na ipinagbabawal sa Paxful.

    Ang pagbroker ay kapag bumibili ka ng code ng gift card mula sa third party at pagkatapos ay ibebenta ito sa iba. Ito ay labag sa Mga Termino ng Serbisyo ng Paxful at mahigpit na ipinagbabawal. Ang tuntuning ito ay magagamit sa mga e-code at pisikal na mga gift card. Basahin ang karagdagang impormasyon tungkol sa mga paglalarawan sa pakikipagtrade gamit ang gift card.

    3. Laging sumagot sa mga buyer.

    • Kung wala ka sa computer mo, mangyaring i-deactivate ang lahat ng alok mo. Madali mo itong magagawa sa iyong Dashboard. Makatutulong din ito sa iyo na makaiwas na malock ang iyong BTC sa trade escrow kapag nagsimula ang buyer sa pakikipagtrade sa oras na wala ka.

    • Kapag nagsimulang makipagtrade ang buyer sa iyo, magsabi ng “Hi” at ipaalam sa kanil na handa ka nang makipagtrade.
      Halimbawa: “Hi, handa na ako, pakisundin ang mga tagubilin at makukuha mo ang bitcoin mo anumang oras!“. Ang mensaheng ito ay mukhang napakasimple at halata. Gayunman, ayon sa aming statistics, ang karamihan ng bilang ng mga nakanselang trade ay dahil sa hindi sumasagot na seller. Ipakita sa buyer na handa ka na.

    4. Panatilihin ang maayos na pananalita sa iyong mga kasosyo sa trade.

    Ang masamang pananalita at bastos na tono ay hindi pinapayagan sa aming platform. Maging maunawain sa mga buyer dahil ang ilan sa kanila ay maaaring walang karanasan sa pakikipagtrade. Kung nahaharap ka sa anumang seryosong isyu sa kasosyo mo sa trade, imbitahan ang aming mga tagapamagitan sa pamamagitan ng pagsisimula ng isang dispute.

    5. Sumulat ng malinaw na mga termino ng alok at mga tagubilin ng trade.

    • Gawing simple na nakashort bullet at nakalista na may numero ang mga termino ng alok at tagubilin sa trade. Basahin ang higit kung paano sumulat ng magagandang termino ng alo at mga tagubilin ng trade. Ito ay nauugnay kapag lumilikha ng sarili mong alok.

    • Kung mayroon kang espesyal na mga pamamaraan na nauugnay sa pagbabayad na maaaring mag-antala sa paglalabas ng bitcoin nang matagal na panahon, linawin ito sa buyer. Dapat tuwiran itong banggitin sa iyong mga termino ng alok at mga tagubilin sa trade. Dapat mong tiyakin na ang paglalabas ng bitcoin ay maaaring makatwirang maantala. Ang oras ng pagrelease ay maaaring hindi lumampas sa binanggit sa iyong mga termino. (Tandaan na pinatatalastas ng Paxful ang serbisyong p2p bilang agaran.)

    • Isulat ang tamang mga termino ng alok. Nakikita ng buyer ang mga termino ng alok bago siya magsimula sa trade. Maaari itong maglaman ng impormasyon tungkol sa trade.

      Halimbawa: pag-upload ng litrato ng ID, pag-upload sa resibo ng cash, pagtanggap sa pisikal na gift card lang, atbp.

      Tandaan na iniiwasan ng mga buyer ang mga alok na may kumplikadong mga termino. Ang malinaw na termino ay nagbibigay din ng kalamangan sa kaso ng dispute. Never hayaang blangko ang seksyong ito habang gumagawa ng alok.

    • Sumulat ng malinaw na mga tagubilin ng trade. Ang mga tagubilin ng trade ay ipinakikita sa buyer sa oras na magsimula ang trade. Ang mga tagubilin ay nagbibigay ng karagdagang patnubay sa kasosyo mo sa trade at dapat naglalaman ng malinaw na mga hakbang.

    • Bigyan ang mga customer mo ng makatutulong na mga pantulong at halimbawa kung kinakailangan. Halimbawa, kung kailangan mong mag-upload n selfie gamit ang ID na may litrato, maglagay ng halimbawang litrato.

    6. Alamin ang pinakamababang halaga ng trade sa aming platform.

    Mahalagang malaman mo ang pinakamababang halaga ng trade na itinakda ng Paxful. Sa kasalukuyan, ang pinakamababang halaga ng trade ay 10 USD para bumili ng mga bitcoin. Kung nagbebenta ka ng mga bitcoin, ang pinakamababa ay 0.001 BTC.

    7. Huwag gumamit ng mga third party para sa pagbabayad.

    Ikaw ang taong may pananagutan sa pagtanggap at pagproseso ng mga bayad. Kung wala kang kontrol sa pagbabayad at ang pananagutan mo sa paglilipat sa iba, maaari itong isaalang-alang bilang panlilinlang. Halimbawa, sa kaso ng bank transfer, ikaw ang dapat na may-ari ng account, kng altcoin, dapat ikaw ang may-ari ng wallet, atbp.

    8. Hindi pinahihintulutan ang mga trade sa labas ng escrow.

    Mahalaga na hindi mo ibigay sa ibang mga user ang impormasyon ng contact mo para makipagtrade sa daloy ng pakikipagtrade sa labas ng Paxful. Dapat gamitin ang Paxful escrow sa lahat ng oras o ang account mo ay maba-ban. Sa pamamagitan ng pag-iwas sa pagbabayad ng mga singil sa escrow sa aming platform habang nakikipagtrade sa labas ng serbisyo ng escrow, inilalantad mo ang BTC mo sa mas mataas na panganib dahil ang team ng imbestigasyon namin ay hindi makakatulong sa iyo sakaling may pagtatalo.

    9. Ang mga negosasyon sa presyo ay mahigpit na ipinagbabawal.

    Dapat bayaran ng buyer ng bitcoin ang eksaktong presyo na itinakda para sa trade. Kung sa oras ng trade ay sumangayon ang parehong panig na palitan ang halaga, ang bagong trade ay dapat buksang muli sa tamang halaga. Ang negosasyon sa presyo sa loob ng parehong trade ay labag sa aming Mga Termino ng Serbisyo.

    Tingnan ang aming patnubay sa paano magbenta ng mga bitcoin sa Paxful para magkaroon ng mga buod ng aming daloy ng trade.


  • Pagbebenta ng mga bitcoin para sa ginto

    Ang ginto ay isa sa pinakalumang kilalang mahalaga sa mundo, at ang isa na may patuloy na tumataas na halaga sa paglipas ng panahon, sa kabila ng mga pagbabago sa ekonomiya. Masaya kaming ialok sa inyo ang oportunidad sa pagbebenta ng bitcoin gamit ang ginto. Narito ang lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa pakikipagtrade gamit ang ginto.

    Bago ang pakikipagtrade

    Pakikipagtrade

    Paghahanap ng alok

    Paglikha ng alok

    Pagkumpleto sa trade

    Pagkatapos ng trade

    Simulan ang beripikasyon ng adres at ID

    Bago ang pakikipagtrade

    Bago mo simulan ang pagbebenta ng bitcoin para sa ginto, tiyakin na mayroon kang paraan upang suriin ang kalidad ng ginto bago ka magbayad. Piliin mo man na ipadala sa iyo ang ginto sa pamamagitan ng koreo o ihatid sa iyo nang personal, dapat mong tiyakin ang kaunting panganib.

    Huwag kang mag-atubiling humiling ng karagdagang dokumento o patunay tulad ng:

    • Patunay ng pamimili (ang resibo).
    • Sertipiko ng pagiging totoo para sa mga item na ginto.
    • Litrato ng ID ng kasosyo mo sa trade.
    • Litrato ng aktuwal na item na ginto.
    • Ang tracking number na ibinigay sa pamamagitan ng parselang serbisyo (sakaling ang ginto ay ipinadala sa iyo nang direkta).

    Pakikipagtrade

    Paghahanap ng alok

    Ang unang hakbang para magbenta ng mga bitcoin para sa ginto ay maghanap ng alok na tumatanggap ng ganitong uri ng pagbabayad. Kailangan mo ring ilagay ang halaga ng ginto na gusto mong bilhin at ang currency na napili mo.

    Pumili ng pinakamagandang rate ng bitcoin para magkaroon ng pinakamataas na kita hangga't maaari. Pagtuunan din ng pansin ang reputasyon ng iyong potensiyal na kasosyo sa trade at maingat na pumili ng lokasyon, para tiyakin na maihahatid ng kasosyo mo sa trade ang ginto sa iyo. At sa wakas, basahin ang mga termino ng alok at mga tagubilin ng tagumpay na pakikipagtrade.

    Kausapin ang kasosyo mo sa trade sa trade chat. Linawin kung paano maihahatid sa iyo ang ginto at magpasya ka kung ayos lang ang produkto bago magpatuloy.

    Tip:

    • Napiling mga pampublikong lugar para sa personal na pakikipagtrade.
    • Gumamit ng nasusubaybayang paraan ng pagpapadala para sa paghahatid gamit ang liham. 

    Paglikha ng alok

    Para magbenta ng bitcoin para sa ginto, maaari ka rin na lumikha ng sarili mong alok.
    Narito ang ilang bagay na dapat tandaan:

    • Itakda ang margin na sa tingin mo ay kikita ka dahil hindi pinahihintulutan ang mga negosasyon sa oras ng trade.
    • Sumulat ng malinaw na mga termino ng alok at tagubilin.
    • Maging malinaw tungkol sa mga patunay ng pagbabayad na inaasahan mo para sa ginto na tinatanggap mo.
    • Para sa personal na mga trade, maging napakalinaw tungkol sa pakikipagkita sa lugar at paraan ng pagpapalitan.

    Sa oras makagawa at mailathala mo na ang personalisado mong alok,hintayin ang buyer na simulan ang trade sa iyo. Kapag nasimulan na ang trade, makakatanggap ka ng notipikasyon. Huwag mag-atubiling talakayin ang kinakailangang mga detalye sa iyong kasosyo sa trade sa trade chat at magpatuloy sa pakikipagtrade nang alinsunod.

    Pagkumpleto sa trade

    Sa oras na mabayaran ka na ng buyer at namarkahan na ang trade bilang Bayad na, magkakaroon sila ng 21 araw para ihatid ang ginto sa iyo sa pamamagitan ng koreo o nang personal. Kapag hindi mo nakumpirma ang pagtanggap ng mga kalakal sa loob ng timeframe na ito ang dispute ay awtomatikong magsisimula at makikialam ang aming mga tagapamagitan para tumulong. 

    Tandaan: Ang kalkulasyon na 21 araw simula sa pakikipagtrade ay markado bilang Bayad na.

    Kapag natanggap mo na ang ginto, maaari mo nang ilabas ang bitcoin mula sa trade escrow. Pindutin ang button na kung sigurado ka sa pagtanggap ng bayad. Tandaan na ang mga transaksyon sa bitcoin ay final at hindi na maibabalik.

    Pagkatapos ng trade

    Sa oras na makumpleto na ang trade, maaari kang mag-iwan ng angkop na feedback sa iyong kasosyo sa trade. Gayundin kung gusto mong makipagtrade sa user, maaari mong idagdag sila sa iyong listahan ng mapagkakatiwalaan.

    Simulan ang beripikasyon ng adres at ID

    Isa pa sa mahalagang aspekto para isaalang-alang ay ang iyong beripikasyon ng ID at address. Dapat mong kumpletuhin ang iyong beripikasyon ng ID at beripikasyon ng adres para makipagtrade gamit ang ginto. Ang beripikasyong ito ay mahalaga para protektahan ang mga seller namin ng bitcoin sa anumang gawaing panlilinlang. Kaya hindi posibleng makipagtrade ng ginto o sa katulad na paraan nang hindi ganap na nabeberipika sa Paxful.

    Tandaan: Ang ganap na beripikasyon ay ipinatutupad para sa mga alok at trade na magsisimula sa 50 USD.

    Tingnan ang aming sunod-sunod na gabay kung paano magbenta ng bitcoin at ang aming mga tuntunin sa pagbebenta ng bitcoin.

  • Pagbebenta ng mga bitcoin gamit ang mga bank transfer

    Ang mga bank transfer ay sikat na paraan ng pagbabayad sa Paxful. Ipapakita ng artikulong ito kung paano magbenta ng mga bitcoin gamit ang mga bank transfer.

    Bago ang pakikipagtrade

    Bago magbenta ng mga bitcoin para sa mga bank transfer, tiyakin na may bank account kang itinakda at nakahanda para tumanggap ng mga transaksyon. Alamin kung mayroon kang limit sa transaksyon o heograpikong pagbabawal na itinakda sa iyong bank account. Gayundin, isaalang-alang ang paggamit ng bank na madaling makapagbibigay ng mga transaksyon gamit ang lahat ng mga detalyeng makikita sa siang page o pdf file.

    Ang mga detalyeng magagamit ay: 

    • Pangalan at apilyedo ng may-ari ng account.
    • Pangalan at logo ng bangko.
    • Petsa, oras at status ng transaksyon.
    • Numero ng account at buong pangalan ng nagpapadala.

    Pakikipagtrade

    Paghahanap ng alok

    Ang unang hakbang sa pagbebenta ng bitcoin gamit ang mga bank transfer ay humanap ng alok na tumatanggap ng mga bank transfer bilang pababayad. Kailangan mo ring ilagay ang halaga na gusto mong bilhin at ang currency na napili mo.

    Pagkatapos mong makahanap ng naaangkop na alok, tiyakin na nabasa mo ang mga termino ng alok bago ang pagbubukas ng trade. Ipapakita nito sa iyo ang maikling buod ng hinihingi ng buyer mula sa iyo may kinalaman sa pagbabayad.

    Sa oras na masimulan mo na ang trade, lilitaw ang mas detalyadong pangkat ng mga tagubilin sa trade. Ang mga ito ay tinatawag na mga tagubilin ng trade. Laging hihingin ng buyer ang mga detalye ng iyong bangko. Basahin dito kung paano mo idadagdag at itatago ang mga detalye mo sa bangko sa iyong profile at trade chat.

    Paglikha ng alok

    Para magbenta ng mga bitcoin para sa bank transfer, maaari ka rin na lumikha ng sarili mong alok.
    Narito ang dalawang tips para sa alok mo sa bank transfer:

    • Magtakda ng margin na sa tingin mo ay kikita dahil walang mga negosasyon sa oras ng trade ang pinapayagan.
    • Sumulat ng malinaw na mga termino ng alok at tagubilin.
    • Linawin kung sino ang magbabayad sa transfer mung mayroon.

    Pagkatapos lumikha at maglathala ng personalidong alok, hintayin ang buyer na simulan ang trade sa iyo. Kapag nasimulan na ang trade, makakatanggap ka ng notipikasyon. Huwag mag-atubiling talakayin ang kinakailangang mga detalye sa iyong kasosyo sa trade.

    Pagkumpleto sa trade

    Sa oras na mabayaran ka ng buyer, markahan ang trade bilang Bayad na at i-upload ang patunay ng pagbabayad, doblehin nang dalawang beses kapag naging matagumpay ang pagbabayad sa iyo.

    Ang huling hakbang ay ilabas mo ang mga bitcoin mula sa trade escrow. Pindutin ang button na Ilabas ang bitcoin kung sigurado ka sa pagtanggap ng bayad.

    Pagkatapos ng trade

    Sa oras na makumpleto na ang trade, maaari kang mag-iwan ng angkop na feedback sa iyong kasosyo sa trade. Gayundin kung gusto mong makipagtrade sa user, maaari mong idagdag sila sa iyong listahan ng mapagkakatiwalaan

    Narito ang ilan sa karagdagang impormasyon kung paano magbenta ng mga bitcoin sa Paxful.

     

  • Pagbebenta ng mga bitcoin gamit ang mga cash payment

    May iba't ibang cash na pagbabayad na maaari mong gamitin upang magbenta ng mga bitcoin sa Paxful. Ang artikulong ito ay nagbibigay sa iyo ng buod ng pagbebenta ng mga bitcoin gamit ang alinman sa suportadong mga cash na pagbabayad.

    Bago ang pakikipagtrade

    Bago magbenta ng bitcoin gamit ang mga cash payment, narito ang ilan sa mga bagay na dapat isaalang-alang:

    • Ilan sa mga paraan ng pagbabayad tulad ng Cash Sa Pamamagitan ng Liham or Cash sa Personal, ay nangangailangan ng lubusang beripikasyon ng ID at adres (para sa halagang mas mataas sa 50 USD kada trade).
    • Sakaling may mga dispute, napakahirap para sa Paxful na magbigay ng tulong maghanda sa paghahain ng report sa Pulis sa mga ganitong kaso.

    Pakikipagtrade

    Paghahanap ng alok

    Ang unang hakbang sa pagbebenta ng mga bitcoin gamit ang cash ay humanap ng alok na tumatanggap ng cash bilang pagbabayad. Kailangan mo ring ilagay ang halaga na gusto mong bilhin at ang currency na napili mo

    Kapag nahanap mo ang alok na angkop sa iyo, siguruhing nabasa mo ang mga termino ng alok bago simulan ang trade. Ipapakita nito sa iyo ang maikling buod na kinakailangan ng buyer mula sa iyo may kinalaman sa pagbabayad.  Sa kaso ng Cash sa Personal, ang mga termino ng alok ay dapat magbigay ng maikling listahan ng pagpipilian sa pakikipagkita.

    Pagkatapos basahing mabuti ang mga termino ng alok at kumpirmahin na sangayon ka sa mga kundisyon, oras na para simulan ang trade. Kapag nasimulan na ang trade, ang mas espesipikong pangkat ng mga tagubilin ay lilitaw para sa pagkikita. Karaniwan, dapat ipangako ng mga buyer para sa mga cash na trade na magbigay ng resibo ng teller. Kung sa anumang punto na maramdaman mong nalito ka sa trade tungkol sa mga tagubilin, huwag mag-atubiling magpadala ng mensahe sa buyer sa pamamagitan ng trade chat. Dapat kaya nilang tulungan ka sa anumang mga tanong na mayroon ka. 

    Paglikha ng alok

    Para magbenta ng bitcoin gamit ang cash na pagbabayad, maaari ka rin na gumawa ng sarili mong alok. Narito ang ilan sa mga bagay na isasaalang-alang:

    • Magtakda ng margin na sa tingin mo ay kikita dahil walang mga negosasyon sa oras ng trade ang pinapayagan.
    • Sumulat ng malinaw na mga termino ng alok at tagubilin.
    • Linawin kung alin sa patunay ng pagbabayad ang kailangan mo at gaano katagal ang kailangan mo para kumpirmahin ang bayad.
    • Sa kaso ng Cash Sa Personal, sabihing mabuti kung saan mo gustong makipagkita.

    Tip: Napiling mga pampublikong lugar para sa Cash Sa Personal na mga trade.

    Pagkatapos lumikha at maglathala ng personalidong alok, hintayin ang buyer na simulan ang trade sa iyo. Kapag nasimulan na ang trade, makakatanggap ka ng notipikasyon. Huwag mag-atubiling talakayin ang kinakailangang mga detalye sa iyong kasosyo sa trade.

    Pagkumpleto sa trade

    Para sa Cash Sa Personal na trade, sa oras na maisaayos ang lahat ng detalye, oras na para makipagkita sa buyer mo. Magpunta sa tinukoy na lokasyon at kolektahin ang cash mula sa buyer. Sa oras na matapos na ito, hintayin ang buyer na markahan ang trade bilang Bayad na. Pindutin ngayon ang button na Ilabas ang bitcoin

    Tandaan na sa oras ng Cash Sa Pamamagitan ng Sulat, ang trade ay maaaring mangailangan ng maraming pasensiya mula sa parehong panig.

    Gamit ang ibang mga paraan ng pagbabayad na cas, ang proseso ng paraan ng pagbabayad mismo ay karaniwang napakasimple. Sa anumang kaso, laging tiyakin na nagbigay ka ng tamang mga detalye sa buyer at kolektahin ang lahat ng posibleng patunay ng pagtanggap o hindi pagtanggap ng pagbabayad. 

    Ang huling hakbang ay ilabas mo ang mga bitcoin mula sa trade escrow. Pindutin ang button na kung sigurado ka sa pagtanggap ng bayad.

    Pagkatapos ng trade 

    Sa oras na makumpleto na ang trade, maaari kang mag-iwan ng angkop na feedback sa iyong kasosyo sa trade. Gayundin kung gusto mong makipagtrade sa user, maaari mong idagdag sila sa iyong listahan ng mapagkakatiwalaan

    Narito ang ilan sa karagdagang impormasyon kung paano magbenta ng mga bitcoin sa Paxful.

  • Pagbebenta ng mga bitcoin gamit ang mga debit/credit card

    Sa Paxful nagbibigay kami ng opsyon para magbenta ng mga bitcoin gamit ang mga debit o credit card, kabilang ang mga prepaid card. Ang artikulong ito ay nagbibigay sa iyo ng buod sa pagbebenta ng mga bitcoin gamit ang anumang magagamit na card. 

    Bago ang pakikipagtrade

    Pakikipagtrade

    Paghahanap ng alok

    Ang unang hakbang para magbenta ng mga bitcoin gamit ang mga debit/credit card ay maghanap ng alok na tumatanggap ng tiyak na uri ng card na mayroon ka. Kailangan mo ring ilagay ang halaga na gusto mong bilhin at ang currency na napili mo.

    Pagkatapos mong matagpuan ang angkop na alok, tiyakin na nabasa mo ang mga termino ng alok bago magbukas ng trade. Ipapakita nito sa iyo ang maikling buod ng hinihingi ng buyer mula sa iyo may kinalaman sa pagbabayad.

    Sa oras na makapagsimula ka na sa trade, ang mas detalyadong pangkat ng mga tagubilin ay lilitaw. Ang mga ito ay tinatawag na mga tagubilin ng trade. Ang kailangan ng buyer mula sa iyo ay iba't iba depende sa espesipikong pagbabayad na gagamitin mo.

    Paglikha ng alok

    Para magbenta ng mga bitcoin, maaari ka rin na gumawa ng sarili mong alok.
    Narito ang dalawang tips:

    • Magtakda ng margin na sa tingin mo ay kikita dahil walang mga negosasyon sa oras ng trade ang pinapayagan.
    • Sumulat ng malinaw na mga termino ng alok at tagubilin ng trade.

    Pagkatapos lumikha at maglathala ng personalidong alok, hintayin ang buyer na simulan ang trade sa iyo. Kapag nasimulan na ang trade, makakatanggap ka ng notipikasyon. Huwag mag-atubiling talakayin ang kinakailangang mga detalye sa iyong kasosyo sa trade.

    Pagkumpleto sa trade

    Sa oras na mabayaran ka ng buyer, markahan ang trade bilang Bayad na at i-upload ang patunay ng pagbabayad, doblehin nang dalawang beses kapag naging matagumpay ang pagbabayad sa iyo.

    Ang huling hakbang ay ilabas mo ang mga bitcoin mula sa trade escrow. Pindutin ang button na Ilabas ang bitcoin kung sigurado ka sa pagtanggap ng bayad.

    Pagkatapos ng trade

    Sa oras na makumpleto na ang trade, maaari kang mag-iwan ng angkop na feedback sa iyong kasosyo sa trade. Gayundin kung gusto mong makipagtrade sa user, maaari mong idagdag sila sa iyong listahan ng mapagkakatiwalaan

    Narito ang ilan sa karagdagang impormasyon kung paano magbenta ng mga bitcoin sa Paxful.





  • Pagbebenta ng mga bitcoin gamit ang mga digital currency

    Maaaring magbenta ng mga bitcoin para sa mga digital currency (mga altcoin) sa Paxful. Ang artikulong ito ay nagbibigay sa iyo ng buod ng pagbebenta ng mga bitcoin gamit ang alinman sa suportadong mga digital currency.

    Bago ang pakikipagtrade

    Bago magbenta ng bitcoin para sa mga digital currency, tiyakin na mayroon kang wastong wallet address at may access ka sa service provider ng wallet. Tiyakin na pinag-aralan mo rin ang lahat ng espesipiko na nauugnay sa crytocurrency na napili mo at alamin ang anumang posibleng mga limitasyon ng transaksyon o mga espesyalidad.

    Pakikipagtrade

    Paghahanap ng alok

    Ang unang hakbang para magbenta ng mga bitcoin gamit ang mga digital currency ay maghanap ng alok na tumatanggap ng espesipikong cryptocurrency na hinahanap mo. Kailangan mo ring ilagay ang halaga na gusto mong bilhin at ang currency na napili mo.

    Tandaan: Kailangan mo ring piliin ang fiat currency dahil gagamitin ito bilang punto ng reperensiya sa presyo sa merkado ng bitcoin. Gayunman, ipinapayo na piliin ang USD dahil ang presyo ng bitcoin sa buong mundo ay itinakda sa currency na ito.  

    Pagkatapos mong mahanap ang angkop na alok, tiyakin na nabasa mo ang mga termino ng alok bago magbukas ng trade. Ipapakita nito sa iyo ang maikling buod ng hinihingi ng buyer mula sa iyo may kinalaman sa pagbabayad 

    Sa oras na makapagsimula ka na sa trade, ang mas detalyadong pangkat ng mga tagubilin ay lilitaw. Ang mga ito ay tinatawag na mga tagubilin ng trade. Ang kailangan ng buyer mula sa iyo ay iba't iba depende sa espesipikong pagbabayad online na gagamitin mo.

    Note: Ganap na pananagutan na bigyan ang buyer ng tamang wallet address.

    Paglikha ng alok

    Para magbenta ng mga bitcoin para sa mga digital currency, maaari ka rin na lumikha ng sarili mong alok.
    Narito ang dalawang tips para sa alok mo:

    • Magtakda ng margin na sa tingin mo ay kikita dahil walang mga negosasyon sa oras ng trade ang pinapayagan.
    • Sumulat ng malinaw na mga termino ng alok at tagubilin.
    • Linawin kung sino ang magbabayad sa transaksyon kung mayroon.

    Pagkatapos lumikha at maglathala ng personalidong alok, hintayin ang buyer na simulan ang trade sa iyo. Kapag nasimulan na ang trade, makakatanggap ka ng notipikasyon. Huwag mag-atubiling talakayin ang kinakailangang mga detalye sa iyong kasosyo sa trade.

    Pagkumpleto ng trade

    Sa oras na mabayaran ka ng buyer, markahan ang trade bilang Bayad na at i-upload ang patunay ng pagbabayad, doblehin nang dalawang beses kapag naging matagumpay ang pagbabayad sa iyo.

    Ang huling hakbang ay ilabas mo ang mga bitcoin mula sa trade escrow. Pindutin ang button na Ilabas ang bitcoin kung sigurado ka sa pagtanggap ng bayad.

    Pagkatapos ng trade

    Sa oras na makumpleto na ang trade, maaari kang mag-iwan ng angkop na feedback sa iyong kasosyo sa trade. Gayundin kung gusto mong makipagtrade sa user, maaari mong idagdag sila sa iyong listahan ng mapagkakatiwalaan

    Narito ang ilan sa karagdagang impormasyon kung paano magbenta ng mga bitcoin sa Paxful.

     

  • Pagbebenta ng mga bitcoin gamit ang mga online wallet

    May iba't ibang online wallet tulad ng PayPal at Skrill na maaari mong gamitin para magbenta ng mga bitcoin sa Paxful. Ang artikulong ito ay nagbibigay sa iyo ng buod ng pagbebenta ng mga bitcoin gamit ang alinman sa suportadong mga online wallet.

    Bago ang pakikipagtrade

    Bago magbenta ng bitcoin gamit ang iyong online wallet, tiyakin na ang transaksyon ng nagpapadala ay hindi mahaharangan dahil sa iyong pang-araw-araw na limit o ibang pangheograpiyang pagbabawal.

    Pakikipagtrade

    Paghahanap ng alok

    Ang unang hakbang sa pagbebenta ng mga bitcoin gamit ang mga online wallet ay maghanap ng alok para sa online wallet na napili mo. Kakailanganin mo rin na ilagay ang halaga na gusto mong bilhin at ang napili mong currency.

    Pagkatapos mong mahanap ang angkop na alok, tiyakin na nabasa mo ang mga termino ng alok bago magbukas ng trade. Ipapakita nito sa iyo ang maikling buod ng hinihingi ng buyer mula sa iyo may kinalaman sa pagbabayad 

    Sa oras na makapagsimula ka na sa trade, ang mas detalyadong pangkat ng mga tagubilin ay lilitaw sa trade chat. Ang mga ito ay tinatawag na mga tagubilin ng trade. Laging hihingin ng buyer ang mga detalye ng iyong online wallet. Ang mga kahilingan ng buyer ay iba't iba depende sa online na pagbabayad na ginagamit mo. Halimbawa, ang mga trader na gumagamit ng mag online wallet tulad ng PayPal, Skrill, at Neteller ay karaniwang nangangailangan ng litrato ng iyong ID.

    Tip: Tiyakin na ang pangalan mo sa online wallet account ay tugma sa pangalan sa Paxful. Basahin ang higit sa aming artikulo tungkol sa tips pangkaligtasan.

    Paglikha ng alok

    Para magbenta ng mga bitcoin sa pamamagitan ng mga online wallet, maaari ka rin na gumawa ng sarili mong alok.
    Narito ang dalawang tips para sa alok mo:

    • Magtakda ng margin na sa tingin mo ay kikita dahil walang mga negosasyon sa oras ng trade ang pinapayagan.
    • Sumulat ng malinaw na mga termino ng alok at tagubilin.
    • Linawin kung sino ang magbabayad sa transaksyon kung mayroon.

    Pagkatapos lumikha at maglathala ng personalidong alok, hintayin ang buyer na simulan ang trade sa iyo. Kapag nasimulan na ang trade, makakatanggap ka ng notipikasyon. Huwag mag-atubiling talakayin ang kinakailangang mga detalye sa iyong kasosyo sa trade.

    Pagkumpleto sa trade

    Sa oras na mabayaran ka ng buyer, markahan ang trade bilang Bayad na at i-upload ang patunay ng pagbabayad, doblehin nang dalawang beses kapag naging matagumpay ang pagbabayad sa iyo.

    Ang huling hakbang ay ilabas mo ang mga bitcoin mula sa trade escrow. Pindutin ang button na Ilabas ang bitcoin kung sigurado ka sa pagtanggap ng bayad.

    Pagkatapos ng trade

    Sa oras na makumpleto na ang trade, maaari kang mag-iwan ng angkop na feedback sa iyong kasosyo sa trade. Gayundin kung gusto mong makipagtrade sa user, maaari mong idagdag sila sa iyong listahan ng mapagkakatiwalaan

    Narito ang ilan sa karagdagang impormasyon kung paano magbenta ng mga bitcoin sa Paxful.

     

  • Pagbebenta ng mga bitcoin gamit ang mga gift card

    Ang mga gift card ay popular na paraan ng pagbabayad sa Paxful. Ang artikulong ito ay nagbibigay sa iyo ng buod sa pagbebenta ng mga bitcoin gamit ang anumang magagamit na gift card. 

    Bago ang pakikipagtrade

    Bago magbenta ng bitcoin gamit ang mga gift card, may ilan sa mga bagay na dapat isaalang-alang:

    • Maaari ka ring bumili ng mga card na personal na pag-aari ng iyong kasosyo sa trade.
    • Magpasya kung kailangan mo ng e-code o pisikal na mga card.
    • Para sa higit na impormasyon, tingnan ang aming malaking artikulo sa mga espesipiko ng trade gamit ang gift card.

    Pakikipagtrade

    Paghahanap ng alok

    Ang unang hakbang para magbenta ng mga bitcoin gamit ang mga gift card ay maghanap ng alok na tumatanggap ng uri ng iyong gift card. Kailangan mo ring ilagay ang halaga ng bitcoin na gusto mong bilhin at ang currency na napili mo.

    Tip: Magtuon ng pansin kung handa na ang buyer sa pagbibigay ng resibo o anumang iba pang patunay ng pagbabayad.

    Sa oras na makapagsimula ka na sa trade, ang mas detalyadong pangkat ng mga tagubilin ay lilitaw. Ang mga ito ay tinatawag na mga tagubilin ng trade. Sa ilang kaso, kailangang magkaroon ang mga buyer ng isa-isang patnubay na dapat mong sundin.

    Paglikha ng alok

    Para magbenta ng bitcoin gamit ang mga gift card, maaari ka rin na gumawa ng sarili mong alok. Narito ang ilan sa mga bagay na isasaalang-alang:

    • Magtakda ng margin na sa tingin mo ay kikita dahil walang mga negosasyon sa oras ng trade ang pinapayagan.
    • Sumulat ng malinaw na mga termino ng alok at tagubilin.

    Pagkatapos lumikha at maglathala ng personalidong alok, hintayin ang buyer na simulan ang trade sa iyo. Kapag nasimulan na ang trade, makakatanggap ka ng notipikasyon. Huwag mag-atubiling talakayin ang kinakailangang mga detalye sa iyong kasosyo sa trade.

    Pagkumpleto sa trade

    Sa oras na mabayaran ka ng buyer, markahan ang trade bilang Bayad na doblehin nang dalawang beses kapag naging matagumpay ang pagbabayad sa iyo.

    Ang huling hakbang ay ilabas mo ang mga bitcoin mula sa trade escrow. Pindutin ang button na Ilabas ang bitcoin kung sigurado ka sa pagtanggap ng bayad.

    Pagkatapos ng trade

    Sa oras na makumpleto na ang trade, maaari kang mag-iwan ng angkop na feedback sa iyong kasosyo sa trade. Gayundin kung gusto mong makipagtrade sa user, maaari mong idagdag sila sa iyong listahan ng mapagkakatiwalaan

    Narito ang ilan sa karagdagang impormasyon kung paano magbenta ng mga bitcoin sa Paxful.

     

  • Tips sa pag-iingat

    Ang Paxful ay nag-aalok ng mahigit 300 na paraan ng pagbabayad para bumili at magbenta ng bitcoin. Ang ilan sa mga paraan ng pagbabayad na ito ay nangangailangan ng karagdagang pag-iingat. Bilang seller, dapat mong malaman na ang mga espesipikong ito para dagdagan ang kaligtasan ng iyong bitcoin at magkaroon ng pangkalahatang kanais-nais na karanasan sa Paxful.

    Mga Cash na Pagbabayad

    • Tiyakin na nagdeposito ng cash ang buyer sa pangalan mo, at humingi ng resibo. 
    • Tiyakin na nakikipagtrade ka sa aktuwal na tao na gumagawa ng deposito. Iwasan ang pakikipagdeal sa mga ikatlong partido sa ganitong mga sitwasyon.

    Mga Online Wallet

    • Tiyakin na ang account ng buyer ay beripikado sa wallet service provider (lalo na ang beripikadong PayPal account).
    • Humingi ng ID ng bumibili. Tiyakin na ang buong pangalan ng user ay tugma sa parehong ID nila gayundin sa kanilang online wallet account.
    • Tiyakin na nakikipagtrade ka sa may-ari ng account at walang mga third party ang sangkot.
    • Para sa karagdagang pag-iingat, maaari kang humingi sa buyer na isulat sa isang piraso ng papel ang kumpirmasyon ng pagbili ng mga bitcoin kasama ang trade ID kabilang ang halaga ng trade at kunan ito ng litrato. Sa kaso ng chargeback, maaari mong ipakita ang litratong ito bilang ebidensya.
    • Mga epesipikong tips ng Paypal:
      • Humingi ng Selfie kasama ang ID at note na nagsasabing “Gumagawa ako ng pagbabayad ng x.xx sa email address + tunay na pangalan.
      • Tiyakin na ang tao ay may sapat na balanse sa kanilang account at nagbabayad sila nang direkta mula sa kanilang account. Kapag nagbayad sila sa pamamagitan ng card, ang chargeback ay mas hindi mangyayari. Manatili sa mas mababang halaga at limitahan ang mga bagong buyer sa isang trade kada araw/linggo para limitahan ang mga panganib ng chargeback.
      • Tumanggap lang ng mga bayad mula sa beripikadong mga PayPal account para tiyakin na mayroon silang bank account na nakalink dito. Makatutulong ito sakaling may mga chargeback dahil ang PayPal ay magkakaroon ng impormasyon tungkol sa mga user na iyon.
      • Tiyakin na ang bayad ay mula sa isahang transaksyon mula sa may-ari ng Paypal account.
      • Piliin ang mga pagbabayad bilang “Mga Kaibigan at Pamilya”.

    Mga Debit/Credit Card

    • Ang pamamaraan na ito ay kasing peligro ng mga online wallet dahil madali mo itong mababawi. Gamitin ang parehong mga pag-iingat para sa mga online wallet.

    Mga Gift Card

    • Para maiwasan ang pag-deactivate ng gift card, humingi ng resibo at tiyakin na ang gift card ay binili nang cash.
    • Mag-ingat sa mga reseller ng card. Kapag ang card ay nakuha mula sa mga third party may panganib na maging imbalido ang card sa oras o pagkatapos ng trade. Hilingin sa lahat na magbigay ng litrato kasama ang iyong username at trade ID.
    • Mag-ingat kapag tumanggap ng mga e-code o gift card na binili gamit ang mga debit/credit card dahil anumang debit/credit card na pamimili ay maaaring bawiin.

    Narito ang ilan sa karagdagang impormasyon tungkol sa aming mga tuntunin ng pagbebenta ng bitcoin. Gayundin, tingnan ang aming mga patnubay sa pagbebenta ng bitcoin at na lumilikha ng alok sa pagbebenta ng bitcoin.