• Pagbili ng mga bitcoin

    Ang Bitcoin ay lubhang nakakatuwa at masayang-masaya kami na ginagawa mo itong paglalakbay na ito kasama kami.

    Bago ka bumili, dapat ka munang gumawa ng account sa Paxful. Ang Paxful ay nagbibigay ng laht ng libreng Bitcoin wallet sa aming mga user sa oras ng pag-sign up. Kapag nakapag-sign up ka na, awtomatiko kang bibigyan ng wallet.

    Ang gabay na ito ay makatutulong para makita ang umiiral na mga alok para bumili ng bitcoin. Kung gusto mong gumawa ng sarili mong alok, mangyaring tingnan ang aming artikulo sa paggawa ng mga alok

    Video

    Narito ang maikling video kung paano bumili ng mga bitcoin nang madali:

    Hakbang 1 Pagtatakda ng mga kahilingan sa paghahanap

    1. Mag-login sa Paxful account mo at pindutin ang Bumili ng Bitcoin.

    Buying1.png

    Lilitaw ang page na Bumili ng bitcoin .

    2. Pindutin ang Ipakita Lahat o Anumang paraan ng pagbabayad na field at piliin ang nagustuhan mong paraan ng pagbabayad para bumili ng bitcoin sa dialog box na lumitaw.
    Bilang kahalili, pindutin ang IPAKITA ANG MGA ALOK PARA SA LAHAT NG MGA OPSYON NG PAGBABAYAD para makita ang listahan ng lahat ng paraan ng pagbabayad na available.

    3. Pindutin ang Anumang currency at pumili ng currency mo mula sa listahan. Ilagay ang halagang gusto mo para makipagtrade sa field na Halaga .
    Maaari mong iwan ang field na Halaga na bakante kung wala kang anumang naisip na espesipikong halaga.

    4. Piliin ang iyong bansa mula sa listahan ng Lokasyon .

    5. Pindutin ang MAGHANAP NG MGA ALOK. Ang listahan ng alok ay ina-update alinsunod sa iyong mga kahilingan sa paghahanap.

    Buying2.png

    Hakbang 2 Humanap ng alok

    1. Magbrowse sa listahan ng mga alok.
    Ang listahan ay nagsisimula sa mga alok na mayroong:

    • Mga nagbebenta na may pinakamagagandang marka at reputasyon.
    • Mga nagbebenta na pinaka-aktibo sa platform at handa para sa agarang trade.
    • Pinaka-kumikitang mga diskuwento o margin.

    Tingnan ang mga tag at label para sa karagdagang impormasyon tungkol sa alok. Kapag nakahanap ka ng alok na gusto mo, pindutin ang Bumili.

    Buying3.png

    Tandaan: Hindi pa nakakapagsimula ang trade mo, sa puntong ito.

    Lilitaw ang page ng Alok .

    Pag-aralan ang lahat ng mga detalye ng alok tulad ng:

    • Mga limitasyon sa pagbili — ay halagang inalok nang hindi napakababa o hindi napakataas?
    • Rate ng nagbebenta — mukha ba itong kapaki-pakinabang sa iyo?
    • Limitasyon ng oras — magagawa mo bang magbayad sa loob ng timeframe na ito?
    • Mga termino ng alok — humihingi ba ang seller ng karagdagang mga dokumento o humihingi ng espesipikong mga kahilingan bilang bahagi ng pamamaraan ng trade?

    Offer_temrsNew2.0.png

    2. Ilagay ang halaga na handa mong i-trade sa Fiat currency field o BTC field. Pindutin ang BUMILI NGAYON.
    Maaari mong pindutin ang Magtour para tumanggap ng tuloy-tuloy na proseso sakaling may mga katanungan ka o pagdududa.

    Buying5.png

    Lilitaw ang page ng Trade chat .

    Tandaan: Sa sandaling magsimula ang trade, ang antas ng bitcoin ay nakapirmi at hindi magbabago.

    Hakbang 3 Pakikipagtrade

    1. Talakayin ang kinakailangang mga detalye kasama ang kapareha mo gamit ang aming trade chat at maingat na sundin ang kanilang mga tagubilin.

    follow_instr.png

    2. Magbayad.
    Pagkatapos magbayad, pindutin ang Paid.

    Buying7.png

    Ang dialog box na Kumpirmasyon ay lilitaw.
    3. Pindutin ang Oo, sinunod ko na ang lahat ng mga tagubilin sa itaas.

    Tandaan:

    Ang seller ay naglabas ng BTC mula sa trade escrow patungo sa Paxful wallet mo. Matagumpay na nakumpleto ang trade. 

    Tip:

    • Pagkatapos ilabas ng seller ng bitcoin ang mga pondo mula sa trade escrow patungo sa Paxful wallet mo, magbigay ng feedback. Nakatutulong ito sa ibang mga trader na maunawaan kung sino ang ka-deal nila.
    • Maaari mong pindutin ang Pindutin para idagdag ang Username sa mga contact mo at hanapin sila agad para bumiling muli ng mga bitcoin para madaling mahanap ang user sa susunod. Makatutulong ito sa paggawa ng sarili mong komunidad ng trading kasama ang mga user na pinagkakatiwalaan mo.
    • Kung kailangan mo ng pampublikong resibo ng transaksyon sa BTC, pindutin ang Pampublikong resibo sa ibaba ng pahina.

    Tingnan ang aming tips para bumili ng bitcoin para sa higit pang impormasyon. Sakaling gusto mong magbenta ng mga bitcoin, siyasatin ang sumusunod na patnubay.


  • Tips para sa pagbili ng mga bitcoin

    Ang pagbili ng bitcoin ay magiging mahirap sa una pero may ilang tips na tutulong sai yo sa ligtas at madaling pagbili ng bitcoin.

    Para magsimula, narito ang dalawang tips na dapat isaalang-alang:

    1. Ang minimum na halaga ng trade sa Paxful.

    Kung bumibili ka ng bitcoin, ang kasalukuyang minimum ay 10 USD o ang katumbas nito sa ibang mga currency. If nagbebenta ka, ang pinakamababa ay 0.001 BTC.

    2. Ang reputasyon at aktibidad ng seller.

    Ipinapakita ang reputasyon ng seller sa berde na may + sa unahan nito. Halimbawa, ang +1305/ -1 ay nangangahulugan na ang user ay may 1305 na magagandang feedback score mula sa mga buyer at 1 lang na negatibong feedback.
    Bigyang-pansin ang bawat uri ng feedback: positibo, neutral at negatibo.
    Halimbawa, sa kabila ng pagkakaroon ng higit sa 10,000 positibong feedback score at 1000 negatibong feedback, dapat ka pa ring mag-ingat sa gayong user. Bigyang-pansin ang porsiyento ng negatibong feedback kaugnay ng mga negatibo at positibo. Gayundin, huwag kalimutang tingnan kung gaano na katagal ang user sa aming platform.
    Mas mainam din kung is beripikado ang ID ng seller. Nangangahulugan iyon na nasuri namin ang kanyang dokumento at background.
    Bilang karagdagan, tingnan kung kailan huling nakitang online ang seller sa Paxful. Makakatulong ito upang masiguro na magkakaroon ka ng mabilis na trade nang walang anumang pagkaantala mula sa panig ng seller.
    Pindutin ang username ng seller para buksan ang kanilang profile para sa higit na impormasyon sa kanilang background.
    reputation.png
    verified.png

    3. Laging basahin ang mga termino ng alok bago ka magsimula sa trade.

    Dapat banggitin ng mga nagbebenta kung ano ang kanilang inaasahan at ano ang kailangan mong ibigay. Halimbawa, para sa mga gift card, maraming seller ang nangangailangan ng resibo na nagpapakitang ang gift card na iyon ay ligal na binili at para patunayan na talagang may-ari ka ng mga gift card. Kapag hiningi ang impormasyong ito at hindi mo naibigay, kung gayon ay mas makabubuting hindi magpatuloy sa trade. Kung kaya mong ibigay ang lahat ng kinakailangan, kung gayon ay tiyakin na lahat ay handa para makapagsimula ka na sa trade.

    4. Alamin ang presyo.

    Ang presyo ng bitcoin Paxful ay hindi kailanman katumbas sa opisyal na presyo sa merkado dahil ang mga nagbebenta ay sumisingil ng bayad para ikumberto ang fiat currency sa bitcoin. Ang presyo ng bayad ay iba't iba sa mga nagbebenta at depende kung kanino ka bibili. Kaya humanap ng mga magagandang alok. Ang page ng alok ay laging isinasama ang rate ng bawat nagbebenta. Pinaka magiging interesado ka kung magkano ang makukuha mo sa dolyar. Mas mataas ang numero, mas kikita ang trade para sa iyo.
    price.png
    Screenshot_2020-02-14_at_13.51.56.png

    5. Basahin ang mga tagubilin ng seller.

    Narito ang mas espesipikong mga tagubilin na ipinakikita sa iyo pagkatapos mong makapagsimula sa trade. Karaniwan silang ipinakikita sa umpisa ng trade chat. Kung sa anumang kalagayan na kailangan mo ng tulong para linawin o sundin ang tagubilin, huwag mag-atubiling magtanong sa nagbebenta sa trade chat.

    6. Pindutin ang button na Bayad na kapag talagang bayad ka na.

    Sa oras na mapindot mo na ang button na Bayad na, hihinto ang countdown timer at ang order ay hindi na mapapaso. Mahalaga ito dahil kung nakapagpadala ka na sa nagbebenta ng impormasyon ng bayad tulad ng code ng gift card code at ang alok ay napaso, kung gayon, ang escrow ay ilalabas at hindi ka na makakakuha ng mga bitcoin mo. Ang button na Bayad na ay nagbibigay din ng seguridad mula sa hindi tapat o malilimuting mga nagbebenta. Kapag pinindot mo ang button na Bayad naat hindi ka pa nakakapagbayad, baka isipin ng nagbebenta na isa kang coin-locker o isang tao na sinusubukang mang-scam sa kanila. Siguruhing pindutin lang ang button sa oras na bayad ka na para maiwasan ang mga kaguluhan.

    7. Ang pag-broker ng mga code ng gift card ay mahigpit na ipinagbabawal sa Paxful.

    Ang pag-broker ay kapag bumibili ka ng code ng gift card mula sa isang tao, na iniisip na maibebenta mo ito sa susunod sa iba. Kahit na tiningnan mo ang code nang bilhin mo ito, maaaring gamitin ng tanong nagbenta ng code sa iyo anumang oras nang hindi mo nalalaman, at ito ang dahilan kung bakit labag ito sa TMga Termino ng Serbisyo ng Paxful. Kung sinusubukan mong magbigay sa mga nagbebenta ng mga nagamit nang code, magrereport at maba-ban ka sa pakikipagtrade sa Paxful dahil hindi lang nito sinasayang ang sarili mong oras kundi gayundin sa iba. Tandaan na gamitin lang ang mga gift card na ikaw mismo ang bumili.

    8. Ang aggamit ng mga third party para sa pagsasagawa ng mga pagbabayad ay hindi pinapayagan.

    Kailangan mong maging aktuwal na nagbabayad at maging orihinal na may-ari ng isinumiteng bayad (May-ari ng gift card, credit card, bank account, ang account sa platform ng online payment). Ang pagiging middleman sa pagbabayad ng mga bitcoin ay hindi pinapayagan at maaaring ituring bilang scam.

    9. Laging i-trade ang buong halaga ng gift card.

    Kung mayroon kang $50 gift card, kung gayon hindi ka maaaring makipagtrade gamit ang bahagi nito (hal. Paghiling sa isang tao na kunin lang ang $33 mula sa iyong $50).Tandaan na makukuha lang ng nagbebenta ang buong halaga kaya kapag nagsimula kang mag-order ng $33 at $50 ang kinuha nya, ang tanging paraan para mabawi ang bitcoin mo ay magsimula ng bagong trade para sa sukli. Maaaring hindi matugunan ng seller ang sakop na halaga o tanggalin ng seller ang kanilang mga alok o mag-offline.

     10. Huwag hilingin sa seller na maglabas muna ng mga bitcoin.

    Batayan ito ng agarang pag-ban dahil nagpapakita ito ng isang scam. Mayroon kaming serbisyo ng trade escrow kaya alam mo na ang mga bitcoin ay naroon at naghihintay sa iyo sa oras na makumpleto mo na ang bayad.

     11. Maging magalang sa mga nagbebenta.

    Dumaraan sila sa maraming mahirap kausap na mga customer at ang pagiging magalang ay makatitipid ng oras. Ang pagiging magalang ay higit sa iyong lengguwahe, tungkol din sa pagsunod sa kanilang mga tagubilin. Tandaan na kung may dispute, isasaalang-alang ng tagapamagitan ang lengguwahe.

     12. Hindi Interesado? Kanselahin!

    Kung hindi ka na interesado sa trade at hindi pa nababayaran ang seller, huwag mag-atubiling kanselahin ang trade. Bibitawan nito ang kanilang escrow at hahayaan silang ipagpatuloy ang pakikipagtrade sa iba na interesado. Kapag hindi mo kinansela ang trade at iniwan itong nakabinbin, kakailanganin ng seller na maghain ng dispute o iulat ka, na malamang na magresulta sa pagkakaroon mo ng negatibong feedback. Makikita mo ang lahat ng aktibo mong trade sa iyong dashboard. Pindutin ang Chat upang buksan ang trade, at pindutin ang Kanselahinupang kanselahin ang mga iyon.
    Gayundin, tandaan na ang anumang negosasyon sa presyo ay mahigpit na ipinagbabawal. Kung hindi mo gusto ang alok, huwag piliting baguhin ang presyo sa kaparehong trade. Magsimula nalang ng bagong trade na may mga bagong halaga upang maiwasan ang mga kaguluhan o hindi pagkakaunawaan sa seller

  • Pagbili ng mga bitcoin gamit ang ginto

    Ang ginto ay isa sa pinakalumang kilalang paraan ng pagbabayad sa mundo, at masaya kaming iniaalok sa iyo ang oportunidad na gamitin ang ginto para bumili ng bitcoin. Narito ang lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa pakikipagtrade gamit ang ginto. 

    Bago ang pakikipagtrade

    Bago simulan ang pagbili ng bitcoin gamit ang ginto, tiyakin na mayroon kang mapagkakatiwalaang source para sa ginto. Isa sa mga paraan para makuha ang ginto ay orderin ito sa website at ipadala ito sa espesipikong adres. Kung nagpasya kang gamitin ang sarili mong pribadong source o ikaw mismo ang maghatid ng ginto, dapat mo ring tiyakin ang kakaunting panganib.

    Kapag sinubukan mong magbayad gamit ang ginto para bumili ng bitcoin, maaaring hilingin ng mga potensiyal mong kasosyo sa trade ang sumusunod bilang patunay upang patutuhanan ang transaksyon:

    • Patunay ng pamimili (ang resibo).
    • Sertipiko ng pagiging totoo para sa mga item na ginto.
    • Litrato ng ID mo.
    • Litrato ng aktuwal na item na ginto na iyong inaalok.
    • Ang tracking number na ibinigay sa pamamagitan ng parselang serbisyo (sakaling ang ginto ay ipinadala sa kanila nang direkta).

    Pakikipagtrade

    Paghahanap ng alok

    Ang unang hakbang para bumili ng mga bitcoin gamit ang ginto ay maghanap ng alok na tumatanggap nitong uri ng pagbabayad. Kailangan mo ring ilagay ang halaga na gusto mong bilhin at ang currency na napili mo.

    Pumili ng pinakamagandang rate ng bitcoin para magkaroon ng pinakamataas na kita hangga't maaari. Pagtuunan din ng pansin ang reputasyon ng iyong potensiyal na kasosyo sa trade at maingat na pumili ng lokasyon, para tiyakin na naghahatid ka ng ginto sa iyong kasosyo sa trade. At sa wakas, basahin ang mga termino ng alok at mga tagubilin ng tagumpay na pakikipagtrade. Tandaan na ang mga nagbebenta ng bitcoin ay maaaring humiling ng karagdagang beripikasyon at magkaroon ng ibang espesipikong kahilingan para beripikahin ang patunay sa pagbabayad.

    Kausapin ang kasosyo mo sa trade sa trade chat. Linawin kung paano mo ihahatid ang ginto at kung ayos lang sa kasosyo mo sa trade ang iyong alok. 

    Tip:

    • Napiling mga pampublikong lugar para sa personal na pakikipagtrade.
    • Gumamit ng nasusubaybayang paraan ng pagpapadala para sa paghahatid gamit ang liham.

    Paglikha ng alok

    Para bumili gamit ang ginto, maaari ka rin na gumawa ng sarili mong alok.
    Narito ang ilang bagay na dapat tandaan:

    • Itakda ang margin na sa tingin mo ay kikita ka at mapapagkasunduan dahil hindi pinahihintulutan ang mga negosasyon sa oras ng trade.
    • Sumulat ng malinaw na mga termino ng alok at tagubilin.
    • Maging malinaw tungkol sa mga patunay ng pagbabayad na handa kang ipakita para sa ginto na pag-aari mo.
    • Para sa personal na mga trade, maging napakalinaw tungkol sa pakikipagkita sa lugar at paraan ng pagpapalitan.

    Sa oras makagawa at mailathala mo na ang personalisado mong alok,hintayin ang seller na simulan ang trade sa iyo. Kapag nasimulan na ang trade, makakatanggap ka ng notipikasyon. Huwag mag-atubiling talakayin ang kinakailangang mga detalye sa iyong kasosyo sa trade sa trade chat at magpatuloy sa pakikipagtrade nang alinsunod.

    Pagkumpleto sa trade

    Sa oras na maibigay mo na ang lahat ng dokumentong hiniling ng seller ng bitcoin, pindutin ang Bayad na. Mula sa puntong ito, magkakaroon ka ng 21 araw para ihatid ang ginto sa kasosyo sa trade sa pamamagitan man ng koreo o sa personal. Kung hindi kinukumpirma ng seller na natanggap ang ginto sa loob ng timeframe na ito ang dispute ay awtomatikong magsisimula at ang aming mga tagapamagitan ay makikialam para magbigay ng tulong.

    Tandaan: Ang kalkulasyon na 21 araw simula sa pakikipagtrade ay markado bilang Bayad na.

    Ang huling hakbang ay magiging para sa bitcoin seller upang kumpirmahin na natanggap ang bayad. Maging mapaghintay dahil maaaring matagalan ito. Sa oras na makumpirma na ng seller ang bayad, dapat nilang ilabas ang mga bitcoin sa iyo at ang trade ay makukumpleto.

    Pagkatapos ng trade

    Sa oras na makumpleto na ang trade, maaari kang mag-iwan ng angkop na feedback sa iyong kasosyo sa trade. Gayundin kung gusto mong makipagtrade sa user, maaari mong idagdag sila sa iyong listahan ng mapagkakatiwalaan.

    Simulan ang beripikasyon ng adres at ID

    Isa pa sa mahalagang aspekto para isaalang-alang ay ang iyong beripikasyon ng ID at address. Dapat mong kumpletuhin ang iyong beripikasyon ng ID at beripikasyon ng adres para makipagtrade gamit ang ginto. Ang beripikasyong ito ay mahalaga para protektahan ang mga seller namin ng bitcoin sa anumang gawaing panlilinlang. Kaya hindi posibleng makipagtrade ng ginto o sa katulad na paraan nang hindi ganap na nabeberipika sa Paxful.

    Tandaan: Ang ganap na beripikasyon ay ipinatutupad para sa mga alok at trade na magsisimula sa 50 USD.

    Tingnan ang aming sunod-sunod na gabay kung paano bumili ng bitcoin at tips kung paano bumili ng mga bitcoin.

  • Pagbili ng mga bitcoin gamit ang bank transfer

    Ang mga bank transfer ay popular na paraan ng pagbabayad ng Paxful. Ipapakita ng artikulong ito kung gaano kadaling bumili ng mga bitcoin gamit ang mga bank transfer.

    Bago ang pakikipagtrade

    Bago ka magsimulang bumili ng bitcoin gamit ang mga bank transfer, tiyakin na may bank account kang nakatakda at handang gumawa ng mga transaksyon. Alamin kung mayroon kang limitasyon sa transaksyon o mga pagbabawal sa heograpikal na itinakda sa bank account mo. Gayundin, isaalang-alang ang paggamit ng bangko na madaling magbigay ng patunay ng mga transaksyon gamit ang laaht ng mga detalyeng makikita sa isang pahina o pdf file.

    Ang mga kinakailangang detalye ay:

    • Pangalan at apelyido ng may-ari ng account:
    • Pangalan at logo ang bangko:
    • Petsa ng transaksyon, oras at status.
    • Numero ng account at buong pangalan ng tumatanggap.

    Pakikipagtrade

    Naghahanap ng alok

    Ang unang hakbang para bumili ng mga bitcoin gamit ang mga bank transfer ay maghanap ng alok na tumatanggap ng mga bank transfer bilang pagbabayad. Kailangan mo ring ilagay ang halaga na gusto mong bilhin at ang currency na napili mo.

    Pagkatapos mong makahanap ng angkop na alok, tiyaking nabasa mo ang mga termino ng alok bago buksan ang trade. Ipapakita nito ang maikling buod kung ano ang hinihingi ng seller mula sa iyo may kinalaman sa pagbabayad.

    Sa oras na makapagsimula ka na sa trade, lilitaw ang mas detalyadong pangkat ng mga tagubilin sa trade chat. Ang mga ito ay tinatawag na mga tagubilin ng trade. Sa ilang kaso, may mga impormasyon na ng bangko ang mga seller sa mga tagubilin ng alok pero kung wala, huwag mag-atubiling humingi sa kanila ng kanilang impormasyon ng bangko.

    Gumagawa ng alok

    Para bumili ng bitcoin gamit ang mga bank transfer, maaari ka rin na lumikha ng sarili mong alok.
    Narito ang dalawang tips para sa alok mo sa bank transfer:

    • Magtakda ng margin na sa tingin mo ay kikita dahil walang pinapayagang mga negosyasyon sa oras ng trade.
    • Sumulat ng malinaw na alok ng mga termino at mga tagubilin.
    • Linawin kung sino ang magbabayad sa padala kung mayroon man.

    Pagkatapos lumikha at maglathala ng personalisado mong alok, hintayin ang seller na simulan ang trade sa iyo. Sa oras na masimulan na ang trade, makakatanggap ka ng notipikasyon. Huwag mag-atubiling talayakin ang lahat ng kinakailangang mga detalye sa kasosyo mo sa trade at ilipat ang mga pondo sa account na ibinigay.

    Pagkumpleto ng trade

    Sa oras na mabayaran mo na ang seller at ma-upload ang patunay ng iyong pagbabayad, pindutin ang Bayad na. Ang bayad mo ay hindi makukumpirma maliban kung pindutin mo ang Bayad na at kapag nakalimutan mong gawin iyon, ang trade ay mawawalan ng bisa sa susunod at ang mga bitcoin ay babalik mula sa trade escrow sa seller.

    Ang huling hakbang ay kumpirmahin ang pagbabayad ng seller. Maging mapaghintay dahil tatagal ito ng ilang sandali. Sa oras na makumpirma na ng seller ang bayad, ilalabas nila ang bitcoin sa iyo at makukumpleto ang trade.

    Pagkatapos ng trade

    Kapag nakumpleto na ang trade, maaari kang mag-iwan ng angkop na feedback sa kasosyo mo sa trade. Gayundin, kung gusto mong makipagtrade sa user, maaari mong idagdag sila sa listahan ng iyong mapagkakatiwalaan

    Narito ang higit pa tips kung paano bumili ng mga bitcoin on Paxful.

     

  • Pagbili ng mga bitcoin gamit ang mga debit/credit card

    Sa Paxful nagbibigay kami ng opsyon para bumili ng mga bitcoin gamit ang mga debit o credit card, kabilang ang mga prepaid card. Ang artikulong ito ay nagbibigay sa iyo ng buod sa pagbili ng mga bitcoin gamit ang anumang magagamit na card. 

     

    Bago ang pakikipagtrade

    Pakikipagtrade

    Paghahanap ng alok

    Ang unang hakbang para bumili ng mga bitcoin gamit ang mga debit/credit card ay maghanap ng alok na tumatanggap ng espesipikong uri ng card na mayroon ka. Kailangan mo ring ilagay ang halaga na gusto mong bilhin at ang currency na napili mo.

    Pagkatapos mong matagpuan ang angkop na alok, tiyakin na nabasa mo ang mga termino ng alok bago magbukas ng trade. Ipapakita nito sa iyo ang maikling buod ng hinihingi ng seller mula sa iyo may kinalaman sa pagbabayad.

    Sa oras na masimulan mo na ang trade, lilitaw ang mas detalyadong pangkat ng mga tagubilin. Ang mga ito ay tinatawag na mga tagubilin ng trade. Ang kailangan ng seller mula sa iyo ay iba't iba depende sa espesipikong pagbabayad na gagamitin mo.

    Paglikha ng alok

    Para bumili ng bitcoin, maaari ka rin na lumikha ng sarili mong alok.
    Narito ang dalawang tips:

    Pagkatapos lumikha at maglathala ng personalidong alok, hintayin ang seller na simulan ang trade sa iyo. Kapag nasimulan na ang trade, makakatanggap ka ng notipikasyon. Huwag mag-atubiling talakayin ang kinakailangang mga detalye sa iyong kasosyo sa trade at tapusin ang pagbabayad.

    Pagkumpleto sa trade

    Sa oras na mabayaran mo na ang seller at ma-upload ang patunay ng iyong pagbabayad, pindutin ang Bayad na. Ang pagbabayad mo ay hindi kumpirmado maliban kung pindutin mo ang Bayad na at kapag nalimutan mong gawin iyon, ang trade ay matatapos at ang bitcoin ay babalik mula sa trade escrow patungo sa seller.

    Ang huling hakbang ay kumpirmahin ng seller ang bayad. Maging mapaghintay dahil maaari itong magtagal. Sa oras na makumpirma na ng seller ang bayad, dapat nilang ilabas ang mga bitcoin patungo sa iyo at ang trade ay makukumpleto.

    Pagkatapos ng trade

    Sa oras na makumpleto na ang trade, maaari kang mag-iwan ng angkop na feedback sa iyong kasosyo sa trade. Gayundin kung gusto mong makipagtrade sa user, maaari mong idagdag sila sa iyong listahan ng mapagkakatiwalaan

    Narito ang karagdagan pang tips kung paano bumili ng mga bitcoin sa Paxful.





  • Pagbili ng mga bitcoin gamit ang mga online wallet

    May iba't ibang uri ng mga online wallet tulad ng Paypal at Skrill na magagamit mo para bumili ng mga bitcoin sa Paxful. Ang artikulong ito ay nagbibigay sa iyo ng buod sa pagbili ng mga bitcoin gamit ang anumang magagamit na mga online wallet.

    Bago ang pakikipagtrade

    Bago ka bumili ng bitcoin gamit ang online wallet mo, tiyaking may sapat kang pondo dito at hindi mahaharangan ang transaksyon mo dahil sa iyong pang-araw-araw na limit o iba pang mga pagbabawal sa lugar.

    Trading

    Naghahanap ng alok

    Ang unang hakbang para bumili ng mga bitcoin gamit ang mga online wallet ay tingnan ang alok para sa alok para sa online wallet na napili mo. Kailangan mo ring ilagay ang halaga na gusto mong bilhin at ang napili mong currency.

    Pagkatapos mong humanap ng angkop na alok, basahin ang mga termino ng alok bago ang pagbubukas ng trade. Ipapakita nito sa iyo ang maikling buod kung ano ang hinihingi ng seller mula sa iyo may kinalaman sa pagbabayad.

    Sa oras na makapagsimula ka na sa trade, lilitaw ang mas detalyadong mga tagubilin. Ang mga ito ay tinatawag na mga tagubilin sa trade. Ang mga hinihingi ng seller ay iba't iba depende sa online na pagbabayad na ginagamit mo. Halimbawa, ang mga online wallet tulad ng Paypal, Skrill, at Neteller ay nangangailangan ng litrato ng ID mo.

    Paggawa ng alok

    Para bumili ng mga bitcoin gamit ang mga online wallet, maaari ka ring gumawa ng sarili mong alok.
    Narito ang dalawang tips para sa alok mo:

    • Magtakda ng margin na sa tingin mo ay kikita dahil walang pinapayagang mga negosyasyon sa oras ng trade.
    • Sumulat ng malinaw na mga tuntunin at tagubilin ng alok.
    • Linawin kung sino ang magbabayad sa transaksyon kung mayroon.

    Pagkatapos gumawa at maglathala ng naka-personalize mong alok, antayin ang seller na simulan ang pakikipagtrade sa iyo. Sa oras na makapagsimula ka na sa trade, makakatanggap ka ng notipikasyon. Huwag mag-atubiling talakayin ang lahat ng kinakailangang mga detalye sa kasosyo mo sa trade at ipadala ang pondo sa account na ibinigay.

    Kinukumpleto ang trade

    Sa oras na mabayaran mo na ang seller at ma-upload ang patunay ng bayad mo, pindutin ang Bayad na. Ang bayad mo ay hindi kumpirmado maliban kung pinindot mo ang Bayad na at kapag nalimutan mong gawin iyon, ang trade sa kalaunan ay matatapos at ang mga bitcoin ay babalik sa trade escrow patungo sa seller.

    Ang huling hakbang ay kumpirmahin ng seller ang bayad. Maging mapagpasensya dahil maaari itong tumagal. Sa oras na makumpirma na ng seller ang bayad, dapat silang maglabas ng mga bitcoin sa iyo at kumpletuhin ang trade.

    Pagkatapos ng trade

    Sa oras na makumpleto na ang trade, maaari kang mag-iwan ng angkop na tugon para sa kasosyo mo sa trade. Gayundin, kung gusto mong makipagtrade sa user, maaari mo silang idagdag sa listahan ng mapagkakatiwalaan

    Narito ang ilan sa mga tips kung paano bumili ng mga bitcoin sa Paxful.

  • Pagbili ng mga bitcoin gamit ang cash na pagbabayad

    May iba't ibang uri ng mga pagbabayad ng cash na magagamit mo para bumili ng mga bitcoin sa Paxful. Ang artikulong ito ay nagbibigay sa iyo ng buod sa pagbili ng mga bitcoin gamit ang anumang suportadong pagbabayad ng cash.

    Bago ang pakikipagtrade

    Bago bumili ng bitcoin gamit ang pagbabayad ng cash, narito ang ilang mga bagay na dapat isaalang-alang:

    • Ilang paraan ng pagbabayad gaya ng Cash By Mail o Cash In Person, kinakailangan ang buong ID at beripikasyon ng address (para sa halagang mas malaki sa 50 USD kada trade).
    • Sa ilang mga dispute, napakahirap sa Paxful na maglaan ng tulong maging handa na maghain ng ulat ng Pulisya sa gayong mga kaso.

    Trading

    Naghahanap ng alok

    Ang unang hakbang para bumili ng mga bitcoin gamit ang cash ay tingnan ang alok na tumatanggap ng cash bilang bayad. Kailangan mo ring ilagay ang halaga na gusto mong bilhin at ang mas gusto mong currency

    Kapag nahanap mo ang alok na bagay sa iyo, siguraduhing basahin ang mga termino ng alok bago simulan ang trade. Ipapakita nito sa iyo ang maikling buod kung ano ang hinihingi ng seller sa iyo tungkol sa pagbabayad. Sa kaso ng Cash In Person, dapat magbigay ng maikling listahan ang mga termino ng alok upang matugunan ang mga kagustuhan.

    Pagkatapos basahing mabuti ang mga termino ng alok at kumpirmahin na susunod ka sa lahat ng mga kahilingan, oras na para simulan ang trade. Sa oras na makapagsimula na ang trade, ang mas espesipikong pangkat ng mga tagubilin ay dapat lumitaw para sa pagkikita. Kadalasan, para sa mga cash trade, hihingin ng mga seller sa iyo ang resibo ng teller. Kung sa anumang oras na makadama ka ng kalituhan tungkol sa mga tagubilin, huwag mag-atubiling magpadala ng mensahe sa seller sa pamamagitan ng trade chat. Tutulungan ka niya sa anumang kalituhan na mayroon ka.

    Gumagawa ng alok

    Para bumili ng bitcoin gamit ang pagbabayad ng cash, maaari ka ring gumawa ng sarili mong alok. Narito ang ilang mga bagay na dapat isaalang-alang:

    • Magtakda ng margin na sa tingin mo ay kikita dahil walang pinapayagang mga negosasyon sa oras ng trade.
    • Sumulat ng malinaw na mga termino at mga tagubilin ng alok.
    • Linawin kung paano ka magbibigay ng pruweba ng bayad at kung gaano katagal ang kailangan mo para makapagsagawa ng pagbabayad.
    • Sa kaso ng Cash In Person, ilagay nang malinaw, kung saan mo gustong magkita.

    Tip: Piliin ang mga pampublikong lugar para sa Cash In Person na mga trade.

    Pagkatapos gumawa at maglathala ng naka-personalize mong alok, antayin ang seller na simulan ang pakikipagtrade sa iyo. Sa oras na makapagsimula ka na sa trade, makakatanggap ka ng notipikasyon. Huwag mag-atubiling talakayin ang lahat ng kinakailangang mga detalye sa kasosyo mo sa trade at magsagawa ng pagbabayad.

    Kinukumpleto ang trade

    Para saCash In Person na trade, sa sandaling maayos ang lahat ng mga detalye, oras na para makipagkita sa seller mo. Pumunta sa espisipikong lugar at ibigay ang cash sa seller. Sa sandaling magawa ito, pindutin ang Bayad na at hintayin ang seller na ibigay ang bitcoin sa Paxful wallet mo.

    Tandaan na sa kaso ngCash By Mail, kailangan ng matinding pagtitiyaga sa parehong panig.

    Gamit ang ibang mga paraan ng pagbabayad ng cash, simpleang mismong proseso ay kadalasang napakasimple. Sa anumang kaso, laging siguraduhin na tama ang mga detalye mo ng natatanggap, ang lahat ng posibleng patunay ng pagbabayad at tandaang pindutin ang button na Bayad na sa trade chat.

    Sa sandaling ipalabas ng seller ang BTC sa wallet mo, kumpleto na ang trade.

    Pagkatapos ng trade

    Sa oras na makumpleto na ang trade, maaari kang mag-iwan ng angkop na tugon para sa kasosyo mo sa trade. Gayundin, kung gusto mong makipagtrade sa user, maaari mo silang idagdag sa listahan ng mapagkakatiwalaan

    Narito ang ilan sa mga tip kung paano bumili ng mga bitcoin sa Paxful.


  • Pagbili ng mga bitcoin gamit ang mga digital currency (mga altcoin)

    Posible bang bumili ng mga bitcoin gamit ang mga digital na currency (altcoins) sa Paxful. Bibigyan ka ng buod ng article na ito kung paano bumili ng mga bitcoin gamit ang alinman sa mga suportadong digital na currency.

    Bago makipagtrade

    Bago bumili ng bitcoin gamit ang mga digital na currency, siguraduhin na may sapat kang mga coin sa wallet mo. Gayundin, siguraduhing napag-aralan mo ang lahat ng mga detalye na may kaugnayan sa cryptocurrency na iyong pinili at alamin ang anumang posibleng mga limitasyon o katangian ng transaksyon.

    Trading

    Naghahanap ng alok

    Ang unang hakbang para bumili ng mga bitcoin gamit ang mga digital na currency ay tingnan ang alok na tumatanggap ng tiyak na cryptocurrency na hinahanap mo. Kailangan mo ring ilagay ang halaga na gusto mong bilhin at ang mas gusto mong currency.

    Tandaan: Kailangan mo paring piliin ang fiat currency dahil gagamitin ito bilang sanggunian sa presyo ng merkado ng bitcoin. Gayunpaman, ipinapayong piliin ang USD dahil ang pambuong mundong presyo ng bitcoin ay itinakda sa currency na ito.

    Pagkatapos mong mahanap ang alok na bagay sa iyo, siguraduhing basahin ang mga termino ng alok bago buksan ang trade. Ipapakita nito sa iyo ang maikling buod kung ano ang hihingin ng seller sa iyo na may kaugnayan sa pagbabayad. 

    Sa sandaling simulan mo ang trade, lilitaw ang mas detalyadong hanay ng mga tagubilin. Ang mga ito ay tinatawag na mga tagubilin sa trade. Mag-iiba ang hihingin ng seller sa iyo depende kung anong tiyak na pagbabayad ang gagamitin mo.

    Tandaan: May pananagutan ang seller na bigyan ka ng tamang address ng wallet. Huwag magmadali sa pakikipagtransaksyon sa halip tiyakin sa seller kung ang address ng wallet ay pinal at 100% na tama.

    Gumagawa ng alok

    Para bumili ng bitcoin gamit ang mga digital na currency, maaari ka ring gumawa ng sarili mong alok.
    Narito ang dalawang tips para sa alok mo:

    • Magtakda ng margin na sa tingin mo ay kikita dahil walang pinapayagang mga negosyasyon sa oras ng trade.
    • Sumulat ng malinaw na mga termino at mga tagubilin ng alok.
    • Linawin kung sino ang sasagot sa bayad sa transaksyon kung mayroon.

    Pagkatapos gumawa at maglathala ng naka-personalize mong alok, kailangan mong antayin ang seller na simulan ang pakikipagtrade sa iyo. Sa oras na makapagsimula ka na sa trade, makakatanggap ka ng notipikasyon. Huwag mag-atubiling talakayin ang lahat ng kinakailangang mga detalye sa kasosyo mo sa trade at ipadala ang pondo sa address ng wallet na ibinigay.

    Pagkumpleto ng trade

    Sa oras na mabayaran mo na ang seller at ma-upload ang patunay ng bayad mo, (numero ng transaksyon) pindutin ang Bayad na. Kung hindi mo ito pipindutin, ang trade sa kalaunan ay matatapos at ang mga bitcoin ay babalik sa trade escrow patungo sa seller.

    Ang huling hakbang ay kumpirmahin ng seller ang bayad. Maging mapagpasensya dahil maaari itong tumagal. Sa oras na makumpirma na ng seller ang bayad, dapat silang maglabas ng mga bitcoin sa iyo at kumpletuhin ang trade.

    Pagkatapos ng trade

    Sa oras na makumpleto na ang trade, maaari kang mag-iwan ng angkop na tugon para sa kasosyo mo sa trade. Gayundin, kung gusto mong makipagtrade sa user, maaari mo silang idagdag sa listahan ng mapagkakatiwalaan

    Narito ang ilan sa mga tip kung paano bumili ng mga bitcoin sa Paxful.

     

  • Pagbili ng mga bitcoin gamit ang mga gift card

    Ang mga gift card ay popular na paraan ng pagbabayad ng Paxful. Bibigyan ka ng buod ng artikulong ito sa pagbili ng mga bitcoin gamit ang mga suportadong bank transfer.

    Bago ang pakikipagtrade

    Bago bumili ng bitcoin gamit ang mga gift card, narito ang ilang mga bagay na dapat isaalang-alang:

    • Maaari mong ibenta ang mga card na personal mong pagmamay-ari.
    • Siguraduhing may balanse ang iyong card.
    • Para sa higit na impormasyon, tingnan ang aming malaking artikulo sa mga detalye ng gift card trade.

    Trading

    Naghahanap ng alok

    Ang unang hakbang para bumili ng mga bitcoin gamit ang mga gift card ay tingnan ang alok na tumatanggap ng uri ng iyong gift card. Kailangan mo ring ilagay ang halaga ng bitcoin na gusto mong bilhin at ang mas gusto mong currency.

    Kapag nahanap mo ang alok na angkop sa iyo (paghahanap kung magkano ang mga bitcoin na makikita mo sa dolyar at ang pananagutan ng seller), tiyakin na nabasa mo ang mga termino ng alok bago magsimula sa trade.

    Tip: Bigyang-pansin kung humihingi ang seller ng resibo o tumatanggap ng mga e-code o mga pisikalna card lamang

    Sa sandaling simulan mo ang trade, lilitaw ang mas detalyadong hanay ng mga tagubilin. Ang mga ito ay tinatawag na mga tagubilin sa trade. Sa ilang mga kaso, ang mga seller ay may detalyadong gabay para sundan mo.

    Gumagawa ng alok

    Para bumili ng bitcoin gamit ang mga gift card, maaari ka ring gumawa ng sarili mong alok. Naritoa ang ilang mga bagay na dapat isaalang-alang:

    Pagkatapos gumawa at maglathala ng naka-personalize mong alok, antayin ang seller na simulan ang pakikipagtrade sa iyo. Sa oras na makapagsimula ka na sa trade, makakatanggap ka ng notipikasyon. Huwag mag-atubiling talakayin ang lahat ng kinakailangang mga detalye sa kasosyo mo sa trade at tapusin ang pagbabayad.

    Pagkumpleto ng trade

    Sa oras na mabayaran mo na ang seller at ma-upload ang patunay ng bayad mo, pindutin ang Bayad na. Ang bayad mo ay hindi kumpirmado maliban kung pinindot mo ang Bayad na at kapag nalimutan mong gawin iyon, ang trade sa kalaunan ay matatapos at ang mga bitcoin ay babalik sa trade escrow patungo sa seller.

    Ang huling hakbang ay kumpirmahin ng seller ang bayad. Maging mapagpasensya dahil maaari itong tumagal. Sa oras na makumpirma na ng seller ang bayad, dapat silang maglabas ng mga bitcoin sa iyo at kumpletuhin ang trade.

    Pagkatapos ng trade

    Sa oras na makumpleto na ang trade, maaari kang mag-iwan ng angkop na tugon para sa kasosyo mo sa trade. Gayundin, kung gusto mong makipagtrade sa user, maaari mo silang idagdag sa listahan ng mapagkakatiwalaan.

    Narito ang ilan sa mga kung paano bumili ng mga bitcoin sa Paxful.

    Karagdagang mga tip

    1. Karamihan sa mga seller ay tumatanggap lang ng mga gift card na nabili mo gamit ang cash, kaya maghanda ng litrato ng resibo, hinihingi rin minsan ang larawan ng pakete.
    2. Karamihan sa mga seller ay tumatanggap lang mga mga gift card na may denominasyong nakaprint sa card ($25, $50, $100 at iba pa). Marami rin ang hindi tumatanggap kapag lumampas sa $100. Tandaang basahin ang kanilang mga termino ng alok at tagubilin nang maingat para matiyak na may tamang uri ka ng card.
    3. Siguraduhing malinaw at nababasa ang larawan ng card mo, kung hindi, maaaring tanggihan ng mga seller ang card.
    4. Hindi mo maaaring ibenta ang bahagi ng halaga ng card, Halimbawa, kung may $100 ka na gift card, hindi mo maibebenta ang $30 ng gift card na iyon. Kailangan mong ibenta ang buong halaga ng card.
    5. Laging basahin ang mga termino ng alok bago magsimula ang trade at mag-upload ng mga detalye ng card.
    6. Tandaang pindutin ang “Bayad na” na button sa oras na ma-upload mo na ang lahat ng mga kinakailangan ng seller. Pipigil ito na mapaso ang trade at makaiiwas sa pagnanakaw ng mga detalye ng card mo.
    7. Ang pagbroker ng mga gift card ay mahigpit na ipinagbabawal at lalabag sa Mga Termino ng Serbisyo ng Paxful Ang pagbroker ay tumutukoy sa pagbili ng code ng gift card mula sa isang tao at pagkatapos ay ibebentang muli ang card sa Paxful. Pagkatapos mong ibenta ang card at matanggap ang mga coin, hindi mo na dapat gamitin ang card na ito kahit kailan. Kapag nahuli kang nagsasagawa ng brokering o sinusubukang ibenta ang mga nagamit ng card ang account mo ay maba-ban.
  • Ilang bitcoin ang makukuha ko?

    Ang presyo ng bitcoin ay nauugnay sa pagbabago ng dolyar araw-araw bawat araw.

    Ang halaga ng bitcoin na makukuha mo sa 20 USD, ay depende rin kung kanino mo ito binili. Ilan sa mga seller ng Paxful ang magbebenta sa iyo ng mga bitcoin na may 5% lang na patong, habang ang iba ay maaaring magtakda nang hanggang 50% na patong. Depende sa seller na itakda ang kanilang presyo at pwede kang magpasya kung tatanggapin ang mga termino o maghahanap ng mas magandang alok na tumutugma sa inaasahan mo.

    Bakit ang presyo ng bitcoin sa Paxful ay hindi kapareho ng rate sa internasyonal?

    Habang bumibili ng BTC, ang presyo ng bitcoin sa isang alok ay hindi laging kapareho ng opisyal na rate sa internasyonal. Kapareho ng lihikang ito ang, halimbawa, sa pagbili ng dolyar ng Amerika at pounds ng Britanya. Ang pagbili at pagbebenta ng fiat at cryptocurrencies ay isang malayang merkado kung saan ang mga mamimili at seller ay maaaring magtakda ng kanilang mga sariling presyo at kumita para sa kanilang oras at serbisyo. Itinatakda ng bawat seller ang kanilang sariling presyo habang nagbibigay siya ng oportunidad sa iba na makipagpalitan.

    Sino ang nagtatakda ng presyo?

    Sa Paxful, ang presyo sa merkado ng bitcoin ay kinakalkula bilang katampatan mga rate na makikita sa tatlong mgakakaibang palitan (Coinbase, Bitstamp, at Bitfinex). Ito ang rate na kadalasang ginagamit ng mga seller kapag sinusubukan mong bumili ng bitcoin. Gayunpaman, sa Paxful, maaaring ipasya ng seller ang kanyang sariling presyo. Ang presyo ay kadalasang mas mataas ng kaunti kaysa sa presyo ng palitan dahil sa kaginhawahan at bilis na tinatamasa mo habang nakikipagtrade ng bitcoin. Nakasalalay sa seller ang pinakamataas na presyo ng bitcoin, at responsibilidad mo bilang bumibili na maghanap at tukuyin ang tamang alok para sa iyo.

    Paano ko malalaman kung ano ang presyo ng bitcoin at halagang matatanggap ko?

    Tingnan ang presyo/rate ng bawat alok ng seller. Kung mas mababa ang presyo, mas maraming bitcoin ang makukuha mo para sa perang ibinayad mo. Kung gusto mong malaman ang kasalukuyang presyo ng palitan, tingnan ang Bitfinex, Bitstamp o Coinbase at pagkatapos ay ikumpara ito sa presyong ibinigay ng seller.

    Sa Paxful, makikita mo kung magkano ang makukuha mo sa isang dolyar sa ilalim ng Rate kada bitcoin. Nakadepende iyon palagi sa dolyar ng US bilang presyo ng bitcoin, bago iyon maipalit sa anumang ibang currency, iyon ay nakalagay sa USD.

    Halimbawa:

    Pinili mo ang alok na bumili ng bitcoin gamit ang transfer sa bangko sa rate na 10,673.9 USD na may bayarin na5.2%. Nangangahulugan ito na sa 1 USD ng transfer mo sa bangko makakakuha ka ng 0,95 USD na halaga ng bitcoin.

    BitcoinMargin1.png

    Sabihin nating handa kang magbayad ng 100 USD sa seller. Ibig sabihin makakakuha ka ng 95,1 USD na halaga ng bitcoin 0.00936865 BTC.

    BitcoinMargin2.png

    Kumikita ba ang trade na ito? Kung ang lahat ng ibang bank transfer ay nag-aalok ng mas hindi kumikitang margin kung gayon ang trade na ito ay magiging magandang ideya. Ang tubo o pagkalugi ng trade ay depende sa performance ng bitcoin sa mga araw kasunod ng pamimili mo. Kapag tumaas ang presyo ng bitcoin, magagawa mo itong ibenta at kikita ka. Kapag bumaba ang presyo, maaari kang magpataw ng pagkalugi kapag sinubukan mong ibenta ito.

    Tandaan: Ang rate ng bitcoin sa halimbawa ay ginagamit para sa mga layunin ng pagpapaliwanag. Sa website, ito ay sasailalim sa patuloy na pagbabago.

    Tip: Laging magplano muna. Bilang buyer, lagi kang pwedeng maghanap ng tamang nagbebenta, mga alok at rate na angkop sa badyet at mga kinakailangan mo. 

  • Mabilis ba ang pagbili ng mga bitcoin?

    Hindi laging madalian ang mga trade sa bitcoin. Ang tagal ng trade ay depende sa bilang ng mga factor.

    Mga kondisyong nakakaapekto sa bilis ng trade mo:

    • Paraan ng pagbabayad. Ang ilan sa mga paraan ng pagbabayad ay tumatagal nang higit sa iba dahil sa oras na kailangan para sa pagbabayad upang maproseso o anumang mga beripikasyon na maaaring kinakailangan sa pagitan ng bumibili at ng nagbebenta.
    • Pagiging available ng seller. Kahit na inilathala ang mga alok at aktibo, maaaring hindi palaging online ang nagbebenta. 
    • Mga termino at tagubilin ng alok. Ang ilan sa mga nagbebenta ay may espesipikong mga kundisyon at hakbang upang sundin mo na maaaring tumagal nang ilang minuto.

    Mga aksyon para pabilisin ang trade mo:

    • Basahin ang mga termino ng nagpiling nagbebenta bago simulan ang trade. Basahing mabuti ang mga termino para matiyak na ang deal ay tugma sa pangangailangan mo.
    • Direktang makipagchat sa nagbebenta. Ang mga nagbebenta ng bitcoin ay madalas tumutugon sa mga tanong nang direkta, na nakatitipid sa oras mo at sa kanila.
    • Pumili ng mga alok kasama ang mga nagbebenta na online. Kapag ang seller ay huling nakitang online malinaw itong makikita sa ilalim ng pangalan ng nagbebenta.

    Narito ang ilang tips sa pagbili ng mga bitcoin para paghusayin ang karanasan mo sa aming platform.