• Patnubay ng Seguridad

    Ang bitcoin bilang teknolohiya ay lubhang ligtas ngunit minsan ay hindi ligtas sa paraan ng paggamit natin.

    Ang mga hacker at scammer ay laging naghahanap para makuha ang mga bitcoin mo dahil ang mga paglilipat ng bitcoin ay hindi na maibabalik. Gamit ang ilang simpleng mga pag-iingat, mapananatili mong ligtas ang account at ang bitcoin mo.

    Narito ang ilan sa mga paraan para maging ligtas ang account mo:

    1. Magkaroon ng matatag na password.

    Kapag lumilikha ng password, gamitin ang malalaki at maliliit na titik, gayundin ang mga numero at espesyal na karakter. Gayundin, gamitin ang iba't ibang password para sa iba't ibang online o social media account para ilayo ka sa sa mga hacker.

    2. Huwag gumamit ng parehong password para sa email at sa Paxful account mo.

    Mahalagang magkaroon ng iba't ibang password sa email mo at sa Paxful account mo. Dahil karaniwang pinupuntirya ng mga hacker ang mga email ninyo. Lahat ng mga email domain ay may iba't ibang antas ng seguridad. Sa pinakamasamang senaryo, sa oras na makakuha ng access ang mga hacker sa email mo, makaka-access sila sa mga pondo sa Paxful wallet mo.

    3. Huwag kailanman ibigay ang password mo.

    Sa katulad na paraan, may mga kaso na napipilitan ang mga user na ibigy ang kanilang mga password. Halimbawa, baka gayahin ng mga scammer ang mga administrator ng Paxful at hilingin sa iyo na ibahagi ang mga detalye ng account mo. Tandan na ang mga tauhan at kinatawan ng Paxful ay hindi kailanman humihingi ng password o ibang sensitibong impormasyon ng account.

    Gayundin, kung napaharap ka sa dispute ng trade at hiniling sa iyo ng mga tagapamagitan na magbigay ng screenshot o video bilang patunay, tiyakin na hindi makikita ang mga password mo sa mga file na iyon.

    4. I-configure ang mga tanong pangseguridad.

    Ito ay mahalagang bahagi ng pagtatatag ng seguridad ng iyong account. Kailangang mong itakda ang iyong mga tanong ng seguridad sa lalong madaling panahon. Magagawa ito nang madali mula sa iyong account settings. Mahalagang alalahanin ang mga tanong pangseguridad at sagutin din ang mga iyon. Kaya pumili ng mga tanong at sagot na hindi mo kailanman malilimutan. Hindi magandang isulat ang mga iyon kahit saan dahil iyon ay kasing halaga ng mga password mo kung hindi man higit pa.

    5. Paganahin ang two-factor authentication.

    Ang two-factor authentication ay nagdaragdag ng karagdagang antas ng seguridad sa seguridad ng account mo.  Ang paggamit ng Authy o Google Authenticator ay nirererekomenda gamit ang SMS dahil ang mga hacker ay may taktikang tinatawag na “SIM swapping” kung saan nakukuha nila ang mga SMS message mo. Ang pagtanggap ng SMS ay depende rin sa network provider at maaaring patigil-tigil sa ilang bansa o rehiyon at sa oras ng mataas na paggamit ng cellphone. Maaari mong i-activate ang 2FA sa iyong account settings. Maaari mo ring tingnan ang mga gabay sa pagtatakda ng Authy at Google Authenticator.

    6. Panatilihing ligtas ang impormasyon ng email mo.

    Protektahan ang email address mo na naka-link sa Paxful account mo at huwag kailanman ibahagi ito sa isang taong hindi mo kilala, sa oras ng mga trade o sa mga pribadong chat. Maaaring puntiryahin ng mga hacker ang email mo para makuha ang account mo o personal na impormasyon.

    7. Beripikahin ang account mo. 

    Ang pagberipika sa numero ng telepono mo at email ay hindi lang nagpapahiwatig na ikaw ay ligtas na kasosyo sa trade kundi ang pagberipika sa account mo kasama ang higit na mga dokumento ng pagkakakilanlan ay makatutulong din na ibalik ang access sa account mo sakaling mawalan ka ng access dito.

    Magagamit na mga link:
    Saan beberipikahin ang telepono mo at email?
    Saan beberipikahin ang ID ko?
    Gabay sa beripikasyon ng telepono
    Gabay ng beripikasyon ng email
    Gabay ng beripikasyon ng ID
    Gabay ng beripikasyon ng adres

    8. Iwasan ang mga phishing scam. 

    May iba't ibang paraan para subukan kang atakehin ng mga scammer: panggagaya ng mga website, pagpapadala ng mga pekeng email at SMS, pagbabahagi ng mga kahina-hinala at malisyosong link sa mga trade chat.

    Kami bilang service provider ay patuloy na nagpapahusay sa aming mga antas ng seguridad. Gayunman, hindi ka namin mapoprotektahan nang walang pagsisikap mula sa iyo.

    • Laging tiyakin na sinusuri ang domain address na binibisita mo.

    Tingnan ang address bar mo https://paxful.com bago ilagay ang mga detalye ng iyong account. Mahalaga ang sertipiko ng HTTPS SSL.

    • Huwag makipag-usap sa mga kahina-hinalang email. Mas makabubuting huwag buksan ang mga email na mukhang kahina-hinala para sa iyo.

    Huwag mamigay ng sensitibong data o pindutin ang mga link na kahina-hinala. Para sa karagdagang impormasyon tingnan ang: Nakatanggap ako ng kahina-hinalang email. Mula ba ito sa Paxful?

    • Mag-ingat sa hindi inaasahang mga SMS message mula sa hindi pamilyar na mga nagpapadala.

    Pinadadalhan ka ng Paxful ng SMS lang na may mga security code na nauugnay sa 2FA at beripikasyon ng telepono.

    • Maging maingat sa mga usapan sa trade chat.

    Hindi mo dapat ibahagi ang impormasyon ng contact sa mga trade chat dahil ang mga scammer ay sumusubok na kagahin ka o ipakita sa iyo na nakipagtrade ka sa labas ng escrow. Huwag magbigay ng anumang personal na impormasyon, maliban kung malinaw na binanggit sa mga termino ng alok o mga tagubilin.

    Huwag pindutin ang mga hindi kilalang link sa trade chat. Mas makabubuting lubusang iwasan ang mga trade na nangangailangan ng mga third party link.

    9. Huwag subukang bumili ng Paxful account mula sa ibang tao.

    Kadalasan, sinusubukan ng nagbebenta na linlangin ka at makapasok sa account mo pagkatapos mong magload ng mga barya. Bukod dito, ito ay paglabag sa Paxful Termino ng Serbisyo at ang mga account na iyon ay haharangan.

    10. Pilitin ang mga device at app na mag-logout.

    Ang basta lang pag-lock ng screen ng PC mo o smartphone ay hindi ligtas. Maaaring madalas mangyari na mawalan ka ng device o gamitin ang pampublikong PC na maaaring magbigay ng karagdagang mga oportunidad sa mga tao na may malisyosong layunin. Magandang kaugalian na mag-logout sa Paxful app o platform sa katapusan ng iyong sesyon, lalo na habang gumagamit ng pampublikong mga device na maaaring ma-access ng iba.

    11. Panatilihing napapanahon ang browser at operating system mo.

    Patuloy na nakakahanap ang mga hacker ng mga bagong paraan para magmatyag sa umiiral na mga antas ng seguridad. Kaya ang mga browser at operating system ay patuloy na pinagbubuti ng mga developer at madalas na kumukuha ng update. Kaya mahalagang i-install ang mga update na ito sa machine mo at tiyakin na laging napapahon ang browser mo. Sa katulad na paraan, huwag i-download ang kinakailangang software mula sa mga hindi mapagkakatiwalaang developer.

    12. Panatilihing napapanahon ang Endpoint Security software mo. (Antivirus, antimalware, personal firewall)

    Minumungkahi namin na gumamit ka ng lisensyadong mga bersyon ng security software sa mga machine mo. Tandaan na ang software na ito ay nangangailangan ng madalas na pag-update at pagmamantini.

    13. Subukang iwasan ang paggamit ng mga pampublikong Wi-Fi hotspot.

    Maraming pamamaraang teknikal para sa mga hacker para sa maling paggamit ng mga wi-fi hotspot. Mas makabubuting gumamit ng may kableng koneksyon o protektadong wi-fi network.

    Ang mga puntong nakalista sa itaas ay ang pinakamahalaga. Gayunman, marami pang matututunan sa paksa ng online na seguridad. Basahin ang higit sa mga paksa ng online na seguridad, proteksyon ng pagkakakilanlan, at higit pa, at ipatupad ang pinakabagong rekomendasyon at pinakamahusay na mga kasanayan na makakaharap mo.

  • Ano ang gagawin kung may isang taong nag-login sa account ko?

    Kung sa tingin mo ay may taong nakakuha ng access sa account mo o pinaghihinalaan mong nakompromiso ang mga detalye ng sa paglogin mo, kung gayon ay dapat mong ayusin ang ilang bagay bago kontakin ang suporta. Ang pagpapagana sa 2-Factor Authentication ay magandang paraan para maiwasang mangyari. Pero, sakaling pumalya iyon, narito ang dapat mong gawin:

    Kapag may isang taong nag-login sa account mo pero may access ka pa rin dito.

    Gawin ang sumusunod:

      1. Karaniwan, sa tuwing may bago o hindi inaasahang paglogin sa account mo, agad namin kayong inaabisuhan sa pamamagitan ng email na may link para ireport na i-lock ang account mo kung naghihinala ka nang panghihimasok. Kaya, pindutin lang ang link sa email. Ang account mo ay agad malo-lock at lahat ng sesyon ay tatapusin. Mas mabilis kang umaksyon, mas mataas ang mga tsansa ng pagsave ng BTC mo. Sunod, kontakin ang suporta para ibalik ang access sa account mo. Pagkatapos, gawin ang mga hakbang para protektahan ang account mo
      2. Bilang kahalili, habang naka-login sa account mo, magpatuloy lang sa sumusunod na mga hakbang.

    Mga hakbang para protektahan ang account mo:

    1. Palitan ang password mo sa isang bagay na ligtas (ang password na HINDI MO PA NAGAMIT sa ibang mga site o email). Subukang gumawa ng password mo na mahirap hangga't maaari, pero madali ring tandaan.
    2. Suriin para tiyakin na wala sa mga ibang settings mo tulad ng email o numero mo ng telepono ang nabago. Kapag nabago ang mga iyon sa mga bagay na hindi mo nakikilala, palitan uli ang mga iyon.
    3. Magpunta sa mga aktibo mong seksyon (Settings > Security > Mga Aktibong Sesyon) at maglog out sa lahat ng sesyon sa pamamagitan ng pagpindot sa Isara na icon kasunod ng mga iyon.
    4. Mag-log out sa account mo.
    5. Mag-log in muli gamit ang bago mong password.
    6. I-download ang Google Authenticator(iPhone/Android) o Authy (Mac/Windows).
    7. Buksan ang 2FA sa Paxful at i-scan ang code gamit ang telepono mo. Tandaang buksan ang 2FA sa PAREHONG login at ang pagpapadala nito ay mas titiyak sa mga transaksyon mo. Nirerekomenda namin ang paggamit ng Google Authenticator o Authy sa SMS 2FA dahil mas ligtas ito. Buksan lang ang app at kunin ang code sa tuwing gustong mong maglogin o magpadala ng bitcoin.
    8. Itakda ang mga tanong mo sa seguridad at isulat ang mga iyon sa isang lugar. Kakailanganin mo ang mga iyon sakaling mawala ang telepono mo at kailangang i-reset ang 2FA mo.

    Tandaan:

    • Kapag masusubaybayan ng support team ang hacker at mababawi ang alinmang pondo, kokontakin ka namin. Ang mga hacker ay madalas napagtatakpang mabuti ang kanilang mga aksyon at hindi posibleng masubaybayan sila para maibalik ang mga transaksyon sa Bitcoin.
    • Ipinapayo na palitan mo ang mga password mo sa alinmang ibang mga ccount na mayroon ka online dahil ang mga hacker ay karaniwang nakakakuha ng access sa pamamagitan ng pagkuha ng email mo o ibang mga account.

    Kung hindi ka makapaglogin sa account mo:

    1. Kontakin ang Suporta at ibigay ang lahat ng impormasyong kailangan ng aming mga suportang agent. Sa oras na maberipika na ikaw ay may-ari ng account, abisuhan ang suporta na kailangan mong I-LOCK ANG ACCOUNT. Titingnan ng Support Team kung may sapat na data para patunayan na hindi ka hacker (at susubukang bigyan ka ng access sa sarili mong account). Sa oras na maberipika na ikaw ay biktima at tunay na may-ari ng account, ang access mo sa account ay ibabalik.
    2. Sa oras na makapaglogin in, seguruhin agad ang account mo.

    Paano nangyari ito at paano ko maiiwasang mangyari itong muli?

    Para maiwasang mangyari itong muli, minumungkahi namin na huwag mong gamitin ng parehong password sa lahat ng website at gumagana ang iyong 2FA na may Google Authenticator.

    Sa Paxful, patuloy naming pinaghuhusay ang proseso ng seguridad upang panatilihing ligtas ang inyong mga pondo hangga't maaari.

    Kaya saan napunta ang mga bitcoin?

    • Tingnan ang aktibidad ng account mo para makita kung sino ang nag-login sa account mo. Tandaan ang kanilang IP address.
    • Tingnan ang wallet ledger mo para makita ang adres ng bitcoin kung saan nila pinadala ang mga barya mo.

    Gamit a ng Bitcoin address at ang IP address ng magnanakaw, mayroon kang ilang impormasyon subalit madalas ay imposibleng masubaybayan ang mga iyon. Ang support team namin ay walang mga resource para makatulong sa iyo na imbestigahan ang higit pa dahil ang mga hacker ay madalas gumagamit ng mga VPN at dahil na rin sa pangkalahatang pagka-hindinakikilala ng Bitcoin. Halos imposibleng masubaybayan sila, kaya gawin ang buong makakaya mo upang gawing ligtas ang account mo hangga't maaari.

  • Nakatanggap ako ng kahina-hinalang email. Mula ba ito sa Paxful?

    Kung nakatanggap ka ng kahina-hinalang email na mukhang mula sa atin o sa entidad na nagsasabing nauugnay sa amin huwag pindutin ang mga link ng nasabing mga email, i-download ang mga kasamang attachment, o tumugon sa kanila. Ireport ang mga email na iyon sa aming Support sa pamamagitan ng pagpapasa ng buong email sa help@paxful.com. Isama ang email header at subject line, na makatutulong sa amin upang imbestigahan kung saan ito nagmula at magsagawa ng aksyon para ihinto ito mula sa pagkalat sa ibang mga customer.

    Opisyal na mga email adress ng Paxful:

    help@paxful.com

    noreply@paxful.com

    press@paxful.com

    hello@paxful.com

    security@paxful.com

    privacy@paxful.com

    Kailanman ay hindi hihingi ng Paxful ng impormasyon ng:

    • Buong numero ng credit card mo o ng iba pang mga pinansiyal na detalye
    • Password mo
    • One-time 2FA password (code) mo

    Paano humanap ng phishing email:

    Habang madalas pinapalitan ng mga scammer ang kanilang taktika, tingnan ang mga klasikong palatandaang ito ng phishing o spoofing na pagtatangka:

    • Ang kahilingan para sa bank account mo, username, password, social security number o pagkakakilanlan. Huwag kailanman ibigay ang impormasyong ito.
    • Ang paghahabol na nakompromiso ang account mo. Sa mga kasong iyan, maaari lang naming ipadala ang mga automated na mensahe mula sa “no-reply” na mga email address.
    • Walang pahintulot na email na may link para beripikahin ang impormasyon ng account mo.
    • Mga Typo sa email address. Karaniwang nakakakita ng mga bagay tulad ng support@ppaxful.com (typo).
    • Mga kahina-hinalang link na hindi nag-uugnay sa www.paxful.com. Bago mo ilagay ang impormasyon ng log-in mo, o pindutin ang link, suriing mabuti ang URL sa pamamagitan ng pagkopya nito sa address bar bago pindutin ang Enter.
    • Mga email na ginagaya ang disenyo namin. Ang mga email na iyon ay naglalayong lituhin ka mula sa mga typo sa email address o link ng website sa pamamagitan ng paggamit ng mga litrato at kulay na tulad sa amigng platform.
    • Mga email na may .html attachment.

    Para sa higit na impormasyon kung paano protektahan ang account mo tingnan ang aming gabay ng seguridad.

     

  • Pagtatakda ng mga tanong panseguridad

    Ang mga tanong panseguridad ay mahalagang bahagi ng pagprotekta sa iyong account sa Paxful. Ang mga tanong panseguridad ay makatutulong upang ibalik ang access sa account mo sakaling maiwala mo ito. Sundin ang mga hakbang na ito para maconfigure ang mga tanong panseguridad mo.

    1. Mag-login sa Paxful account mo, i-hover sa ibabaw ng username sa kanang itaas ng page at pindutin ang Settings mula sa context menu na lumilitaw.
    Email_verification_1_2_copy.png
    Ang Settings page ay lilitaw.
    2. Sa menu sa kaliwa, pindutin ang ITAKDA ANG MGA TANONG PANSEGURIDAD.
    Questions2.png

    Itakda ang iyong tanong panseguridad ang dialog box ay lilitaw.
    3. Pindutin ang Itakda ang mga sagot na link.
    Questions3.png
    Ang Itakda ang mga sagot na dialog box ay lilitaw.
    4. Piliin ng 3 tanong panseguridad mula sa mga drop-down na listahan. I-type ang katumbas na mga sagot sa mga puwang sa ilalim ng mga tanong.
    Questions4.png

    Babala: Tingnang mabuti ang mga sagot mo at tiyakin na natatandaan mo ang mga iyon. Kung sakaling kinakailangan, kailangan mong magbigay ng mga sagot sa mga tanong na ito nang eksakto sa pagkakasulat sa mga puwang. Kapag nalimutan mo ang mga sagot mo, magiging mas mahirap ang pagroseso sa pagsasauli ng access sa account mo.

    Tip: Kapag pumipili ng mga sagot sa tanong panseguridad mo, isaalang-alang ang paggamit ng impormasyon na hindi makikita sa mga social media profile mo. Halimbawa, huwag sagutin ang tanong na “sino ang matalik mong kaibigan sa paaralan?” gamit ang pangalan ng isang tao kundi sa halip ay isaalang-alang ang kanyang palayaw.

     5. Pindutin ang I-save.
    Questions5.png
    Nakatakda na ang mga tanong panseguridad mo. Na-redirect ka para bumalik sa Account settings page.


    Para sa karagdagang impormasyon kung paano gagawing ligtas ang account mo, suriin ang aming gabay panseguridad.

  • Pagsasaayos ng 2FA

    Kung nahihirapan kang tumanggap ng two-factor authentication (2FA) 2FA SMS code, o kung ang 2FA Google Authenticator (GA) code ay hindi gumagana, subukang sundin ang mga tips sa pagtroubleshoot:

    Google Authenticator

    Kung hindi gumagawa ang Google Authenticator code mo, baka dahil ito ang oras na ang inyong Google Authenticator app ay hindi naka-sync nang tama gamit ang iyong device. Tiyaking suriin ang orasan sa iyong device at itakda ito sa tamang timezone. Ang maling orasan ay nagdudulot ng mga code na hindi naka-sync.

    SMS

    Tingnan ang sumusunod na mga punto kung ang device mo ay hindi tumatanggap ng mga SMS na mensahe ng 2FA.

    • Tiyakin na ang device mo ay nakabukas kapag ang 2FA na code ay gumagana
    • Tiyakin na ang device mo ay may sapat na signal ng cellphone kapag pinagagana ang 2FA code.
    • Tiyakin na ang device mo ay hindi nakasara ang roaming sa home network mo, dahil hindi magagarantiya ng SMS provider namin ang paghahatid ng mga roaming device na SMS.
    • Tiyakin na ang SMS inbox ng device ay hindi puno.

    Tandaan: Kung nasubukan mo nang paganahin ang mga vode ng 2FA SMS nang ilang beses at hindi pa rin nakakatanggap ng mga code, maaaring huminto ang system namin sa pagpapadala ng mga code. Kung iyan ang kaso, maghintay nang 24 oras at subukang paganahin ang 2FA SMS code muli. Kung nagkakaproblema ka pa rin na tumanggap ng mga code ng 2FA SMS, suriin ang network provider mo kung hinaharangan nila ang aming mga SMS message.

    Tingnan ang aming artikulo kung paano itakda ang 2FA gamit ang Google Authenticator o Authy. Tingnan din ang aming gabay ng seguridad para sa tips kung paano protektahan ang account mo.

     

  • Nakalimutan ang ko ang password ko

    Para i-reset ang password kapag hindi ka nakapirma sa iyong Paxful account: 

    1. Pindutin ang button na Maglog in button sa home page
    2. Pindutin ang “Nakalimutan ang password mo?” sa ilalim.
    3. Ilagay ang nakarehistrong email address.
    4. Pindutin ang KAHILINGAN SA PASSWORD.
    Ang email mula sa help@paxful.com ay ipinadala sa iyon email address.
    5. Buksan ang email at pindutin ang I-RESET ANG PASSWORD MO NGAYON.
    Dadalhin ka sa website.
    6. Sagutan ang sumusunod na mga puwang.
    ForgotPassword.png

    Field Name Paglalarawan Mga Komento
    Email Ilagay ang email address mo.  
    Password Ilagay ang bagong password. Ang bago mong password ay dapat na :
    Gawing 6 karakter lang ang haba
    May isang maliit na titik na karakter
    May isang espesyal na karakter (@#* atbp.)
    May isang numero
    May isang malaking titik

    Kumpirmahin ang password

    Ilagay muli ang bagong password. Ang password ay dapat kaparehong-kapareho sa inilagay na dating field.

     7. Pindutin ang I-RESET ANG PASSWORD.

    Tandaan: 

    • Ang pagreset sa link ng password na tanggap sa email mo ay balido nang 60 minuto.
    • Kapag humingi ka ng link nang maraming beses, gamitin ang pinakabagong link na natanggap sa email.

    Tingnan ang aming gabay ng seguridad para sa karagdagang impormasyon sa pagpapahusay ng kaligtasan ng iyong account. Maaari mo ring tingnan kung paano palitan ang password sa profile settings mo.

  • Pagbabago ng password mula sa settings ng profile

    Maaari mong i-reset ang password ng Paxful mo mula sa iyong mga setting ng seguridad ng account.

    Tingnan ang aming video:

    Para palitan ang password mo habang naka-login sa Paxful account mo:


    1. I-hover sa ibabaw ng username mo sa kanang tuktok ng page at pindutin ang Settings mula sa context menu na lumilitaw.
    Ang page ng Settings ay lilitaw.
    2. Sa menu sa kaliwang bahagi ng page, pindutin ang Seguridad.
    3. Sa dialog box na Palitan ang password, kumpletuhin ang mga sumusunod na field:
    ResetPassword.png

    Pangalan ng Field Paglalarawan Mga Komento
    Kasalukuyan Ilagay ang kasalukuyang password.  
    Ilagay ang bagong password Ilagay ang bagong password. Ang bago mong password ay dapat na :
    Maging 6 na karakter man lang ang haba
    Isang maliit na titik na karakter
    May isang espesyal na karakter (@#* etc.)
    May isang numero
    May isang malaking titik na karakter
    Beripikahin ang password Ilagay uli ang bagong password. Ang password ay dapat eksaktong pareho sa inilagay sa unang puwang.

    4. Pindutin ang PALITAN ANG PASSWORD.
    Ni-reset ang password mo. Nag-log out ka at dinala sa Login page. Ang email ng kumpirmasyon ay ipinadala sa inbox mo mula sa help@paxful.com. Dadalhin ka sa Login page ng email kung saan maaari kang mag-login gamit ang bago mong password.

    Tingnan ang aming gabay ng seguridad para sa karagdagang impormasyon sa pagpapahusay ng kaligtasan ng iyong account. Kung hindi mo maalala ang password mo, pindutin dito.

  • Pagbabalik ng access sa 2FA

    Ang pagkakaroon ng 2FA na itinakda sa iyong account ay malaking pagbabago sa antas ng seguridad sa bitcoin wallet mo. Gayunman, minsan ay maaari kang mawalan ng access sa iyong 2FA dahil sa alinman sa sumusunod na mga dahilan:

    • Nawala ang telepono mo o nasira.
    • Nabura ang authentication app.
    • Inilipat mo sa bagong device, at ang app kasama ang lahat ng code ay hindi maaaring ilipat sa bago mong device.
    • Nagbago na ang numero ng telepono mo.

    Kapag nangyari ito, kontakin ang aming Support at gawing madali ang mga sagot sa mga tanong panseguridad.



  • Pagpapagana sa 2-Factor Google Authenticator

    Ang pagtagal para paganahin ang 2-Factor Authentication (2FA) ay maaaring mangahulugang malaking pagkakaiba sa mga termino ng seguridad ng iyong account. Kahit na paganahin mo ang 2FA sa pamamagitan ng SMS, nirerekomenda namin gamit ang Google Authenticator dahil ito ang pinakaligtas na osyon. Hindi maaasahan ang SMS dahil laganap ang taktika ng hacker gamit ang “pagpapalitan ng SIM”, kung saan nahahawakan ng mga hacker ang iyong mga mensahe sa SMS.

    Tingnan ang gabay na video namin sa two-factor authentication:

     

    Tandaan: Bago ka magsimula, i-download ang Google Authenticator app para sa telepono mo. 

    Para paganahin ang 2FA gamit ang Google Authenticator sa ilalim ng iyong account security settings:

    1. Sa oras na ma-install na ang app, sa magkakaibang device (PC, tablet, isa pang smartphone) na paglogin sa iyong Paxful account.
    2. Hsa ibabaw ng iyong username sa itaas na bahagi ng page at pindutin ang Settings mula sa context menu na lumilitaw.
    Email_verification_1_2.png
    Ang page ng Settings ay lumilitaw. 
    3. Sa menu sa kaliwa, pindutin ang Seguridad.
    Screenshot_2020-02-04_at_10.15.54.png
    Anh page ng Security ay lilitaw.
    4. Sa ilalim ng 2FA para maglogin, piliin ang GOOGLE AUTHENTICATOR o AUTHY.
    2FaReset3.png

    5. Pindutin ang I-UPDATE ANG 2FA PARA MAGLOGIN.

    2FaReset4.png
    Ang QR-code ay lumilitaw.
    6. I-scan ang QR-code gamit ang telepono mo sa pamamagitan ng paggamit ng Google Authenticator app. Ang 6-digit code ay lumilitaw sa app.
    7. Ilagay ang 6-digit na code sa field katabi ng QR-code.

    2FAReset6.png
    8. Pindutin ang I-UPDATE ANG 2FA PARA MAGLOGIN.
    2FAReset7.png

    Tip: Maaari mong itakda ang 2FA para sa pagpapadala ng bitcoin at paglalabas din ng bitcoin. Lubhang makakapagpahusay ito sa seguridad ng Paxful wallet mo.

    Tingnan ang aming gabay ng seguridad at tips sa kaligtasan para sa karagdagang impormasyon.

  • Pagpapagana sa 2-Factor Authy

    Ang pagtagal para paganahin ang Two-Factor Authentication (2FA) ay maaaring mangahulugang malaking pagkakaiba sa mga termino ng seguridad ng iyong account. Kahit na paganahin mo ang 2FA sa pamamagitan ng SMS, nirerekomenda namin gamit ang Google Authy dahil ito ang pinakaligtas na opsyon. Hindi maaasahan ang SMS dahil laganap ang taktika ng hacker gamit ang “pagpapalitan ng SIM”, kung saan nahahawakan ng mga hacker ang iyong mga mensahe sa SMS.

    Tingnan ang gabay na video namin sa two-factor authentication:

    Tandaan: Bago ka magsimula, i-download ang Authy app para sa telepono mo. 

    Para paganahin ang 2FA gamit ang Authy sa ilalim ng iyong account security settings:

    1. Sa oras na ma-install na ang app, sa iba't ibang device (PC, tablet, iba pang smartphone) mag-login sa iyong Paxful account.
    2. Mag-hover sa ibabaw ng username mo sa kanang tuktok ng page at pindutin ang Settings mula sa context menu na lumilitaw.
    Email_verification_1_2.png
    Ang page ng Settings ay lilitaw. 
    3. Sa menu sa kaliwa, pindutin ang Seguridad.
    Screenshot_2020-02-04_at_10.15.54.png
    Ang page ng Seguridad mo ay lilitaw.
    4. Sa ilalim ng 2FA para sa pag-login, piliin ang GOOGLE AUTHENTICATOR o AUTHY.
    2FaReset3.png
    5. Pindutin ang I-UPDATE ANG 2FA PARA SA LOGIN.
    2FaReset4.png
    Ang QR-code ay lilitaw.
    6. I-scan ang QR-code gamit ang telepono mo gamit ang Authy app. Lilitaw ang 6-digit code sa app.
    7. Ilagay ang 6-digit code sa field katabi ng QR-code.
    2FAReset6.png
    8. Pindutin ang I-UPDATE ANG 2FA PARA MAG-LOGIN.
    2FAReset7.png

    Tip: Maaari mong itakda ang 2FA para sa pagpapadala ng bitcoin at paglalabas din ng bitcoin. Lubhang makakapagpahusay ito sa seguridad ng Paxful wallet mo.

    Tingnan ang aming gabay ng seguridad at tips sa kaligtasan para sa karagdagang impormasyon.