Mobile Wallet

  • Paxful Mobile Wallet ng Paxful

    Ang Paxful Mobile Wallet ay magagamit para sa Android at iOS. Ang Paxful Bitcoin Wallet App ay pinadadali ang pagpapadala, pagtanggap, at pag-iimbak ng Bitcoin sa sarili mong personal mobile na cryptocurrency wallet. Ang Bitcoin Wallet App ay tunay na kasamahang tool sa Paxful, isa sa pinakamalaking peer-to-per bitcoin na mga marketplace.

    Gamitin ang Paxful wallet sa:

    • Magpadala at tumanggap ng Bitcoin sa sarili mong pribadong cryptocurrency wallet na pahihintulutan kang makipag-transaksyon sa sinuman at anumang oras, saan man.
    • Ligtas na iimbak ang pinaghirapan mong kitain na bitcoin at suriin ang balanse mo sa tamang oras.
    • Subaybayan ang bukas mong mga trade sa Paxful para malaman mo ang kasalukuyang status ng pinaka kamakailan mong mga transaksyon habang bumibili ka at nagbebenta ng Bitcoin.
    • Ibahagi ang bitcoin wallet address o QR code sa ibang mga trader at mga kaibigan.
    • Gawing personal ang Paxful wallet profile mo para makilala ka na ikaw ang katransaksyon ng mga tao.
    • Maging updated sa halaga ng palitan ng bitcoin sa fiat sa kaluwagan mo.

    Kaya, handa ka na bang magpadala, tumanggap at mag-imbak ng Bitcoin mo sa mas epektibo, mas matalino at mas mabilis na paraan? I-download ang Paxful Bitcoin Wallet ngayon mula saGoogle Play Store o App Store para ilagay ang lakas ng Paxful sa palad mo!

     

  • Mobile Wallet: mga isyu at solusyon

    Sa tab ng Wallet, mayroong "Bumili" at "Gumastos" na mga pindutan na nagbubukas sa pahina ng web ng Paxful kung saan makikita mo ang mga alok para simulan ang pakikipagtrade.

    Hindi suporta ng app ang paglikha ng mga alok sa oras na ito. Pakigamitin ang website ng Paxful para sa layuning ito.

    Ipinapakita ng app na ito ang huling 20-60 mga transaksyon sa pahina ng "Wallet", sa pagpindot sa isa sa mga ito ay bubuksan mo ang detalyadong impormasyong tungkol sa transaksyon.

    Maaaring paganahin ang fingerprint sa "Account" sa tab ng "Security" section:

    • Dapat paganahin muna ang pagpipilian na fingerprint sa iOS. Kung hindi gumana ang fingerprint nang higit sa 3 beses - kakailanganin ang pin.
    • Dapat suportado ng mga aparatong android ang fingerprint na pagpipilian at dapat itong paganahin sa mga setting ng aparato. Bilang pamantayan, walang limit sa mga pagtatangka. Kung hindi gumagana ang fingerprint scan, isara lang ang window at sa halip ay gamitin ang pin.

    Paano lutasin ang isyu sa pag-sign-in?

    Mga isyu sa pag-sign in:

    • Mayroong pagpipilian sa bawat puwang ng password para ipakita ang password. Pakitingnan kung tama ang inilalagay mong password.
    • Ang ilang mga isyu ay maaaring dahil ginamit mo ang lumang bersyon ng app. Pinipilit ng systema na mag-update sa pana-panahon sa pinakabagong bersyon, ngunit hindi parin 100% na tama. Pakibuksan ang app sa Play Market o sa Appstore at i-download ang pinakabagong bersyon.
    • Maaaring i-block ng mga solusyong Antibot ang mga user kung may ilang kahina-hinalang aktibidad na natuklasan sa aparato, network, rehiyon at atbp. Kung sakaling nasubukan mo na ang lahat ng mga naunang hakbang, makipag-ugnayan sa help@paxful.com upang maimbestigahan namin ang iyong tiyak na kaso.

    Paano lutasin ang error sa hindi tamang numero ng balanse?

    1. I-update ang mobile app sa pinakabagong bersyon.
    2. Mag-log out at mag-log in muli sa app.

    Posible bang gumamit ng Face ID?

    Gumagana lang ang Face ID kung hindi mo ginagamit ang app ng mga 1 minuto o higit oa (nang hindi isinasara ang app). Kapang isinara mo ang app, sa gayon ang pin ay kinakailangan. Kung hindi gumana ang Face ID nang higit sa 3 beses - ang pin ay kakailanganin. Magagamit lang ang Face ID sa mga aparatong iOS.

    Paano ginagamit ng mga retailer na mga nagbebenta ng pisikal na produkto ang app para makatanggap ng bitcoin mula sa mga customer bilang paraan ng pagbabayad?

    Suportado ng pinakabagong bersyon ng app ang Big21 at alok na QR code para sa pagtanggap ng BTC.