Kalahatan

  • Ano ang Bitcoin?

    Ang Bitcoin ay isang online currency na maaaring ipadala saanman sa mundo gamit ang internet, katulad ng pagpapadala ng email.

    Para magpadala o tumanggap ng mga bitcoin, kakailanganin mo ng bitcoin wallet. Ang bitcoin wallet ay ang sarili mong online wallet kung saan maaari mong iimbak ang lahat ng pinaghirapan mong kitain na mga bitcoin. Kapag sumali ka Paxful, makakakuha ka ng ligtas, libre at napakasimpleng gamitin na bitcoin wallet. Ang bitcoin wallet ng Paxful ay gumagana sa ibang wallet. Bawat bitcoin wallet ay may wallet address. Maaari mong ipadala ang wallet address mo sa mga tao, at pagkatapos ay maaaring magpadala ng mga bitcoin sa wallet mo. Gamit ang sarili mong wallet, maaari kang magpadala, tumanggap, at mag-imbak ng bitcoin. Maaari mo ring makita ang lahat ng transaksyon tulad ng online banking mo.

    Maaari mong gamitin ang bitcoin para bumili ng mga bagay online mula sa mga tindahan na tumatanggap nito bilang paraan ng pagbabayad. Simula nang maimbento ito, nagkaroon ng maraming negosyo na tumatanggap ngg bitcoin bilang bayad kaya subukan ang suwerte mo, at ang tindahan na hinahanap mo ay baka tumatanggap ng bitcoin. Isip-isipin ang kaginhawakan ng paggawa ng lahat ng transaksyon mo sa negosyo online gamit ang ligtas at maaasahang wallet tulad ng mayroon sa Paxful.

    Ang pinakamalaking bahagi ng hamon ng bitcoin ay pagkuha ng una mong bitcoin. Maaari itong maging mas mahirap para sa iyo kung wala kang bank account. Sa kabutihang-palad, ang Paxful ay tumatanggap ng mahigit 300 na paraan ng pagbabayad kaya tingnan ang mga iyon at alamin kung alin ang pinaka-angkop para sa iyo. Sa Paxful, bumili ka ng bitcoin mula sa mga vendor ng Paxful na mga taong nagbebenta ng kanilang bitcoin para kumita. Dahil tumatanggap sila ng maraming iba't ibang anyo ng pagbabayad tulad ng mga gift card, Western Union, bank transfer, at marami pang iba. Ang pagkakaroon ng ilang bitcoin ay hindi naging ganito kadali! Kapag nagpasya ka sa paraan ng pagbabayad at nakakita ng magandang alok, kung gayon ay sundin ang mga tagubilin na binigay sa iyo ng vendor at magkakaroon ka ng mga bitcoin sa wallet mo sa loob lang ng ilang minuto.

    Sa oras na makakuha ka na ng unang bitcoin, tiyaking ligtas ang account mo sa pamamagitan ng pag-activate sa iyong 2-Factor Authentication o di kaya'y gumamit ng Google Authenticator para mas ligtas na karanasan! Handa ka nang masiyahan sa pansin na natatanggap mo sa peer-to-peer finance gamit ang mga iyon na nasa kamay mo!

    Ang Paxful ay nagbibigay ng ligtas na lugar ng pamilihan kung saan maaari kang bumili at magbenta ng mga bitcoin gamit ang mahigit 300 na paraan ng pagbabayad! Basahin ang higit tungkol sa paggamit ng ating platform at patuloy nagamitin ang Paxful!

  • Ano ang Paxful?

    Ang Paxful ay nangungunang peer-to-peer finance platform para sa pakikipagtrade ng bitcoin.

    Noong 2014, itinatag nina Ray Youssef at Artur Schaback ang EasyBitz na pinalitan ng pangalan at ginawang Paxful. Iisa lang ang layunin na naisip nila nang likhain nila ito: na gawing mas madali para sa lahat ang bitcoin mula sa mga negosyo hanggang sa mga negosyante.

    Maraming malalaking problema sa mundo ang umiikot sa pera, lalo na ang pagkita nito at paglilipat nito. Ang pagpapadala ng pera sa mundo ay hindi mabilis o mura sa anumang paraan, pero binago ito ng Paxful.

    Paxful ang nangungunang peer-to-peer bitcoin na lugar ng pamilihan kung saan ang mga mamimili at nagbebenta ay konektado para sa negosyo. Ang pagkakaroon ng mahigit 300 na paraan ng pagbbayad na magagamit sa Paxful ay ginagawang napakadali para humanap ng angkop na mga alok. Ibinibigay namin sa mga user ang kumpletong kontrol sa kanilang pera. Kasama ang aming escrow system at sa aming dedikadong 24/7 customer support, ang Paxful ay lubhang ligtas kung alaw mo kung paano bawasan ang panganib at alamin kung paano gawing ligtas ang iyong account. Sa oras ng pag-sign up, ang mga user ng Paxful ay binibigyan ng LIBRENG wallet.

    Ang peer-to-peer system ng Paxful ay nagtatanggal ng mga hangganan at limit. Maaari mong isipin ang iyong Paxful account bilang napakasarili mong pinansiyal na pasaporte. Gamit ito, maaari kang magpadala ng pera at bumili ng mga bagay mula sa kalahatian ng mundo. Magtayo ng mga negosyo gamit ang aming affiliate program.

    Ang komunidad namin ay may mahigit 2 milyong user at patuloy itong lumalago. Ang mga user na ito ay maaaring gumawa ng pakikipagtrade sa napakadaling Paxful at walang abala.

    Iyan ang Paxful. Paparating Na Ang Pera Sa Iyo!

    Lumikha ng sarili mong Paxful account ngayon!

  • Mga pamamaraan ng pagbayad

    Mahigit 300 na paraan para bumili at magbenta ng mga bitcoin sa Paxful.

    Narito ang ilan sa aming mas popular na mga opsyon sa pagbabayad:

    1. Bumili ng mga bitcoin gamit ang Bank TransferCash
    2. Bumili ng mga bitcoin gamit ang mga Online Wallet tulad ng PayPal, Skrill, Neteller
    3. Bumili ng mga bitcoin gamit ang iTunes na mga gift card
    4. Bumili ng mga bitcoin gamit ang Amazon na mga gift card
    5. Bumili ng mga bitcoin na ginagawa ang mga lokal na trade nang Cash nang Personal
    6. Bumili ng mga bitcoin gamit ang mga altcoin tulad ng Ethereum, Litecoin, Ripple at marami pang iba.

    Sa pamamagitan ng pagpindot dito, maaari kang maghanap ng mga paraan na gusto mong magbayad. Ang dapat mo lang gawin ay ilagay ang halaga ng mga bitcoin na gusto mong bilhin, ang currency at ang paraan ng pagbabayad na gagamitin mo. Kung hindi mo mahanap ang paraan ng pagbabayad, lagi kang pwedeng magmungkahi ng isa! Kasing dali lang ito ng paghahanap ng link na nagsasabing “Walang ganoong paraan ng pagbabayad? Pindutin dito para magmungkahi ng bago”. 

    Ang mga paraan kung saan maaari kang bumili ng mga bitcoin ay tinatawag na “mga pamamaraan ng pagbabayad”.

    Bawat paraan ng pagbili mo ng bitcoin ay tinatawag na “pamamaraan ng pagbabayad”. Maaari mong makita ang listahan ng lahat ng magagamit na pamamaraan ng pagbabayad dito. Ang listahang ito ay laging lumalawak habang ang mga trader ng Paxful sa merkado ay lumilikha ng bagong mga pamamaraan ng pagbabayad sa lahat ng oras. Ang bawat pamamaraan ng pagbabayad ay may sariling tinutukoy at antas ng panganib na kailangan mong alamin bago simulan ang pakikipagtrade. Ang peer-to-peer system na mayroon sa Paxful ay humihimok dito dahil laging mas madaming bumili rito ng mga bitcoin. 

  • Mga termino ng Serbisyo at kasunduan ng user

    Tingnan ang pinakabagong Mga Termino ng Serbisyo at kasunduan ng user dito

  • Mga singil ng Paxful

    Magtrade ng Bitcoin

    Grupo ng Pagbabayad Magbenta ng Bitcoin Bumili ng Bitcoin
    Mga Transfer sa Bangko 0.5% walang bayad
    Credt/Mga Debit Card 1% walang bayad
    Mga Digital na Currency 1% walang bayad
    Mga Online Wallet 1% walang bayad
    Cash 1% walang bayad
    Mga Gift Card

    3% para sa lahat ng mga uri ng gift card
    (maliban sa iTunes at Google Play)

    5% na iTunes at Google Play

    walang bayad

     

    Magpadala ng Bitcoin

    Uri ng Wallet Magpadala Paparating
    Panlabas na Wallet $0 - $9.99 = 0.0001 BTC
    $10 - $19.99 = 0.0002 BTC
    $20+ = 0.0005 BTC
    walang bayad
    Panloob na wallet

    5 kada buwan - walang bayad

    mahigit 5 kada buwan - bayad na $1.00 o 1% ng halagang ipinadadala, alinman ang mas malaki.

    walang bayad

     

    Bumibili ng Bitcoin

    • Ang Paxful ay hindi sumisingil ng anumang bayad sa mga customer na bumibili ng bitcoin.
    • Kapag bumibili ng bitcoin mula sa isa pang customer sa Paxful, bumibili ka ng bitcoin sa halagang itinakda ng mga customer mismo. Ang mga rate na ito ay iba't iba batay sa maraming salik tulad ng iyong status ng beripikasyon, paraan ng pagbabayad, kasalukuyang pares (tulad ng USD, EUR, CNY), at laki ng order.
    • Tiyakin na sinusuri ang bawat alok na pinipili mo kapag bumibili ng bitcoin. Ang tips kung paano bumili ng bitcoin ay makikita dito.

    Nagbebenta ng Bitcoin

    • Ang Paxful ay sumisingil ng mga bayad sa mga customer na nagbebenta ng bitcoin.
    • Ang singil ay iba't iba depende sa paraan ng pagbabayad na tinatanggap mo sa pagbebenta ng iyong bitcoin.
      • Mga Tranfer sa Bangkos: 0.5%
      • Credt/Mga Debit Card: 1%
      • Mga Digital na Currency: 1%
      • Mga Online Wallet: 1%
      • Cash: 1%
      • Mga Gift Card: 3% para sa lahat ng uri ng gift card (maliban sa iTunes at Google Play), 5% iTunes at Google Play. 
    • Ang halaga ng escrow na ito ay binabawas mula sa Paxful wallet mo sa simula ng trade. Sa oras na makumpleto na ang trade, tatanggap ang Paxful ng bayad sa escrow. Kapag hindi kumpleto ang trade, lalo na kung ang bitcoin ay ibinalik mula sa escrow patungo sa seller, walang sisingilin ang Paxful.

     Pagpapadala ng Bitcoin

    • Ang Paxful ay nagkakaltas sa wallet ng bayad sa pagpapadala sa bawat pagpapadala mula sa Paxful wallet patungo sa panlabas na Bitcoin address. Narito ang tatlong tier ng aming mga singil:
      • $0 -$9.99 = 0.0001 BTC
      • $10 -$19.99 = 0.0002 BTC
      • $20+ = 0.0005 BTC
    • Sakop ng bayad na ito ang kaugnay na bayad ng minero at pagpapanatili ng ating ligtas na imprastruktura ng wallet.    
    • Ang pagpapadala ng bitcoin sa isa pang customer ng Paxful ay libre sa unang 5 transaksyon na ipinadala kada buwan. Pagkatapos nito, ang bayad na $1.00 o 1% ng halaga ng pagpapadala, alinman ang mas malaki ay ilalapat sa bawat transaksyon na ipinadala sa isa pang customer ng Paxful. Ang bayad ay sisingilin sa Bitcoin at kakalkulahin batay sa rate ng merkado ng Bitcoin sa oras ng transaksyon. Kung wala kang Bitcoin na katumbas ng $1.00 hindi ka makakapagpadala ng mga pondo.

    Tandaan: Ang singil sa internal wallet na $1.00 o 1% ay naitatag dahil sa dami ng trade sa labas ng escrow sa aming platform. Ang mga off-escrow trade ay mga trade na isinagawa nang walang pahintulot namin dahil nangyayari ang mga iyon sa aming regular na proseso ng trade. Ang bayad na ito ay ginagawa upang maiwasan na abusuhin ng ilan sa mga user ang aming Termino ng Serbisyo.