Ang beripikasyon ng email ay mahalagang proseso para simulan ang pakikipagtrade sa Paxful. Nagdaragdag din ito ng layer ng seguridad sa account mo para sa i-restore o i-unlock ang account mo kung kinakailangan. Narito ang sunod-sunod na patnubay kung paano matagumpay na beberipikahin ang email mo.
-
Mag-login sa Paxful account mo, i-hover sa ibabaw ng username sa kanang tuktok ng page at pindutin ang Settings mula sa context menu na lumilitaw.
Ang page ng Settings ay lilitaw.
-
Sa ilalim ng beripikahin ang email address pindutin ang Ipadalang muli ang email.
Ang email ng beripikasyon ay ipapadala sa rehistradong email address mo. - Buksan ang email sa inbox mo na natanggap mula sa help@paxful.com, at pindutin ang Kumpirmahin ang Email. Ang email address mo ay matagumpay na beripikado.
Tandaan:
- Maaari kang humiling ng bagong email ng kumpirmasyon isang beses lang kada 20 minuto.
- Kung hindi mo makita ang email namin sa regular inbox mo, tingnan ang iyong Spam o Junk email folder din.
- Ang iyong email ay beripikado, maaari mong itakda ang custom username sa iyong Account settings. NB! Maari itong isagawa nang minsan lang!
Pagkatapos mong ma-verify ang email mo, nirerekomenda din namin sa iyo na beripikahin ang numero ng telepono mo at itakda ang two-factor authentication para sa account mo.