Potensiyal na mga panganib kapag nagkikipagtrade ng cryptocurrency

Tulad ng iba pang uri ng pamumuhunan, may mga panganib na sangkot sa pakikipagtrade ng mga bitcoin sa Paxful.

Dapat lagi mong isaalang-alang na protektahan ang iyong puhunan at kabilang sa bahagi ng pagprotekta nito ang pagiging pamilyar ang sarili mo sa lahat ng panganib na nagmula rito. Kung pamilyar ang sarili mo sa lahat ng panganib na ito, inilalagay mo ang sarili mo sa mas magandang posisyon ng paggawa ng magandang kita sa Paxful.

Mga paganib ng pagbili ng mga bitcoin sa Paxful

Kung bago ka, ang ilan sa hindi tapat na user ay maaaring gumamit ng kanilang panlalamang. Narito ang ilang paraan na maaari nilang tangkaing kunin sa iyo:

Hinihiling sa iyo ng mga vendor na kanselahin ang trade pagkatapos mo itong mabayaran

Kabilang sa karaniwang taktikang ginagamit ng mga scammer ang pagkansela ng trade pagkatapos mong magbayad. Kung gumagamit ka ng gift card at in-upload mo ang lahat ng mga detalye ng gift card, kung gayon ay inilalagay mo sa panganib ang sarili mo sa pagbibigay sa kanila ng mga detalyeng iyong nang libre. Uubusin nila ang halaga ng card na iyon at kapag kinansela ito, ang bitcoin ay ilalabas mula sa escrow at babalik sa vendor.

Kapag hiniling ng vendor na kanselahin mo pagkatapos mong magbayad, tanggihan iyon. Pindutin bilang “Markado bilang Bayad na” at magbukas ng dispute. Ang mga tagapamagitan ay mag-iimbestiga sa trade at ibibigay ang mga barya sa sinumang may karapatan dito. Maging handa sa pagbibigay ng karagdagang patunay sakaling kailangan ng mga tagapamagitan ang higit pa. Kapag hindi mo pinindot ang “Markado bilang Bayad na”, mapapaso ang trade at ang barya ay lalabas mula sa escrow pabalik sa vendor. Isa pang tip para maiiwas ang sarili mo para manakaw ang card ay tiyakin na naroroon ang vendor bago i-upload ang anumang mga dokumento at gumawa ng anumang mga pagbabayad.

Tandaan na ang pagbroker ng mga gift card ay labag sa Mga Terimo ng Serbisyo ng Paxful at mahigpit na ipinagbabawal. Tiyakin na bumili ka ng mga gift card mula sa tindahan at ikaw ang orihinal na may-ari ng mga gift card. Kapag natanggap mo ang card bilang regalo, dapat mong makausap ang nagreregalo sa anumang oras at humingi ng resibo at karagdagang impormasyon kung kinakailangan. 

Pakikipagtrade sa labas ng escrow

Maraming scammer ang magtatangkang dalhin ka sa pakikipagtrade sa labas ng escrow ng Paxful. Hihingin nila sa iyo ang mga detalye ng kontak at susubukang makipag-usap. Kapag nakipagtrade ka sa labas ng escrow, walang paraan para maprotektahan ka. Kapag nakabayad ka na, wala nang garantiya na ipapadala sa iyo ng nagbebenta ang mga bitcoin. Ang escrow system ng Paxful ay nariyan para protektahan ang bumibili at ang nagbebenta.

Mga panganib ng pagbebenta ng mga bitcoin sa Paxful

Tulad ng pagbili ng mga bitcoin, may ilang panganib din na kailangan mong tingnan pagdating sa pagbebenta ng mga bitcoin sa Paxful. Ang pagiging pamilyar sa sarili mo sa mga panganib na ito ay makatutulong sa iyo ay magpapahusay sa mga alok na nagawa mo.

Naibababalik na mga paraan ng pagbabayad

Mahalagang malaman na ang ilan sa paraan ng pagbabayad sa Paxful ay maibabalik (tulad ng Paypal o mga credit card). Isa sa karaniwang taktika na ginagamit ng mga scammer ay gawin ang mga trade gamit ang mga paraan ng pagbabayad na ito at pagkatapos ay humiling ng pagbabalik ng bayad. Halimbawa, sasabihin nila sa kanilang credit company na hindi sila ang gumawa ng ganoong transaksyon. Sa kaso ng PayPal, sasabihin nila na hindi nila natanggap ang kalakal. Karaniwang pumapanig muna ang Paypal sa bumibili, pero pwede kang magsumite ng ebidensya at umaasahng maibabalik nila ang pera mo.

Kung gayon ano ang gagawin mo kapag nakuha mo ang chargeback? Ang unang hakbang ay magpunta sa iyong vendor dashboard at pindutin ang tingnan ang mga nakaraang grado. Pindutin ang trade kung saan mo nakuha ang chargeback at dapat mong makita ang trade page. I-scroll pababa at sa ilalim ng mga tagubilin, dapat mong makita ang resibo ng trade.

Mga gift card na nabawi mo na

Isa pa itong karaniwang paraan na ginagamit ng mga scammer. Ang mga bumibili ay magdaragdag ng mga detalye ng gift card at larawan na maaaring nagamit na.

Mahalagang HINDI mo ilabas ang bitcoin bago mo tingnan ang balanse ng gift card. Seguruhing bawiin ito at ilagay ito sa account mo bago mo ilabas ang mga bitcoin. Huwag tangkaing maghintay nang matagal dahil baka subukang ibenta ang card ng nagbebenta sa ibang vendor nang magkasabay. Karaniwang tatangkain ng mga scammer na pagmadaliin ka sa pamamagitan ng pagsasabi na nagmamadali sila at hihilingin sa iyo na ilabas agad ang mga bitcoin. Tandaan na huwag mahulog doon at seguruhin na ilabas LANG ang mga bitcoin kung sigurado ka nang may balanse ang gift card.

Paggamit ng pekeng ID o ninakaw na credit card

Madalas ikinukubli ng mga kumpanya ng credit card ang kanilang mga user mula sa panlilinlang. Sa kaso ng nanakaw na card, madalas nilang nirerefund at ibinabalik ang gastos ng mga transaksyon. Kaya mahalagang alamin ang pagkakakilanlan ng mga user at humingi ng selfie para makita kung tugma ang dalawa. Mag-ingat sa malalabong litrato kung saan ang mukha at mga pangalan ay hindi nakikita. Kung talagang gustong bumili ng user ng bitcoin, dapat kaya nilang magbigay ng desenteng litrato. Kahit na tumanggi ang ilan na magbigay ng ID dahil sensitibong impormasyon ito, ikaw ang magpapasya kung ano ang tatanggapin apra sa trade pero tandaan na mas marami kang ebidensya, mas marami kang kalamangan laban sa scammer.

Ang user ay “lubhang abala”

Ang user na “napaka abala” ay karaniwang banta ng panganib kapag nakikipagtrade ka sa Paxful. Katulad ng binanggit noong una, ang ilan sa mga user ay maaaring magmadali sa paglalabas agad ng mga bitcoin, na sinasabi sa iyo na ang pagbabayad ay naisagawa na o ginagawa nila ang kasalukuyang proseso ng paggawa nito. Ang nangyayari ay nakakakuha ang buyer ng mga bitcoin, ipinadadal ang mga iyon sa ibang wallet (sa labas ng Paxful), at walang balak magbayad. Maging NAPAKA ingat sa mga user na nagsasabing napaka abala nila. Hindi naman laging scammer ang isang user, pero huwag magpakakampante sa lahat ng oras. Ang parehong partido ng bumibili at nagbebenta ay dapat sumunod sa mga tagubilin ng trade at tapusin ang trade kung ang lahat ng kundisyong napagkasunduan ay natugunan.

Mga artikulo sa seksyong ito

Makakita ng higit pa