Pagbili ng mga bitcoin gamit ang bank transfer

Ang mga bank transfer ay popular na paraan ng pagbabayad ng Paxful. Ipapakita ng artikulong ito kung gaano kadaling bumili ng mga bitcoin gamit ang mga bank transfer.

Bago ang pakikipagtrade

Bago ka magsimulang bumili ng bitcoin gamit ang mga bank transfer, tiyakin na may bank account kang nakatakda at handang gumawa ng mga transaksyon. Alamin kung mayroon kang limitasyon sa transaksyon o mga pagbabawal sa heograpikal na itinakda sa bank account mo. Gayundin, isaalang-alang ang paggamit ng bangko na madaling magbigay ng patunay ng mga transaksyon gamit ang laaht ng mga detalyeng makikita sa isang pahina o pdf file.

Ang mga kinakailangang detalye ay:

  • Pangalan at apelyido ng may-ari ng account:
  • Pangalan at logo ang bangko:
  • Petsa ng transaksyon, oras at status.
  • Numero ng account at buong pangalan ng tumatanggap.

Pakikipagtrade

Naghahanap ng alok

Ang unang hakbang para bumili ng mga bitcoin gamit ang mga bank transfer ay maghanap ng alok na tumatanggap ng mga bank transfer bilang pagbabayad. Kailangan mo ring ilagay ang halaga na gusto mong bilhin at ang currency na napili mo.

Pagkatapos mong makahanap ng angkop na alok, tiyaking nabasa mo ang mga termino ng alok bago buksan ang trade. Ipapakita nito ang maikling buod kung ano ang hinihingi ng seller mula sa iyo may kinalaman sa pagbabayad.

Sa oras na makapagsimula ka na sa trade, lilitaw ang mas detalyadong pangkat ng mga tagubilin sa trade chat. Ang mga ito ay tinatawag na mga tagubilin ng trade. Sa ilang kaso, may mga impormasyon na ng bangko ang mga seller sa mga tagubilin ng alok pero kung wala, huwag mag-atubiling humingi sa kanila ng kanilang impormasyon ng bangko.

Gumagawa ng alok

Para bumili ng bitcoin gamit ang mga bank transfer, maaari ka rin na lumikha ng sarili mong alok.
Narito ang dalawang tips para sa alok mo sa bank transfer:

  • Magtakda ng margin na sa tingin mo ay kikita dahil walang pinapayagang mga negosyasyon sa oras ng trade.
  • Sumulat ng malinaw na alok ng mga termino at mga tagubilin.
  • Linawin kung sino ang magbabayad sa padala kung mayroon man.

Pagkatapos lumikha at maglathala ng personalisado mong alok, hintayin ang seller na simulan ang trade sa iyo. Sa oras na masimulan na ang trade, makakatanggap ka ng notipikasyon. Huwag mag-atubiling talayakin ang lahat ng kinakailangang mga detalye sa kasosyo mo sa trade at ilipat ang mga pondo sa account na ibinigay.

Pagkumpleto ng trade

Sa oras na mabayaran mo na ang seller at ma-upload ang patunay ng iyong pagbabayad, pindutin ang Bayad na. Ang bayad mo ay hindi makukumpirma maliban kung pindutin mo ang Bayad na at kapag nakalimutan mong gawin iyon, ang trade ay mawawalan ng bisa sa susunod at ang mga bitcoin ay babalik mula sa trade escrow sa seller.

Ang huling hakbang ay kumpirmahin ang pagbabayad ng seller. Maging mapaghintay dahil tatagal ito ng ilang sandali. Sa oras na makumpirma na ng seller ang bayad, ilalabas nila ang bitcoin sa iyo at makukumpleto ang trade.

Pagkatapos ng trade

Kapag nakumpleto na ang trade, maaari kang mag-iwan ng angkop na feedback sa kasosyo mo sa trade. Gayundin, kung gusto mong makipagtrade sa user, maaari mong idagdag sila sa listahan ng iyong mapagkakatiwalaan

Narito ang higit pa tips kung paano bumili ng mga bitcoin on Paxful.

 

Mga artikulo sa seksyong ito

Makakita ng higit pa