Pagbebenta ng mga bitcoin

Ang pagbebenta ng bitcoin ay lubhang nakakatuwa at napakasaya namin na ginagawa mo ang iyong paglalakbay kasama kami.

Bago ka makapagbenta, dapat ka munang gumawa ng account sa Paxful. Binibigay ng Paxful sa lahat ng aming mga user ang libreng Bitcoin wallet sa oras ng pagsign up. Sa oras na makapagsign up ka, itatalaga sa iyo ang a wallet awtomatiko. At sa wakas, tingnan ang kung paano ideposito ang mga bitcoin sa Paxful wallet mo.

Ang gabay na ito ay makakatulong para humanap ng umiiral na mga alok para magbenta ng bitcoin. Kung gusto mong lumikha ng sarili mong alok, tingnan ang aming artikulo sa paggawa ng mga alok

Video

Hakbang 1 Pagtatakda ng mga kinakailangan sa paghahanap

Hakbang 2 Paghahanap ng alok

Hakbang 3 Trading

Video

Narito ang maikling video kung paano agad makapagbebenta ng mga bitcoin:

Hakbang 1 Pagtatakda ng mga kinakailangan sa paghahanap

1. Maglogin sa iyong Paxful account at pindutin ang Magbenta ng Bitcoin.Selling1.png

Ang Magbenta ng bitcoin na page ay lilitaw.

2. Pindutin ang Ipakita Lahat o Anumang paraan ng pagbabayad na field at pumili ng iyong napiling paraan ng pagbabayad para magbenta ng bitcoin sa dialog box na lilitaw.

Bilang kahalili, pindutin ang TINGNAN ANG LAHAT NG ALOK PARA SA LAHAT NG OPSYON NG PAGBABAYAD para makita ang listahan ng lahat ng availablee na mga paraan ng pagbabayad.

3. Pindutin ang Anumang currency at piliin ang currency mo mula sa listahan. Ilagay ang halaga na gusto mong itrade sa Halaga na field.

Maaari mong iwang bakante ang Halaga na field kung wala kang tiyak na anumang naisip na halaga.

4. Piliin ang bansa mo mula sa Lokasyon na listahan.

5. Pindutin ang MAGHANAP NG MGA ALOK. Ang listahan ng alok ay i-u-update ayon sa iyong mga kahilingan ng paghahanap.

selling2.png

Hakbang 2 Paghahanap ng alok

1. Magbrowse sa pamamagitan ng listahan ng mga alok.

Ang listahan ay magsisimula sa mga alok na may:

  • Mga buyer na may pinakamagandang marka at reputasyon.
  • Mga buyer na may pinaka-aktibo sa platform at handa para sa agarang trade.
  • Ang pinaka kumikitang mga diskuwento o margin.

Tingnan ang mga tag at label para sa karagdagang impormasyon tungkol sa alok. Kapag nahanap mo ang alok na gusto mo, pindutin ang Sell.

Selling3.png

Tandaan: Hindi pa nasisimulan ang iyong trade, sa puntong ito.

Ang Alok na page ay lilitaw.

Pag-aralan ang lahat ng detalye ng alok tulad ng:

  • Mga limit sa pagbebenta — ay ang halagang inalok nang hindi napakababa o hindi napakataas?
  • Rate ng buyer — mukha bang kikita ka dito?
  • Mga termino ng alok — ay ang hinihiling na karagdagang mga dokumento o pagkakaroon ng espesipikong kahilingan bilang bahagi ng pamamaraan ng trade?
  • Singil ng Paxful — ang singil na ito ay depende sa paraan ng pagbabayad na napili mo.

Selling4.png

2. Ilagay ang halaga na handa kang itrade sa Fiat currency field o BTC field. Pindutin ang MAGBENTA NGAYON.

Selling5.png

3. Sa dialog box na lilitaw, pindutin ang Nauunawaan ko ang panganib, magpatuloy para magbenta ng bitcoin.

4. Ang bagong dialog box ng pag-iingat ay lilitaw. Kumpirmahin ang babala ng pagbabasa sa pamamagitan ng pagpindot sa Maingat kong nabasa ang babalang ito at tinatanggap ang panganib.

Ang Trade chat na page ay lilitaw.

Tandaan:

  • Kapag nagsimula ang trade, ang bitcoin rate ay hindi mababago a hindi tataas.
  • Ang mga bitcoin ay ililipat mula sa iyong personal na wallet ng Paxful para sa ligtas na escrow ng trade.

Hakbang 3 Trading

1. Talakayin ang kinakailangang mga detalye sa kasosyo mo gamit ang aming trade chat at maingat na sundin ang mga tagubilin.

Selling6.png

2. Sa oras na makapagbayad na ang kasosyo sa trade, pindutin ang Pakawalan ang bitcoin.

Selling8.png

Suriing mabuti kung tama ang halagang ipinadala sa iyo. Kumpirmahin ang pagpapadala ng BTC sa bumibili sa pamamagitan ng pagpindot saIlabas ang bitcoin sa dialog box na lilitaw.

Selling9.png

Tandaan:

  • Tanging buyer lang ang pwedeng magkansela ng trade.
  • Sakaling may anumang problema o hindi pagkakasundo, pindutin ang Dispute para imbitahan ang aming mga moderator para imbestigahan ang kaso.
  • Maaari mong pindutin ang Ireport ang problema para maghain ng report.
  • Kapag napaso ang trade, maaari mong buksan itong muli sa pamamagitan ng pagpindot sa Buksan muli ang escrow.

Inilalabas mo ang BTC mula sa trade escrow patungo sa Paxful wallet ng buyer. Ang trade ay matagumpay na makukumpleto.

Tip:

  • Pagkatapos ng trade, isaalang-alang ang pag-iwan ng feedback sa kasosyo mo sa trade. Makatutulong ito sa ibang mga trade na maunawaan kung sino ang kausap nila.
  • Kung kailangan mo ng resibo sa paxful ng transaksyon ng BTC, pindutin ang Pampublikong resibo sa ilalim ng page.

Babala: Kung ang bansa mo ay nasa OFAC grey list, ang pagbebenta ng mga bitcoin ay hihiling sa iyo na beripikahin ang ID mo.

Selling10.png

Pindutin ang aming tips sa pagbebenta ng bitcoin para sa higit na impormasyon. Sakaling gusto mong bumili ng mga bitcoin, tingnan ang sumusunod na patnubay.

Mga artikulo sa seksyong ito