Tips sa pag-iingat

Ang Paxful ay nag-aalok ng mahigit 300 na paraan ng pagbabayad para bumili at magbenta ng bitcoin. Ang ilan sa mga paraan ng pagbabayad na ito ay nangangailangan ng karagdagang pag-iingat. Bilang seller, dapat mong malaman na ang mga espesipikong ito para dagdagan ang kaligtasan ng iyong bitcoin at magkaroon ng pangkalahatang kanais-nais na karanasan sa Paxful.

Mga Cash na Pagbabayad

  • Tiyakin na nagdeposito ng cash ang buyer sa pangalan mo, at humingi ng resibo. 
  • Tiyakin na nakikipagtrade ka sa aktuwal na tao na gumagawa ng deposito. Iwasan ang pakikipagdeal sa mga ikatlong partido sa ganitong mga sitwasyon.

Mga Online Wallet

  • Tiyakin na ang account ng buyer ay beripikado sa wallet service provider (lalo na ang beripikadong PayPal account).
  • Humingi ng ID ng bumibili. Tiyakin na ang buong pangalan ng user ay tugma sa parehong ID nila gayundin sa kanilang online wallet account.
  • Tiyakin na nakikipagtrade ka sa may-ari ng account at walang mga third party ang sangkot.
  • Para sa karagdagang pag-iingat, maaari kang humingi sa buyer na isulat sa isang piraso ng papel ang kumpirmasyon ng pagbili ng mga bitcoin kasama ang trade ID kabilang ang halaga ng trade at kunan ito ng litrato. Sa kaso ng chargeback, maaari mong ipakita ang litratong ito bilang ebidensya.
  • Mga epesipikong tips ng Paypal:
    • Humingi ng Selfie kasama ang ID at note na nagsasabing “Gumagawa ako ng pagbabayad ng x.xx sa email address + tunay na pangalan.
    • Tiyakin na ang tao ay may sapat na balanse sa kanilang account at nagbabayad sila nang direkta mula sa kanilang account. Kapag nagbayad sila sa pamamagitan ng card, ang chargeback ay mas hindi mangyayari. Manatili sa mas mababang halaga at limitahan ang mga bagong buyer sa isang trade kada araw/linggo para limitahan ang mga panganib ng chargeback.
    • Tumanggap lang ng mga bayad mula sa beripikadong mga PayPal account para tiyakin na mayroon silang bank account na nakalink dito. Makatutulong ito sakaling may mga chargeback dahil ang PayPal ay magkakaroon ng impormasyon tungkol sa mga user na iyon.
    • Tiyakin na ang bayad ay mula sa isahang transaksyon mula sa may-ari ng Paypal account.
    • Piliin ang mga pagbabayad bilang “Mga Kaibigan at Pamilya”.

Mga Debit/Credit Card

  • Ang pamamaraan na ito ay kasing peligro ng mga online wallet dahil madali mo itong mababawi. Gamitin ang parehong mga pag-iingat para sa mga online wallet.

Mga Gift Card

  • Para maiwasan ang pag-deactivate ng gift card, humingi ng resibo at tiyakin na ang gift card ay binili nang cash.
  • Mag-ingat sa mga reseller ng card. Kapag ang card ay nakuha mula sa mga third party may panganib na maging imbalido ang card sa oras o pagkatapos ng trade. Hilingin sa lahat na magbigay ng litrato kasama ang iyong username at trade ID.
  • Mag-ingat kapag tumanggap ng mga e-code o gift card na binili gamit ang mga debit/credit card dahil anumang debit/credit card na pamimili ay maaaring bawiin.

Narito ang ilan sa karagdagang impormasyon tungkol sa aming mga tuntunin ng pagbebenta ng bitcoin. Gayundin, tingnan ang aming mga patnubay sa pagbebenta ng bitcoin at na lumilikha ng alok sa pagbebenta ng bitcoin.

 

Mga artikulo sa seksyong ito