Ano ang gagawin kung may isang taong nag-login sa account ko?

Kung sa tingin mo ay may taong nakakuha ng access sa account mo o pinaghihinalaan mong nakompromiso ang mga detalye ng sa paglogin mo, kung gayon ay dapat mong ayusin ang ilang bagay bago kontakin ang suporta. Ang pagpapagana sa 2-Factor Authentication ay magandang paraan para maiwasang mangyari. Pero, sakaling pumalya iyon, narito ang dapat mong gawin:

Kapag may isang taong nag-login sa account mo pero may access ka pa rin dito.

Gawin ang sumusunod:

    1. Karaniwan, sa tuwing may bago o hindi inaasahang paglogin sa account mo, agad namin kayong inaabisuhan sa pamamagitan ng email na may link para ireport na i-lock ang account mo kung naghihinala ka nang panghihimasok. Kaya, pindutin lang ang link sa email. Ang account mo ay agad malo-lock at lahat ng sesyon ay tatapusin. Mas mabilis kang umaksyon, mas mataas ang mga tsansa ng pagsave ng BTC mo. Sunod, kontakin ang suporta para ibalik ang access sa account mo. Pagkatapos, gawin ang mga hakbang para protektahan ang account mo
    2. Bilang kahalili, habang naka-login sa account mo, magpatuloy lang sa sumusunod na mga hakbang.

Mga hakbang para protektahan ang account mo:

  1. Palitan ang password mo sa isang bagay na ligtas (ang password na HINDI MO PA NAGAMIT sa ibang mga site o email). Subukang gumawa ng password mo na mahirap hangga't maaari, pero madali ring tandaan.
  2. Suriin para tiyakin na wala sa mga ibang settings mo tulad ng email o numero mo ng telepono ang nabago. Kapag nabago ang mga iyon sa mga bagay na hindi mo nakikilala, palitan uli ang mga iyon.
  3. Magpunta sa mga aktibo mong seksyon (Settings > Security > Mga Aktibong Sesyon) at maglog out sa lahat ng sesyon sa pamamagitan ng pagpindot sa Isara na icon kasunod ng mga iyon.
  4. Mag-log out sa account mo.
  5. Mag-log in muli gamit ang bago mong password.
  6. I-download ang Google Authenticator(iPhone/Android) o Authy (Mac/Windows).
  7. Buksan ang 2FA sa Paxful at i-scan ang code gamit ang telepono mo. Tandaang buksan ang 2FA sa PAREHONG login at ang pagpapadala nito ay mas titiyak sa mga transaksyon mo. Nirerekomenda namin ang paggamit ng Google Authenticator o Authy sa SMS 2FA dahil mas ligtas ito. Buksan lang ang app at kunin ang code sa tuwing gustong mong maglogin o magpadala ng bitcoin.
  8. Itakda ang mga tanong mo sa seguridad at isulat ang mga iyon sa isang lugar. Kakailanganin mo ang mga iyon sakaling mawala ang telepono mo at kailangang i-reset ang 2FA mo.

Tandaan:

  • Kapag masusubaybayan ng support team ang hacker at mababawi ang alinmang pondo, kokontakin ka namin. Ang mga hacker ay madalas napagtatakpang mabuti ang kanilang mga aksyon at hindi posibleng masubaybayan sila para maibalik ang mga transaksyon sa Bitcoin.
  • Ipinapayo na palitan mo ang mga password mo sa alinmang ibang mga ccount na mayroon ka online dahil ang mga hacker ay karaniwang nakakakuha ng access sa pamamagitan ng pagkuha ng email mo o ibang mga account.

Kung hindi ka makapaglogin sa account mo:

  1. Kontakin ang Suporta at ibigay ang lahat ng impormasyong kailangan ng aming mga suportang agent. Sa oras na maberipika na ikaw ay may-ari ng account, abisuhan ang suporta na kailangan mong I-LOCK ANG ACCOUNT. Titingnan ng Support Team kung may sapat na data para patunayan na hindi ka hacker (at susubukang bigyan ka ng access sa sarili mong account). Sa oras na maberipika na ikaw ay biktima at tunay na may-ari ng account, ang access mo sa account ay ibabalik.
  2. Sa oras na makapaglogin in, seguruhin agad ang account mo.

Paano nangyari ito at paano ko maiiwasang mangyari itong muli?

Para maiwasang mangyari itong muli, minumungkahi namin na huwag mong gamitin ng parehong password sa lahat ng website at gumagana ang iyong 2FA na may Google Authenticator.

Sa Paxful, patuloy naming pinaghuhusay ang proseso ng seguridad upang panatilihing ligtas ang inyong mga pondo hangga't maaari.

Kaya saan napunta ang mga bitcoin?

  • Tingnan ang aktibidad ng account mo para makita kung sino ang nag-login sa account mo. Tandaan ang kanilang IP address.
  • Tingnan ang wallet ledger mo para makita ang adres ng bitcoin kung saan nila pinadala ang mga barya mo.

Gamit a ng Bitcoin address at ang IP address ng magnanakaw, mayroon kang ilang impormasyon subalit madalas ay imposibleng masubaybayan ang mga iyon. Ang support team namin ay walang mga resource para makatulong sa iyo na imbestigahan ang higit pa dahil ang mga hacker ay madalas gumagamit ng mga VPN at dahil na rin sa pangkalahatang pagka-hindinakikilala ng Bitcoin. Halos imposibleng masubaybayan sila, kaya gawin ang buong makakaya mo upang gawing ligtas ang account mo hangga't maaari.

Mga artikulo sa seksyong ito