Pagbili ng mga bitcoin gamit ang mga digital currency (mga altcoin)

Posible bang bumili ng mga bitcoin gamit ang mga digital na currency (altcoins) sa Paxful. Bibigyan ka ng buod ng article na ito kung paano bumili ng mga bitcoin gamit ang alinman sa mga suportadong digital na currency.

Bago makipagtrade

Bago bumili ng bitcoin gamit ang mga digital na currency, siguraduhin na may sapat kang mga coin sa wallet mo. Gayundin, siguraduhing napag-aralan mo ang lahat ng mga detalye na may kaugnayan sa cryptocurrency na iyong pinili at alamin ang anumang posibleng mga limitasyon o katangian ng transaksyon.

Trading

Naghahanap ng alok

Ang unang hakbang para bumili ng mga bitcoin gamit ang mga digital na currency ay tingnan ang alok na tumatanggap ng tiyak na cryptocurrency na hinahanap mo. Kailangan mo ring ilagay ang halaga na gusto mong bilhin at ang mas gusto mong currency.

Tandaan: Kailangan mo paring piliin ang fiat currency dahil gagamitin ito bilang sanggunian sa presyo ng merkado ng bitcoin. Gayunpaman, ipinapayong piliin ang USD dahil ang pambuong mundong presyo ng bitcoin ay itinakda sa currency na ito.

Pagkatapos mong mahanap ang alok na bagay sa iyo, siguraduhing basahin ang mga termino ng alok bago buksan ang trade. Ipapakita nito sa iyo ang maikling buod kung ano ang hihingin ng seller sa iyo na may kaugnayan sa pagbabayad. 

Sa sandaling simulan mo ang trade, lilitaw ang mas detalyadong hanay ng mga tagubilin. Ang mga ito ay tinatawag na mga tagubilin sa trade. Mag-iiba ang hihingin ng seller sa iyo depende kung anong tiyak na pagbabayad ang gagamitin mo.

Tandaan: May pananagutan ang seller na bigyan ka ng tamang address ng wallet. Huwag magmadali sa pakikipagtransaksyon sa halip tiyakin sa seller kung ang address ng wallet ay pinal at 100% na tama.

Gumagawa ng alok

Para bumili ng bitcoin gamit ang mga digital na currency, maaari ka ring gumawa ng sarili mong alok.
Narito ang dalawang tips para sa alok mo:

  • Magtakda ng margin na sa tingin mo ay kikita dahil walang pinapayagang mga negosyasyon sa oras ng trade.
  • Sumulat ng malinaw na mga termino at mga tagubilin ng alok.
  • Linawin kung sino ang sasagot sa bayad sa transaksyon kung mayroon.

Pagkatapos gumawa at maglathala ng naka-personalize mong alok, kailangan mong antayin ang seller na simulan ang pakikipagtrade sa iyo. Sa oras na makapagsimula ka na sa trade, makakatanggap ka ng notipikasyon. Huwag mag-atubiling talakayin ang lahat ng kinakailangang mga detalye sa kasosyo mo sa trade at ipadala ang pondo sa address ng wallet na ibinigay.

Pagkumpleto ng trade

Sa oras na mabayaran mo na ang seller at ma-upload ang patunay ng bayad mo, (numero ng transaksyon) pindutin ang Bayad na. Kung hindi mo ito pipindutin, ang trade sa kalaunan ay matatapos at ang mga bitcoin ay babalik sa trade escrow patungo sa seller.

Ang huling hakbang ay kumpirmahin ng seller ang bayad. Maging mapagpasensya dahil maaari itong tumagal. Sa oras na makumpirma na ng seller ang bayad, dapat silang maglabas ng mga bitcoin sa iyo at kumpletuhin ang trade.

Pagkatapos ng trade

Sa oras na makumpleto na ang trade, maaari kang mag-iwan ng angkop na tugon para sa kasosyo mo sa trade. Gayundin, kung gusto mong makipagtrade sa user, maaari mo silang idagdag sa listahan ng mapagkakatiwalaan

Narito ang ilan sa mga tip kung paano bumili ng mga bitcoin sa Paxful.

 

Mga artikulo sa seksyong ito

Makakita ng higit pa