Tips para sa pagbili ng mga bitcoin

Ang pagbili ng bitcoin ay magiging mahirap sa una pero may ilang tips na tutulong sai yo sa ligtas at madaling pagbili ng bitcoin.

Para magsimula, narito ang dalawang tips na dapat isaalang-alang:

1. Ang minimum na halaga ng trade sa Paxful.

Kung bumibili ka ng bitcoin, ang kasalukuyang minimum ay 10 USD o ang katumbas nito sa ibang mga currency. If nagbebenta ka, ang pinakamababa ay 0.001 BTC.

2. Ang reputasyon at aktibidad ng seller.

Ipinapakita ang reputasyon ng seller sa berde na may + sa unahan nito. Halimbawa, ang +1305/ -1 ay nangangahulugan na ang user ay may 1305 na magagandang feedback score mula sa mga buyer at 1 lang na negatibong feedback.
Bigyang-pansin ang bawat uri ng feedback: positibo, neutral at negatibo.
Halimbawa, sa kabila ng pagkakaroon ng higit sa 10,000 positibong feedback score at 1000 negatibong feedback, dapat ka pa ring mag-ingat sa gayong user. Bigyang-pansin ang porsiyento ng negatibong feedback kaugnay ng mga negatibo at positibo. Gayundin, huwag kalimutang tingnan kung gaano na katagal ang user sa aming platform.
Mas mainam din kung is beripikado ang ID ng seller. Nangangahulugan iyon na nasuri namin ang kanyang dokumento at background.
Bilang karagdagan, tingnan kung kailan huling nakitang online ang seller sa Paxful. Makakatulong ito upang masiguro na magkakaroon ka ng mabilis na trade nang walang anumang pagkaantala mula sa panig ng seller.
Pindutin ang username ng seller para buksan ang kanilang profile para sa higit na impormasyon sa kanilang background.
reputation.png
verified.png

3. Laging basahin ang mga termino ng alok bago ka magsimula sa trade.

Dapat banggitin ng mga nagbebenta kung ano ang kanilang inaasahan at ano ang kailangan mong ibigay. Halimbawa, para sa mga gift card, maraming seller ang nangangailangan ng resibo na nagpapakitang ang gift card na iyon ay ligal na binili at para patunayan na talagang may-ari ka ng mga gift card. Kapag hiningi ang impormasyong ito at hindi mo naibigay, kung gayon ay mas makabubuting hindi magpatuloy sa trade. Kung kaya mong ibigay ang lahat ng kinakailangan, kung gayon ay tiyakin na lahat ay handa para makapagsimula ka na sa trade.

4. Alamin ang presyo.

Ang presyo ng bitcoin Paxful ay hindi kailanman katumbas sa opisyal na presyo sa merkado dahil ang mga nagbebenta ay sumisingil ng bayad para ikumberto ang fiat currency sa bitcoin. Ang presyo ng bayad ay iba't iba sa mga nagbebenta at depende kung kanino ka bibili. Kaya humanap ng mga magagandang alok. Ang page ng alok ay laging isinasama ang rate ng bawat nagbebenta. Pinaka magiging interesado ka kung magkano ang makukuha mo sa dolyar. Mas mataas ang numero, mas kikita ang trade para sa iyo.
price.png
Screenshot_2020-02-14_at_13.51.56.png

5. Basahin ang mga tagubilin ng seller.

Narito ang mas espesipikong mga tagubilin na ipinakikita sa iyo pagkatapos mong makapagsimula sa trade. Karaniwan silang ipinakikita sa umpisa ng trade chat. Kung sa anumang kalagayan na kailangan mo ng tulong para linawin o sundin ang tagubilin, huwag mag-atubiling magtanong sa nagbebenta sa trade chat.

6. Pindutin ang button na Bayad na kapag talagang bayad ka na.

Sa oras na mapindot mo na ang button na Bayad na, hihinto ang countdown timer at ang order ay hindi na mapapaso. Mahalaga ito dahil kung nakapagpadala ka na sa nagbebenta ng impormasyon ng bayad tulad ng code ng gift card code at ang alok ay napaso, kung gayon, ang escrow ay ilalabas at hindi ka na makakakuha ng mga bitcoin mo. Ang button na Bayad na ay nagbibigay din ng seguridad mula sa hindi tapat o malilimuting mga nagbebenta. Kapag pinindot mo ang button na Bayad naat hindi ka pa nakakapagbayad, baka isipin ng nagbebenta na isa kang coin-locker o isang tao na sinusubukang mang-scam sa kanila. Siguruhing pindutin lang ang button sa oras na bayad ka na para maiwasan ang mga kaguluhan.

7. Ang pag-broker ng mga code ng gift card ay mahigpit na ipinagbabawal sa Paxful.

Ang pag-broker ay kapag bumibili ka ng code ng gift card mula sa isang tao, na iniisip na maibebenta mo ito sa susunod sa iba. Kahit na tiningnan mo ang code nang bilhin mo ito, maaaring gamitin ng tanong nagbenta ng code sa iyo anumang oras nang hindi mo nalalaman, at ito ang dahilan kung bakit labag ito sa TMga Termino ng Serbisyo ng Paxful. Kung sinusubukan mong magbigay sa mga nagbebenta ng mga nagamit nang code, magrereport at maba-ban ka sa pakikipagtrade sa Paxful dahil hindi lang nito sinasayang ang sarili mong oras kundi gayundin sa iba. Tandaan na gamitin lang ang mga gift card na ikaw mismo ang bumili.

8. Ang aggamit ng mga third party para sa pagsasagawa ng mga pagbabayad ay hindi pinapayagan.

Kailangan mong maging aktuwal na nagbabayad at maging orihinal na may-ari ng isinumiteng bayad (May-ari ng gift card, credit card, bank account, ang account sa platform ng online payment). Ang pagiging middleman sa pagbabayad ng mga bitcoin ay hindi pinapayagan at maaaring ituring bilang scam.

9. Laging i-trade ang buong halaga ng gift card.

Kung mayroon kang $50 gift card, kung gayon hindi ka maaaring makipagtrade gamit ang bahagi nito (hal. Paghiling sa isang tao na kunin lang ang $33 mula sa iyong $50).Tandaan na makukuha lang ng nagbebenta ang buong halaga kaya kapag nagsimula kang mag-order ng $33 at $50 ang kinuha nya, ang tanging paraan para mabawi ang bitcoin mo ay magsimula ng bagong trade para sa sukli. Maaaring hindi matugunan ng seller ang sakop na halaga o tanggalin ng seller ang kanilang mga alok o mag-offline.

 10. Huwag hilingin sa seller na maglabas muna ng mga bitcoin.

Batayan ito ng agarang pag-ban dahil nagpapakita ito ng isang scam. Mayroon kaming serbisyo ng trade escrow kaya alam mo na ang mga bitcoin ay naroon at naghihintay sa iyo sa oras na makumpleto mo na ang bayad.

 11. Maging magalang sa mga nagbebenta.

Dumaraan sila sa maraming mahirap kausap na mga customer at ang pagiging magalang ay makatitipid ng oras. Ang pagiging magalang ay higit sa iyong lengguwahe, tungkol din sa pagsunod sa kanilang mga tagubilin. Tandaan na kung may dispute, isasaalang-alang ng tagapamagitan ang lengguwahe.

 12. Hindi Interesado? Kanselahin!

Kung hindi ka na interesado sa trade at hindi pa nababayaran ang seller, huwag mag-atubiling kanselahin ang trade. Bibitawan nito ang kanilang escrow at hahayaan silang ipagpatuloy ang pakikipagtrade sa iba na interesado. Kapag hindi mo kinansela ang trade at iniwan itong nakabinbin, kakailanganin ng seller na maghain ng dispute o iulat ka, na malamang na magresulta sa pagkakaroon mo ng negatibong feedback. Makikita mo ang lahat ng aktibo mong trade sa iyong dashboard. Pindutin ang Chat upang buksan ang trade, at pindutin ang Kanselahinupang kanselahin ang mga iyon.
Gayundin, tandaan na ang anumang negosasyon sa presyo ay mahigpit na ipinagbabawal. Kung hindi mo gusto ang alok, huwag piliting baguhin ang presyo sa kaparehong trade. Magsimula nalang ng bagong trade na may mga bagong halaga upang maiwasan ang mga kaguluhan o hindi pagkakaunawaan sa seller

Mga artikulo sa seksyong ito

Makakita ng higit pa