Pagbebenta ng mga bitcoin para sa ginto

Ang ginto ay isa sa pinakalumang kilalang mahalaga sa mundo, at ang isa na may patuloy na tumataas na halaga sa paglipas ng panahon, sa kabila ng mga pagbabago sa ekonomiya. Masaya kaming ialok sa inyo ang oportunidad sa pagbebenta ng bitcoin gamit ang ginto. Narito ang lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa pakikipagtrade gamit ang ginto.

Bago ang pakikipagtrade

Pakikipagtrade

Paghahanap ng alok

Paglikha ng alok

Pagkumpleto sa trade

Pagkatapos ng trade

Simulan ang beripikasyon ng adres at ID

Bago ang pakikipagtrade

Bago mo simulan ang pagbebenta ng bitcoin para sa ginto, tiyakin na mayroon kang paraan upang suriin ang kalidad ng ginto bago ka magbayad. Piliin mo man na ipadala sa iyo ang ginto sa pamamagitan ng koreo o ihatid sa iyo nang personal, dapat mong tiyakin ang kaunting panganib.

Huwag kang mag-atubiling humiling ng karagdagang dokumento o patunay tulad ng:

  • Patunay ng pamimili (ang resibo).
  • Sertipiko ng pagiging totoo para sa mga item na ginto.
  • Litrato ng ID ng kasosyo mo sa trade.
  • Litrato ng aktuwal na item na ginto.
  • Ang tracking number na ibinigay sa pamamagitan ng parselang serbisyo (sakaling ang ginto ay ipinadala sa iyo nang direkta).

Pakikipagtrade

Paghahanap ng alok

Ang unang hakbang para magbenta ng mga bitcoin para sa ginto ay maghanap ng alok na tumatanggap ng ganitong uri ng pagbabayad. Kailangan mo ring ilagay ang halaga ng ginto na gusto mong bilhin at ang currency na napili mo.

Pumili ng pinakamagandang rate ng bitcoin para magkaroon ng pinakamataas na kita hangga't maaari. Pagtuunan din ng pansin ang reputasyon ng iyong potensiyal na kasosyo sa trade at maingat na pumili ng lokasyon, para tiyakin na maihahatid ng kasosyo mo sa trade ang ginto sa iyo. At sa wakas, basahin ang mga termino ng alok at mga tagubilin ng tagumpay na pakikipagtrade.

Kausapin ang kasosyo mo sa trade sa trade chat. Linawin kung paano maihahatid sa iyo ang ginto at magpasya ka kung ayos lang ang produkto bago magpatuloy.

Tip:

  • Napiling mga pampublikong lugar para sa personal na pakikipagtrade.
  • Gumamit ng nasusubaybayang paraan ng pagpapadala para sa paghahatid gamit ang liham. 

Paglikha ng alok

Para magbenta ng bitcoin para sa ginto, maaari ka rin na lumikha ng sarili mong alok.
Narito ang ilang bagay na dapat tandaan:

  • Itakda ang margin na sa tingin mo ay kikita ka dahil hindi pinahihintulutan ang mga negosasyon sa oras ng trade.
  • Sumulat ng malinaw na mga termino ng alok at tagubilin.
  • Maging malinaw tungkol sa mga patunay ng pagbabayad na inaasahan mo para sa ginto na tinatanggap mo.
  • Para sa personal na mga trade, maging napakalinaw tungkol sa pakikipagkita sa lugar at paraan ng pagpapalitan.

Sa oras makagawa at mailathala mo na ang personalisado mong alok,hintayin ang buyer na simulan ang trade sa iyo. Kapag nasimulan na ang trade, makakatanggap ka ng notipikasyon. Huwag mag-atubiling talakayin ang kinakailangang mga detalye sa iyong kasosyo sa trade sa trade chat at magpatuloy sa pakikipagtrade nang alinsunod.

Pagkumpleto sa trade

Sa oras na mabayaran ka na ng buyer at namarkahan na ang trade bilang Bayad na, magkakaroon sila ng 21 araw para ihatid ang ginto sa iyo sa pamamagitan ng koreo o nang personal. Kapag hindi mo nakumpirma ang pagtanggap ng mga kalakal sa loob ng timeframe na ito ang dispute ay awtomatikong magsisimula at makikialam ang aming mga tagapamagitan para tumulong. 

Tandaan: Ang kalkulasyon na 21 araw simula sa pakikipagtrade ay markado bilang Bayad na.

Kapag natanggap mo na ang ginto, maaari mo nang ilabas ang bitcoin mula sa trade escrow. Pindutin ang button na kung sigurado ka sa pagtanggap ng bayad. Tandaan na ang mga transaksyon sa bitcoin ay final at hindi na maibabalik.

Pagkatapos ng trade

Sa oras na makumpleto na ang trade, maaari kang mag-iwan ng angkop na feedback sa iyong kasosyo sa trade. Gayundin kung gusto mong makipagtrade sa user, maaari mong idagdag sila sa iyong listahan ng mapagkakatiwalaan.

Simulan ang beripikasyon ng adres at ID

Isa pa sa mahalagang aspekto para isaalang-alang ay ang iyong beripikasyon ng ID at address. Dapat mong kumpletuhin ang iyong beripikasyon ng ID at beripikasyon ng adres para makipagtrade gamit ang ginto. Ang beripikasyong ito ay mahalaga para protektahan ang mga seller namin ng bitcoin sa anumang gawaing panlilinlang. Kaya hindi posibleng makipagtrade ng ginto o sa katulad na paraan nang hindi ganap na nabeberipika sa Paxful.

Tandaan: Ang ganap na beripikasyon ay ipinatutupad para sa mga alok at trade na magsisimula sa 50 USD.

Tingnan ang aming sunod-sunod na gabay kung paano magbenta ng bitcoin at ang aming mga tuntunin sa pagbebenta ng bitcoin.

Mga artikulo sa seksyong ito