Ano ang ibig sabihin ng "na-block ka ng user"?

Ang “mablock” sa Paxful ay hindi katapusan ng mundo.  

Kapag nakatanggap ka ng mensahe na nagsasabing may isang user na “nam-block” sa iyo, huwag masyadong mag-alala tungkol dito dahil hindi ito makakaapekto sa account mo at ang mga aksyon na magagawa mo rito. Kapag binlock ka ng user, nangangahulugan ito na hindi mo makikita ang anmang alok na ipo-post mo sa susunod. Maaaring mayroon silang sariling mga dahilan pero hindi ito makakaapekto sa katayuan mo sa Paxful at hindi ito makakaapekto sa kakayahan mong magbenta o bumili ng bitcoin. Kaya magpatuloy lang sa paggamit ng iyong account nang normal. Bilang propesyonal na tip, maaari mong subukang maging malinaw at patas hangga't kaya mo sa iyong mga kasosyo sa trade. Pero sa katapusan, tandaan na hindi ka magugustuhan ng lahat.

Mga artikulo sa seksyong ito

Makakita ng higit pa