Patnubay ng Seguridad

Ang bitcoin bilang teknolohiya ay lubhang ligtas ngunit minsan ay hindi ligtas sa paraan ng paggamit natin.

Ang mga hacker at scammer ay laging naghahanap para makuha ang mga bitcoin mo dahil ang mga paglilipat ng bitcoin ay hindi na maibabalik. Gamit ang ilang simpleng mga pag-iingat, mapananatili mong ligtas ang account at ang bitcoin mo.

Narito ang ilan sa mga paraan para maging ligtas ang account mo:

1. Magkaroon ng matatag na password.

Kapag lumilikha ng password, gamitin ang malalaki at maliliit na titik, gayundin ang mga numero at espesyal na karakter. Gayundin, gamitin ang iba't ibang password para sa iba't ibang online o social media account para ilayo ka sa sa mga hacker.

2. Huwag gumamit ng parehong password para sa email at sa Paxful account mo.

Mahalagang magkaroon ng iba't ibang password sa email mo at sa Paxful account mo. Dahil karaniwang pinupuntirya ng mga hacker ang mga email ninyo. Lahat ng mga email domain ay may iba't ibang antas ng seguridad. Sa pinakamasamang senaryo, sa oras na makakuha ng access ang mga hacker sa email mo, makaka-access sila sa mga pondo sa Paxful wallet mo.

3. Huwag kailanman ibigay ang password mo.

Sa katulad na paraan, may mga kaso na napipilitan ang mga user na ibigy ang kanilang mga password. Halimbawa, baka gayahin ng mga scammer ang mga administrator ng Paxful at hilingin sa iyo na ibahagi ang mga detalye ng account mo. Tandan na ang mga tauhan at kinatawan ng Paxful ay hindi kailanman humihingi ng password o ibang sensitibong impormasyon ng account.

Gayundin, kung napaharap ka sa dispute ng trade at hiniling sa iyo ng mga tagapamagitan na magbigay ng screenshot o video bilang patunay, tiyakin na hindi makikita ang mga password mo sa mga file na iyon.

4. I-configure ang mga tanong pangseguridad.

Ito ay mahalagang bahagi ng pagtatatag ng seguridad ng iyong account. Kailangang mong itakda ang iyong mga tanong ng seguridad sa lalong madaling panahon. Magagawa ito nang madali mula sa iyong account settings. Mahalagang alalahanin ang mga tanong pangseguridad at sagutin din ang mga iyon. Kaya pumili ng mga tanong at sagot na hindi mo kailanman malilimutan. Hindi magandang isulat ang mga iyon kahit saan dahil iyon ay kasing halaga ng mga password mo kung hindi man higit pa.

5. Paganahin ang two-factor authentication.

Ang two-factor authentication ay nagdaragdag ng karagdagang antas ng seguridad sa seguridad ng account mo.  Ang paggamit ng Authy o Google Authenticator ay nirererekomenda gamit ang SMS dahil ang mga hacker ay may taktikang tinatawag na “SIM swapping” kung saan nakukuha nila ang mga SMS message mo. Ang pagtanggap ng SMS ay depende rin sa network provider at maaaring patigil-tigil sa ilang bansa o rehiyon at sa oras ng mataas na paggamit ng cellphone. Maaari mong i-activate ang 2FA sa iyong account settings. Maaari mo ring tingnan ang mga gabay sa pagtatakda ng Authy at Google Authenticator.

6. Panatilihing ligtas ang impormasyon ng email mo.

Protektahan ang email address mo na naka-link sa Paxful account mo at huwag kailanman ibahagi ito sa isang taong hindi mo kilala, sa oras ng mga trade o sa mga pribadong chat. Maaaring puntiryahin ng mga hacker ang email mo para makuha ang account mo o personal na impormasyon.

7. Beripikahin ang account mo. 

Ang pagberipika sa numero ng telepono mo at email ay hindi lang nagpapahiwatig na ikaw ay ligtas na kasosyo sa trade kundi ang pagberipika sa account mo kasama ang higit na mga dokumento ng pagkakakilanlan ay makatutulong din na ibalik ang access sa account mo sakaling mawalan ka ng access dito.

Magagamit na mga link:
Saan beberipikahin ang telepono mo at email?
Saan beberipikahin ang ID ko?
Gabay sa beripikasyon ng telepono
Gabay ng beripikasyon ng email
Gabay ng beripikasyon ng ID
Gabay ng beripikasyon ng adres

8. Iwasan ang mga phishing scam. 

May iba't ibang paraan para subukan kang atakehin ng mga scammer: panggagaya ng mga website, pagpapadala ng mga pekeng email at SMS, pagbabahagi ng mga kahina-hinala at malisyosong link sa mga trade chat.

Kami bilang service provider ay patuloy na nagpapahusay sa aming mga antas ng seguridad. Gayunman, hindi ka namin mapoprotektahan nang walang pagsisikap mula sa iyo.

  • Laging tiyakin na sinusuri ang domain address na binibisita mo.

Tingnan ang address bar mo https://paxful.com bago ilagay ang mga detalye ng iyong account. Mahalaga ang sertipiko ng HTTPS SSL.

  • Huwag makipag-usap sa mga kahina-hinalang email. Mas makabubuting huwag buksan ang mga email na mukhang kahina-hinala para sa iyo.

Huwag mamigay ng sensitibong data o pindutin ang mga link na kahina-hinala. Para sa karagdagang impormasyon tingnan ang: Nakatanggap ako ng kahina-hinalang email. Mula ba ito sa Paxful?

  • Mag-ingat sa hindi inaasahang mga SMS message mula sa hindi pamilyar na mga nagpapadala.

Pinadadalhan ka ng Paxful ng SMS lang na may mga security code na nauugnay sa 2FA at beripikasyon ng telepono.

  • Maging maingat sa mga usapan sa trade chat.

Hindi mo dapat ibahagi ang impormasyon ng contact sa mga trade chat dahil ang mga scammer ay sumusubok na kagahin ka o ipakita sa iyo na nakipagtrade ka sa labas ng escrow. Huwag magbigay ng anumang personal na impormasyon, maliban kung malinaw na binanggit sa mga termino ng alok o mga tagubilin.

Huwag pindutin ang mga hindi kilalang link sa trade chat. Mas makabubuting lubusang iwasan ang mga trade na nangangailangan ng mga third party link.

9. Huwag subukang bumili ng Paxful account mula sa ibang tao.

Kadalasan, sinusubukan ng nagbebenta na linlangin ka at makapasok sa account mo pagkatapos mong magload ng mga barya. Bukod dito, ito ay paglabag sa Paxful Termino ng Serbisyo at ang mga account na iyon ay haharangan.

10. Pilitin ang mga device at app na mag-logout.

Ang basta lang pag-lock ng screen ng PC mo o smartphone ay hindi ligtas. Maaaring madalas mangyari na mawalan ka ng device o gamitin ang pampublikong PC na maaaring magbigay ng karagdagang mga oportunidad sa mga tao na may malisyosong layunin. Magandang kaugalian na mag-logout sa Paxful app o platform sa katapusan ng iyong sesyon, lalo na habang gumagamit ng pampublikong mga device na maaaring ma-access ng iba.

11. Panatilihing napapanahon ang browser at operating system mo.

Patuloy na nakakahanap ang mga hacker ng mga bagong paraan para magmatyag sa umiiral na mga antas ng seguridad. Kaya ang mga browser at operating system ay patuloy na pinagbubuti ng mga developer at madalas na kumukuha ng update. Kaya mahalagang i-install ang mga update na ito sa machine mo at tiyakin na laging napapahon ang browser mo. Sa katulad na paraan, huwag i-download ang kinakailangang software mula sa mga hindi mapagkakatiwalaang developer.

12. Panatilihing napapanahon ang Endpoint Security software mo. (Antivirus, antimalware, personal firewall)

Minumungkahi namin na gumamit ka ng lisensyadong mga bersyon ng security software sa mga machine mo. Tandaan na ang software na ito ay nangangailangan ng madalas na pag-update at pagmamantini.

13. Subukang iwasan ang paggamit ng mga pampublikong Wi-Fi hotspot.

Maraming pamamaraang teknikal para sa mga hacker para sa maling paggamit ng mga wi-fi hotspot. Mas makabubuting gumamit ng may kableng koneksyon o protektadong wi-fi network.

Ang mga puntong nakalista sa itaas ay ang pinakamahalaga. Gayunman, marami pang matututunan sa paksa ng online na seguridad. Basahin ang higit sa mga paksa ng online na seguridad, proteksyon ng pagkakakilanlan, at higit pa, at ipatupad ang pinakabagong rekomendasyon at pinakamahusay na mga kasanayan na makakaharap mo.

Mga artikulo sa seksyong ito