Pagbebenta ng mga bitcoin gamit ang mga digital currency

Maaaring magbenta ng mga bitcoin para sa mga digital currency (mga altcoin) sa Paxful. Ang artikulong ito ay nagbibigay sa iyo ng buod ng pagbebenta ng mga bitcoin gamit ang alinman sa suportadong mga digital currency.

Bago ang pakikipagtrade

Bago magbenta ng bitcoin para sa mga digital currency, tiyakin na mayroon kang wastong wallet address at may access ka sa service provider ng wallet. Tiyakin na pinag-aralan mo rin ang lahat ng espesipiko na nauugnay sa crytocurrency na napili mo at alamin ang anumang posibleng mga limitasyon ng transaksyon o mga espesyalidad.

Pakikipagtrade

Paghahanap ng alok

Ang unang hakbang para magbenta ng mga bitcoin gamit ang mga digital currency ay maghanap ng alok na tumatanggap ng espesipikong cryptocurrency na hinahanap mo. Kailangan mo ring ilagay ang halaga na gusto mong bilhin at ang currency na napili mo.

Tandaan: Kailangan mo ring piliin ang fiat currency dahil gagamitin ito bilang punto ng reperensiya sa presyo sa merkado ng bitcoin. Gayunman, ipinapayo na piliin ang USD dahil ang presyo ng bitcoin sa buong mundo ay itinakda sa currency na ito.  

Pagkatapos mong mahanap ang angkop na alok, tiyakin na nabasa mo ang mga termino ng alok bago magbukas ng trade. Ipapakita nito sa iyo ang maikling buod ng hinihingi ng buyer mula sa iyo may kinalaman sa pagbabayad 

Sa oras na makapagsimula ka na sa trade, ang mas detalyadong pangkat ng mga tagubilin ay lilitaw. Ang mga ito ay tinatawag na mga tagubilin ng trade. Ang kailangan ng buyer mula sa iyo ay iba't iba depende sa espesipikong pagbabayad online na gagamitin mo.

Note: Ganap na pananagutan na bigyan ang buyer ng tamang wallet address.

Paglikha ng alok

Para magbenta ng mga bitcoin para sa mga digital currency, maaari ka rin na lumikha ng sarili mong alok.
Narito ang dalawang tips para sa alok mo:

  • Magtakda ng margin na sa tingin mo ay kikita dahil walang mga negosasyon sa oras ng trade ang pinapayagan.
  • Sumulat ng malinaw na mga termino ng alok at tagubilin.
  • Linawin kung sino ang magbabayad sa transaksyon kung mayroon.

Pagkatapos lumikha at maglathala ng personalidong alok, hintayin ang buyer na simulan ang trade sa iyo. Kapag nasimulan na ang trade, makakatanggap ka ng notipikasyon. Huwag mag-atubiling talakayin ang kinakailangang mga detalye sa iyong kasosyo sa trade.

Pagkumpleto ng trade

Sa oras na mabayaran ka ng buyer, markahan ang trade bilang Bayad na at i-upload ang patunay ng pagbabayad, doblehin nang dalawang beses kapag naging matagumpay ang pagbabayad sa iyo.

Ang huling hakbang ay ilabas mo ang mga bitcoin mula sa trade escrow. Pindutin ang button na Ilabas ang bitcoin kung sigurado ka sa pagtanggap ng bayad.

Pagkatapos ng trade

Sa oras na makumpleto na ang trade, maaari kang mag-iwan ng angkop na feedback sa iyong kasosyo sa trade. Gayundin kung gusto mong makipagtrade sa user, maaari mong idagdag sila sa iyong listahan ng mapagkakatiwalaan

Narito ang ilan sa karagdagang impormasyon kung paano magbenta ng mga bitcoin sa Paxful.

 

Mga artikulo sa seksyong ito