Pagbebenta ng mga bitcoin gamit ang mga online wallet

May iba't ibang online wallet tulad ng PayPal at Skrill na maaari mong gamitin para magbenta ng mga bitcoin sa Paxful. Ang artikulong ito ay nagbibigay sa iyo ng buod ng pagbebenta ng mga bitcoin gamit ang alinman sa suportadong mga online wallet.

Bago ang pakikipagtrade

Bago magbenta ng bitcoin gamit ang iyong online wallet, tiyakin na ang transaksyon ng nagpapadala ay hindi mahaharangan dahil sa iyong pang-araw-araw na limit o ibang pangheograpiyang pagbabawal.

Pakikipagtrade

Paghahanap ng alok

Ang unang hakbang sa pagbebenta ng mga bitcoin gamit ang mga online wallet ay maghanap ng alok para sa online wallet na napili mo. Kakailanganin mo rin na ilagay ang halaga na gusto mong bilhin at ang napili mong currency.

Pagkatapos mong mahanap ang angkop na alok, tiyakin na nabasa mo ang mga termino ng alok bago magbukas ng trade. Ipapakita nito sa iyo ang maikling buod ng hinihingi ng buyer mula sa iyo may kinalaman sa pagbabayad 

Sa oras na makapagsimula ka na sa trade, ang mas detalyadong pangkat ng mga tagubilin ay lilitaw sa trade chat. Ang mga ito ay tinatawag na mga tagubilin ng trade. Laging hihingin ng buyer ang mga detalye ng iyong online wallet. Ang mga kahilingan ng buyer ay iba't iba depende sa online na pagbabayad na ginagamit mo. Halimbawa, ang mga trader na gumagamit ng mag online wallet tulad ng PayPal, Skrill, at Neteller ay karaniwang nangangailangan ng litrato ng iyong ID.

Tip: Tiyakin na ang pangalan mo sa online wallet account ay tugma sa pangalan sa Paxful. Basahin ang higit sa aming artikulo tungkol sa tips pangkaligtasan.

Paglikha ng alok

Para magbenta ng mga bitcoin sa pamamagitan ng mga online wallet, maaari ka rin na gumawa ng sarili mong alok.
Narito ang dalawang tips para sa alok mo:

  • Magtakda ng margin na sa tingin mo ay kikita dahil walang mga negosasyon sa oras ng trade ang pinapayagan.
  • Sumulat ng malinaw na mga termino ng alok at tagubilin.
  • Linawin kung sino ang magbabayad sa transaksyon kung mayroon.

Pagkatapos lumikha at maglathala ng personalidong alok, hintayin ang buyer na simulan ang trade sa iyo. Kapag nasimulan na ang trade, makakatanggap ka ng notipikasyon. Huwag mag-atubiling talakayin ang kinakailangang mga detalye sa iyong kasosyo sa trade.

Pagkumpleto sa trade

Sa oras na mabayaran ka ng buyer, markahan ang trade bilang Bayad na at i-upload ang patunay ng pagbabayad, doblehin nang dalawang beses kapag naging matagumpay ang pagbabayad sa iyo.

Ang huling hakbang ay ilabas mo ang mga bitcoin mula sa trade escrow. Pindutin ang button na Ilabas ang bitcoin kung sigurado ka sa pagtanggap ng bayad.

Pagkatapos ng trade

Sa oras na makumpleto na ang trade, maaari kang mag-iwan ng angkop na feedback sa iyong kasosyo sa trade. Gayundin kung gusto mong makipagtrade sa user, maaari mong idagdag sila sa iyong listahan ng mapagkakatiwalaan

Narito ang ilan sa karagdagang impormasyon kung paano magbenta ng mga bitcoin sa Paxful.

 

Mga artikulo sa seksyong ito