Pagbebenta ng mga bitcoin gamit ang mga bank transfer

Ang mga bank transfer ay sikat na paraan ng pagbabayad sa Paxful. Ipapakita ng artikulong ito kung paano magbenta ng mga bitcoin gamit ang mga bank transfer.

Bago ang pakikipagtrade

Bago magbenta ng mga bitcoin para sa mga bank transfer, tiyakin na may bank account kang itinakda at nakahanda para tumanggap ng mga transaksyon. Alamin kung mayroon kang limit sa transaksyon o heograpikong pagbabawal na itinakda sa iyong bank account. Gayundin, isaalang-alang ang paggamit ng bank na madaling makapagbibigay ng mga transaksyon gamit ang lahat ng mga detalyeng makikita sa siang page o pdf file.

Ang mga detalyeng magagamit ay: 

  • Pangalan at apilyedo ng may-ari ng account.
  • Pangalan at logo ng bangko.
  • Petsa, oras at status ng transaksyon.
  • Numero ng account at buong pangalan ng nagpapadala.

Pakikipagtrade

Paghahanap ng alok

Ang unang hakbang sa pagbebenta ng bitcoin gamit ang mga bank transfer ay humanap ng alok na tumatanggap ng mga bank transfer bilang pababayad. Kailangan mo ring ilagay ang halaga na gusto mong bilhin at ang currency na napili mo.

Pagkatapos mong makahanap ng naaangkop na alok, tiyakin na nabasa mo ang mga termino ng alok bago ang pagbubukas ng trade. Ipapakita nito sa iyo ang maikling buod ng hinihingi ng buyer mula sa iyo may kinalaman sa pagbabayad.

Sa oras na masimulan mo na ang trade, lilitaw ang mas detalyadong pangkat ng mga tagubilin sa trade. Ang mga ito ay tinatawag na mga tagubilin ng trade. Laging hihingin ng buyer ang mga detalye ng iyong bangko. Basahin dito kung paano mo idadagdag at itatago ang mga detalye mo sa bangko sa iyong profile at trade chat.

Paglikha ng alok

Para magbenta ng mga bitcoin para sa bank transfer, maaari ka rin na lumikha ng sarili mong alok.
Narito ang dalawang tips para sa alok mo sa bank transfer:

  • Magtakda ng margin na sa tingin mo ay kikita dahil walang mga negosasyon sa oras ng trade ang pinapayagan.
  • Sumulat ng malinaw na mga termino ng alok at tagubilin.
  • Linawin kung sino ang magbabayad sa transfer mung mayroon.

Pagkatapos lumikha at maglathala ng personalidong alok, hintayin ang buyer na simulan ang trade sa iyo. Kapag nasimulan na ang trade, makakatanggap ka ng notipikasyon. Huwag mag-atubiling talakayin ang kinakailangang mga detalye sa iyong kasosyo sa trade.

Pagkumpleto sa trade

Sa oras na mabayaran ka ng buyer, markahan ang trade bilang Bayad na at i-upload ang patunay ng pagbabayad, doblehin nang dalawang beses kapag naging matagumpay ang pagbabayad sa iyo.

Ang huling hakbang ay ilabas mo ang mga bitcoin mula sa trade escrow. Pindutin ang button na Ilabas ang bitcoin kung sigurado ka sa pagtanggap ng bayad.

Pagkatapos ng trade

Sa oras na makumpleto na ang trade, maaari kang mag-iwan ng angkop na feedback sa iyong kasosyo sa trade. Gayundin kung gusto mong makipagtrade sa user, maaari mong idagdag sila sa iyong listahan ng mapagkakatiwalaan

Narito ang ilan sa karagdagang impormasyon kung paano magbenta ng mga bitcoin sa Paxful.

 

Mga artikulo sa seksyong ito