Ano ang Bitcoin?

Ang Bitcoin ay isang online currency na maaaring ipadala saanman sa mundo gamit ang internet, katulad ng pagpapadala ng email.

Para magpadala o tumanggap ng mga bitcoin, kakailanganin mo ng bitcoin wallet. Ang bitcoin wallet ay ang sarili mong online wallet kung saan maaari mong iimbak ang lahat ng pinaghirapan mong kitain na mga bitcoin. Kapag sumali ka Paxful, makakakuha ka ng ligtas, libre at napakasimpleng gamitin na bitcoin wallet. Ang bitcoin wallet ng Paxful ay gumagana sa ibang wallet. Bawat bitcoin wallet ay may wallet address. Maaari mong ipadala ang wallet address mo sa mga tao, at pagkatapos ay maaaring magpadala ng mga bitcoin sa wallet mo. Gamit ang sarili mong wallet, maaari kang magpadala, tumanggap, at mag-imbak ng bitcoin. Maaari mo ring makita ang lahat ng transaksyon tulad ng online banking mo.

Maaari mong gamitin ang bitcoin para bumili ng mga bagay online mula sa mga tindahan na tumatanggap nito bilang paraan ng pagbabayad. Simula nang maimbento ito, nagkaroon ng maraming negosyo na tumatanggap ngg bitcoin bilang bayad kaya subukan ang suwerte mo, at ang tindahan na hinahanap mo ay baka tumatanggap ng bitcoin. Isip-isipin ang kaginhawakan ng paggawa ng lahat ng transaksyon mo sa negosyo online gamit ang ligtas at maaasahang wallet tulad ng mayroon sa Paxful.

Ang pinakamalaking bahagi ng hamon ng bitcoin ay pagkuha ng una mong bitcoin. Maaari itong maging mas mahirap para sa iyo kung wala kang bank account. Sa kabutihang-palad, ang Paxful ay tumatanggap ng mahigit 300 na paraan ng pagbabayad kaya tingnan ang mga iyon at alamin kung alin ang pinaka-angkop para sa iyo. Sa Paxful, bumili ka ng bitcoin mula sa mga vendor ng Paxful na mga taong nagbebenta ng kanilang bitcoin para kumita. Dahil tumatanggap sila ng maraming iba't ibang anyo ng pagbabayad tulad ng mga gift card, Western Union, bank transfer, at marami pang iba. Ang pagkakaroon ng ilang bitcoin ay hindi naging ganito kadali! Kapag nagpasya ka sa paraan ng pagbabayad at nakakita ng magandang alok, kung gayon ay sundin ang mga tagubilin na binigay sa iyo ng vendor at magkakaroon ka ng mga bitcoin sa wallet mo sa loob lang ng ilang minuto.

Sa oras na makakuha ka na ng unang bitcoin, tiyaking ligtas ang account mo sa pamamagitan ng pag-activate sa iyong 2-Factor Authentication o di kaya'y gumamit ng Google Authenticator para mas ligtas na karanasan! Handa ka nang masiyahan sa pansin na natatanggap mo sa peer-to-peer finance gamit ang mga iyon na nasa kamay mo!

Ang Paxful ay nagbibigay ng ligtas na lugar ng pamilihan kung saan maaari kang bumili at magbenta ng mga bitcoin gamit ang mahigit 300 na paraan ng pagbabayad! Basahin ang higit tungkol sa paggamit ng ating platform at patuloy nagamitin ang Paxful!

Mga artikulo sa seksyong ito