Ang uwenta sa presyo ng bitcoin ay isang oportunidad upang i-update ang alok ng presyo sa Paxful sa pagtaas ng presyo ng bitcoin mula sa espesipikong platform ng palitan. Ito ang opsyon para pumili ng rate mula sa anumang iba pang mga palitan ng bitcoin at gamitin ito para sa sa alok mo sa pagbebenta o pagbili. Para gamitin ang kuwenta ng presyo, tingnan ang aming guide.
Ang Paxful ay nag-aalok ng halaga ng bitcoin na karaniwang presyo ng pagbili sa pamamagitan ng sumusunod na source:
Coinbase
Bitstamp
Bitfinex
Sa advanced mode ang Paxful ay nag-aalok sa iyo ng listahan ng mga palitan ng platform na ito:
Binance
Bitfinex
Bitstamp
Coinbase Pro
Gemini
Kraken
Narito ang pagpipilian ng mga punto ng presyo:
Ask — Ang ask price ay ang kasalukuyang pinakamababang presyo na handang tanggapin ng bitcoin seller mula sa buyer.
Bid — Ang bid price ay ang kasalukuyang pinakamataas na presyo ng bitcoin buyer na handang bayaran ng seller.
24 high — Ang pinakamataas na presyo ng bitcoin ng lahat ng nakumpletong trade sa platform ng palitan sa nakalipas na 24 oras.
24 high — Ang pinakamababang presyo ng bitcoin ng lahat ng nakumpletong trade sa nakalipas na 24 oras.
Average — Ang average na presyo ng bitcoin ng lahat ng nakumpletong trade para sa nakalipas na 24 oras.
Last — Ang presyo ng pinakabagong nakumpletong trade ayon sa napiling platform ng palitan.
Note: Ang pagpipilian ng available na mga punto ng presyo ay maaaring naiiba depende sa rate source na napili mo.