Pagbebenta ng mga bitcoin gamit ang mga cash payment

May iba't ibang cash na pagbabayad na maaari mong gamitin upang magbenta ng mga bitcoin sa Paxful. Ang artikulong ito ay nagbibigay sa iyo ng buod ng pagbebenta ng mga bitcoin gamit ang alinman sa suportadong mga cash na pagbabayad.

Bago ang pakikipagtrade

Bago magbenta ng bitcoin gamit ang mga cash payment, narito ang ilan sa mga bagay na dapat isaalang-alang:

  • Ilan sa mga paraan ng pagbabayad tulad ng Cash Sa Pamamagitan ng Liham or Cash sa Personal, ay nangangailangan ng lubusang beripikasyon ng ID at adres (para sa halagang mas mataas sa 50 USD kada trade).
  • Sakaling may mga dispute, napakahirap para sa Paxful na magbigay ng tulong maghanda sa paghahain ng report sa Pulis sa mga ganitong kaso.

Pakikipagtrade

Paghahanap ng alok

Ang unang hakbang sa pagbebenta ng mga bitcoin gamit ang cash ay humanap ng alok na tumatanggap ng cash bilang pagbabayad. Kailangan mo ring ilagay ang halaga na gusto mong bilhin at ang currency na napili mo

Kapag nahanap mo ang alok na angkop sa iyo, siguruhing nabasa mo ang mga termino ng alok bago simulan ang trade. Ipapakita nito sa iyo ang maikling buod na kinakailangan ng buyer mula sa iyo may kinalaman sa pagbabayad.  Sa kaso ng Cash sa Personal, ang mga termino ng alok ay dapat magbigay ng maikling listahan ng pagpipilian sa pakikipagkita.

Pagkatapos basahing mabuti ang mga termino ng alok at kumpirmahin na sangayon ka sa mga kundisyon, oras na para simulan ang trade. Kapag nasimulan na ang trade, ang mas espesipikong pangkat ng mga tagubilin ay lilitaw para sa pagkikita. Karaniwan, dapat ipangako ng mga buyer para sa mga cash na trade na magbigay ng resibo ng teller. Kung sa anumang punto na maramdaman mong nalito ka sa trade tungkol sa mga tagubilin, huwag mag-atubiling magpadala ng mensahe sa buyer sa pamamagitan ng trade chat. Dapat kaya nilang tulungan ka sa anumang mga tanong na mayroon ka. 

Paglikha ng alok

Para magbenta ng bitcoin gamit ang cash na pagbabayad, maaari ka rin na gumawa ng sarili mong alok. Narito ang ilan sa mga bagay na isasaalang-alang:

  • Magtakda ng margin na sa tingin mo ay kikita dahil walang mga negosasyon sa oras ng trade ang pinapayagan.
  • Sumulat ng malinaw na mga termino ng alok at tagubilin.
  • Linawin kung alin sa patunay ng pagbabayad ang kailangan mo at gaano katagal ang kailangan mo para kumpirmahin ang bayad.
  • Sa kaso ng Cash Sa Personal, sabihing mabuti kung saan mo gustong makipagkita.

Tip: Napiling mga pampublikong lugar para sa Cash Sa Personal na mga trade.

Pagkatapos lumikha at maglathala ng personalidong alok, hintayin ang buyer na simulan ang trade sa iyo. Kapag nasimulan na ang trade, makakatanggap ka ng notipikasyon. Huwag mag-atubiling talakayin ang kinakailangang mga detalye sa iyong kasosyo sa trade.

Pagkumpleto sa trade

Para sa Cash Sa Personal na trade, sa oras na maisaayos ang lahat ng detalye, oras na para makipagkita sa buyer mo. Magpunta sa tinukoy na lokasyon at kolektahin ang cash mula sa buyer. Sa oras na matapos na ito, hintayin ang buyer na markahan ang trade bilang Bayad na. Pindutin ngayon ang button na Ilabas ang bitcoin

Tandaan na sa oras ng Cash Sa Pamamagitan ng Sulat, ang trade ay maaaring mangailangan ng maraming pasensiya mula sa parehong panig.

Gamit ang ibang mga paraan ng pagbabayad na cas, ang proseso ng paraan ng pagbabayad mismo ay karaniwang napakasimple. Sa anumang kaso, laging tiyakin na nagbigay ka ng tamang mga detalye sa buyer at kolektahin ang lahat ng posibleng patunay ng pagtanggap o hindi pagtanggap ng pagbabayad. 

Ang huling hakbang ay ilabas mo ang mga bitcoin mula sa trade escrow. Pindutin ang button na kung sigurado ka sa pagtanggap ng bayad.

Pagkatapos ng trade 

Sa oras na makumpleto na ang trade, maaari kang mag-iwan ng angkop na feedback sa iyong kasosyo sa trade. Gayundin kung gusto mong makipagtrade sa user, maaari mong idagdag sila sa iyong listahan ng mapagkakatiwalaan

Narito ang ilan sa karagdagang impormasyon kung paano magbenta ng mga bitcoin sa Paxful.

Mga artikulo sa seksyong ito