Pagbili ng mga bitcoin gamit ang mga debit/credit card

Sa Paxful nagbibigay kami ng opsyon para bumili ng mga bitcoin gamit ang mga debit o credit card, kabilang ang mga prepaid card. Ang artikulong ito ay nagbibigay sa iyo ng buod sa pagbili ng mga bitcoin gamit ang anumang magagamit na card. 

 

Bago ang pakikipagtrade

Pakikipagtrade

Paghahanap ng alok

Ang unang hakbang para bumili ng mga bitcoin gamit ang mga debit/credit card ay maghanap ng alok na tumatanggap ng espesipikong uri ng card na mayroon ka. Kailangan mo ring ilagay ang halaga na gusto mong bilhin at ang currency na napili mo.

Pagkatapos mong matagpuan ang angkop na alok, tiyakin na nabasa mo ang mga termino ng alok bago magbukas ng trade. Ipapakita nito sa iyo ang maikling buod ng hinihingi ng seller mula sa iyo may kinalaman sa pagbabayad.

Sa oras na masimulan mo na ang trade, lilitaw ang mas detalyadong pangkat ng mga tagubilin. Ang mga ito ay tinatawag na mga tagubilin ng trade. Ang kailangan ng seller mula sa iyo ay iba't iba depende sa espesipikong pagbabayad na gagamitin mo.

Paglikha ng alok

Para bumili ng bitcoin, maaari ka rin na lumikha ng sarili mong alok.
Narito ang dalawang tips:

Pagkatapos lumikha at maglathala ng personalidong alok, hintayin ang seller na simulan ang trade sa iyo. Kapag nasimulan na ang trade, makakatanggap ka ng notipikasyon. Huwag mag-atubiling talakayin ang kinakailangang mga detalye sa iyong kasosyo sa trade at tapusin ang pagbabayad.

Pagkumpleto sa trade

Sa oras na mabayaran mo na ang seller at ma-upload ang patunay ng iyong pagbabayad, pindutin ang Bayad na. Ang pagbabayad mo ay hindi kumpirmado maliban kung pindutin mo ang Bayad na at kapag nalimutan mong gawin iyon, ang trade ay matatapos at ang bitcoin ay babalik mula sa trade escrow patungo sa seller.

Ang huling hakbang ay kumpirmahin ng seller ang bayad. Maging mapaghintay dahil maaari itong magtagal. Sa oras na makumpirma na ng seller ang bayad, dapat nilang ilabas ang mga bitcoin patungo sa iyo at ang trade ay makukumpleto.

Pagkatapos ng trade

Sa oras na makumpleto na ang trade, maaari kang mag-iwan ng angkop na feedback sa iyong kasosyo sa trade. Gayundin kung gusto mong makipagtrade sa user, maaari mong idagdag sila sa iyong listahan ng mapagkakatiwalaan

Narito ang karagdagan pang tips kung paano bumili ng mga bitcoin sa Paxful.





Mga artikulo sa seksyong ito

Makakita ng higit pa