Nakatanggap ako ng kahina-hinalang email. Mula ba ito sa Paxful?

Kung nakatanggap ka ng kahina-hinalang email na mukhang mula sa atin o sa entidad na nagsasabing nauugnay sa amin huwag pindutin ang mga link ng nasabing mga email, i-download ang mga kasamang attachment, o tumugon sa kanila. Ireport ang mga email na iyon sa aming Support sa pamamagitan ng pagpapasa ng buong email sa help@paxful.com. Isama ang email header at subject line, na makatutulong sa amin upang imbestigahan kung saan ito nagmula at magsagawa ng aksyon para ihinto ito mula sa pagkalat sa ibang mga customer.

Opisyal na mga email adress ng Paxful:

help@paxful.com

noreply@paxful.com

press@paxful.com

hello@paxful.com

security@paxful.com

privacy@paxful.com

Kailanman ay hindi hihingi ng Paxful ng impormasyon ng:

  • Buong numero ng credit card mo o ng iba pang mga pinansiyal na detalye
  • Password mo
  • One-time 2FA password (code) mo

Paano humanap ng phishing email:

Habang madalas pinapalitan ng mga scammer ang kanilang taktika, tingnan ang mga klasikong palatandaang ito ng phishing o spoofing na pagtatangka:

  • Ang kahilingan para sa bank account mo, username, password, social security number o pagkakakilanlan. Huwag kailanman ibigay ang impormasyong ito.
  • Ang paghahabol na nakompromiso ang account mo. Sa mga kasong iyan, maaari lang naming ipadala ang mga automated na mensahe mula sa “no-reply” na mga email address.
  • Walang pahintulot na email na may link para beripikahin ang impormasyon ng account mo.
  • Mga Typo sa email address. Karaniwang nakakakita ng mga bagay tulad ng support@ppaxful.com (typo).
  • Mga kahina-hinalang link na hindi nag-uugnay sa www.paxful.com. Bago mo ilagay ang impormasyon ng log-in mo, o pindutin ang link, suriing mabuti ang URL sa pamamagitan ng pagkopya nito sa address bar bago pindutin ang Enter.
  • Mga email na ginagaya ang disenyo namin. Ang mga email na iyon ay naglalayong lituhin ka mula sa mga typo sa email address o link ng website sa pamamagitan ng paggamit ng mga litrato at kulay na tulad sa amigng platform.
  • Mga email na may .html attachment.

Para sa higit na impormasyon kung paano protektahan ang account mo tingnan ang aming gabay ng seguridad.

 

Mga artikulo sa seksyong ito