Pagsulat ng magagandang termino ng alok

Sa Paxful, maaari kang lumikha ng sarili mong alok na angkop sa mga kahilingan mo at tukuyin ang sarili mong pangkat ng mga termino at kundisyon para sa mga alok na ito. Ang alok na mga termino ay maikling paglalarawan ng mga kinakailangan mo na nauugnay sa alok na iyon, na ipinakikita sa sarili mong trade, bago magsimula ang trade. Ang mga termino ng alok ay idinadagdag sa ikatlong hakbang ng paglikha ng daloy ng alok. Ang susi sa paglikha ng magagandang alok ay gawing maikli at tuwiran tungkol sa inaasahan mo mula sa kasosyo mo sa trade. Narito ang ilang tips sa pagsulat ng magagandang termino ng alok.


Mga tag ng alok

Maaari kang pumili ng mga tag ng alok na lumilikha ng alok. Ang mga tag na ito ay karaniwang mga keyword na lumilitaw sa pampublikong listahan na makakatulong sa pagkuha ng atensyon sa iyong alok sa simula pa lang. Gamitin ang mga tag ng alok para magbigay agad ng higit na detalye sa iyong potensiyal na kasosyo, at sangayunan sila tungo sa pagsisimula ng trade kasama mo. 

Narito ang ilan sa mga halimbawa ng mga tag na maaaring makatulong sa kasosyo ng trade na maunawaan kung ano ang kailangan mo: “kinakailangang ID”, “Cash lang”, “Resibong kailangan”.

Maikli at tumpak na mga paglalarawan

Ang layunin ng mga termino ng alok ay tiyakin na nauunawaan ng kasosyo ng trade kung paano nila kailangang bayaran ka bago magsimula ang trade. Kung hindi malinaw at madaling maunawaan, malamang na kanselahin ang trade dahil baka hindi sila sigurado sa proseso. Kapag ang mga termino ng alok ay napakahaba, maaaring kanselahin ng trade o simulan ito nang hindi binabasa ang mga iyon. Kung ang alok mo ay napakaikli, malinaw at madaling maunawaan, madali mo itong magagawa para sa mga kasosyo mo sa trade. Subukang maging espesipiko at sa punto nang hindi nakakagulat sa kasosyo sa trade. Tandaan din na para matiyak na ang mga termino ng alok mo ay alinsunod sa Mga Termino ng Serbisyo ng Paxful.

Ano ang hindi gagawin:

  1. Huwag magmungkahi ng pakikipagtrade sa labas ng escrow. Anumang mga mungkahi para makipagtrade sa labas ng platform ay mahigpit na ipinagbabawal at maba-ban ka mula sa Paxful.
  2. Huwag banggitin ang personal na impormasyon ng kontak sa inyong mga termino ng alok.
  3. Huwag magbigay ng mga link sa mga panloob na site o ibahagi ang mga URL.

Mga Halimbawa:

Mga Halimbawa ng magagandang termino ng alok:

PayPal

  • Ang PayPal account mo ay dapat beripikado.
  • I huwag tumanggap ng bayad sa pamamagitan ng mga debit card, at mga tseke sa pamamagitan ng PayPal.
  • Dapat mong ipakita na ang mga pondo ay available na sa balanse ng iyong PayPal.
  • Mag-log in sa iyong PayPal account at gumawa ng screenshot ng email.
  • Kailangan mong magbigay ng link sa iyong Facebook Profile.
  • Kailangan mong magpadala sa akin ng screenshot ng patunay ng pondo na nagmula sa iyong balanse ng iyong PayPal.
  • Dapat ipadala ang mga pondo sa form ng mga Kalakal at mga Serbisyo.
  • Mayroon akong karapatang ihinto ang pakikipagtrade sa sinuman kapag naghinala ako ng panlilinlang. Irereport kita at gagawin ko ang aking buong makakaya apra tanggalin ka sa Paxful.

Western Union

  • Mga Cash na pagbabayad lang.
  • Ang mga detalye ng bayad sa Western Union ay ibibigay kapag nagsimula ka sa trade.
  • Magpadala ng malinaw na litrato ng resibo.
  • Walang mga alok ng third party.

SEPA

  • Ito ay trade para sa an EU SEPA na mga bank transfer. Kung wala kang EU bank account ang trade na ito ay hindi para sa iyo.
  • Gusto kong mag-upload ang mga baguhang trader ng kanilang ID.
  • Ang pangalan ng identipikasyon ay dapat tugma sa pangalan sa bank account na ginamit para magpadala ng pera.
  • Ang BTC ay ilalabas sa oras na matanggap ang bayad. Kung gusto mo ng BTC na mas mataas sa BTC na mayroon ako, tandaan na tatagal ito nang kalahating oras para makapagdagdag ako ng BTC sa wallet ko.
  • Karapatan kong humingi ng karagdagang beripikasyon kung naghihinala ako na hindi ikaw ang tao sa ID na ipinakita. Gayunman, may opsyon kang tanggihan ang karagdagang beripikasyon, kung saan ang trade ay kakanselahin at ibabalik ko ang pondo sa bank account kung saan ito nanggaling.
  • Ang mga user na may bagong mga account ay dapat magbigay ng mga selfie hawak ang kanilang ID katabi ng kanilang mga mukha.

Mga iTunes gift card

  • Ang alok na ito ay para sa mga iTune gift card lang, at hindi para sa mga Apple Music card.
  • Mga pisikal na card lang, e-code na mga litrato o code na hindi papayagan.
  • Mga card nagkakahalaga ng 100 USD o mas kakaunti!
  • Dapat kang mag-upload ng litrato ng card. Ang mga naka-photoshop o naka-edit na litrato ay irereport.

Mga Amazon gift card

  • Tinatanggap ko lang ang mga pisikal na Amazon gift card na binili nang cash.
  • May litrato ng pisikal na Amazon Gift card (likuran na bahagi na malinaw na makikita ang mga code).
  • May litrato ng resibo na nagkukumpirma sa card na binili gamit ang cash. Ang mga card na binili gamit ang debit ay hindi tatanggapin!
  • Ang mga card ay dapat bilhin ng buo ang halaga. Halimbawa, kung ang card mo ay nagkakahalaga ng 100 USD, hindi mo dapat hilingin s akin na gamitin lang ang 50 USD mula rito.

Basahin ang higit sa aming mga tuntunin sa pagbebenta ng bitcoin, tips sa pagbili ng mga bitcoin at ang aming patnubay sa pagsulat ng magagandang tagubilin ng trade.

Mga artikulo sa seksyong ito