Pagsulat ng mga tagubili ng magandang trade

Ang mga tagubilin ng trade na ito ay mas espesipiko at detalyadong kinakailangan na lumilitaw kapag nagsimula ang indibidwal na trade. Ito ang mga kinakailangang itinakda mo kapag binayaran ka nila.

Hindi tulad ng mga termino ng alok, gusto mong maging mas detalyado ang mga tagubilin ng alok hangga't maaari. Magbigay ng malinaw na mga tagubilin kung ano ang kailangan mo mula sa bumili at ipaliwanag ang mga hakbang na magaganap (tulad ng impormasyon sa mga dokumento tulad ng mga resibo o litratong maaaring kailanganin mo). Tandaan na nakikita ng user ang mga tagubilin ng trade kapag nagsimula ang trade, kaya dito ay maaari mong ilagay ang impormasyon na gusto mong ibigay pagkatapos tanggapin ng user ang mga termino ng alok. Tiyakin na ang mga tagubilin mo ay alinsunod sa Mga Termino ng Serbisyo ng Paxful.

Ano ang HINDI DAPAT gawin:

  1. HUWAG magmungkahing magtrade sa labas ng escrow. Anumang mga mungkahi na mag-trade sa labas ng site ay mahigpit na ipinagbabawal at ang ganitong uri ng aktibidad ay maba-ban mula sa Paxful.
  2. HUWAG magbigay ng anumang personal na impormasyon ng kontak.
  3. HUWAG magbigay ng mga link sa labas ng mga site o ibahagi ang mga URL. Dapat mong iproseso ang bayad sa Paxful.

Mga halimbawa ng mga Tagubilin ng Trade:

Mga iTunes gift card

  1. I-upload ang litrato ng iyong pisikal na card gamit ang code na KINASKAS at malinaw na nakikita. Para sa mga litratong malabo, i-type din ang code sa chat.
  2. Kung walang marka ng halaga ang card mo, sabihin sa akin ang denominasyon.
  3. Hintayin akong tingnan ang card at ilabas ang mga bitcoin at tandaan na pindutin ang button na “Markado bilang Bayad na”.
  4. Kung sa anumang dahilan na ayaw mong magpatuloy sa pakikipagtrade sa akin, kung gayon ay kanselahin ang trade para makapagtrade ako sa iba.

Mga Amazon gift card

  1. I-upload ang larawan ng pisikal na card mo kasama ang KINASKAS na code at malinaw na nakikita. Para sa mga larawang malabo, mangyaring i-type din ang code sa chat.
  2. I-upload ang larawan ng resibo na nagpapakita na ang card ay binili nang CASH.
  3. Hintaying suriin ko ang card at ilabas ang mga bitcoin at huwag kalimutang pindutin ang button na “Markado bilang Bayad na”.
  4. Sa anumang dahilan na ayaw mong magpatuloy sa pakikipagtrade sa akin, kung gayon ay kanselahin ang trade para makapagtrade ako sa iba.

Paypal

  1. I-upload ng larawan ng iyong BUONG screen na nagpapakita ng mga pondo na available na sa iyong balanse ng PayPAl at BERIPIKADO na. Tandaan na dapat mong ipakita ang iyong BUONG screen!
  2. Ibigay sa aking ang PayPal email mo.
  3. Ibigay sa akin ang Facebook Profile link mo.
  4. Ipakita ang patunay na beripikado na ang account mo
  5. Pagkatapos mong magawa ang lahat ng nasa itaas, ipapadala ko ang email account mo para makapagpadala ng pondo.
  6. Ang mga pondo day dapat ipadala sa anyo ng SERBISYO, at ipapadala ko sa iyo ang susunod na mga hakbang.
  7. May karapatan akong ihinto ang trabaho sa sinuman kung naghihinala ako sa panlilinlang.

Western Union

  1. Ipadala ang mga Pondo sa pamamagitan ng Cash sa sumusunod na NAME_HERE, ADDRESS_HERE atbp…
  2. Bigyan ako ng sumusunod na impormasyon sa chat: pangalan ng nagpapadala, lungsod/estado ng nagpapadala, numero ng telepono ng nagpapadala, MTCN code, at eksaktong halaga ng bayad sa USD o LOKAL NA CURRENCY
  3. Pindutin ang “Markahan bilang Bayad na” at hintayin ako na kunin ang mga pondo at ilabas ang mga bitcoin.

Mga artikulo sa seksyong ito

Makakita ng higit pa