Paggawa ng alok para bumili ng bitcoin

Para magtakda ng mga tuntunin mo sa personal na palitan at magtatag ng daloy ng mga trade, kailangan mong lumikha ng sarili mong mga alok. Ang patnubay na ito ay nagbibigay sa iyo ng pananaw kung paano lilikha ng alok para bumili ng mga bitcoin sa Paxful. Kung interesado ka sa umiiral na mga alok ng ibang mga trader ng Paxful, tingnan ang gabay namin sa pagbili ng mga bitcoin.

Bago kami magsimula, tiyakin na mayroon kang ginawang account. Ang Paxful ay nagbibigay ng libreng Bitcoin wallet sa oras ng pag-sign up. Sa oras makapag-sign up ka na, awtomatiko kang bibigyan ng wallet

Tandaan: Para makagawa ng alok, kailangan mong beripikahin ang ID .

Video

Narito ang maikling video kung paano agad makakagawa ng alok:

Hakbang 1 Paraan ng pagbabayad

1. Maglog in sa Paxful account at pindutin ang Gumawa ng Alok.

1.2.pngAng Gumawa ng Alok na page ay lilitaw.

2. Piliin ang Bumili ng Bitcoin uri ng alok.
2.2.png

3. Pumili ng paraan ng pagbabayad.

Pumili kung paano mo gustong bumili ng bitcoin:

  • Pumili ng grupo ng pagbabayad mula sa kaliwang kahon.
  • Pumili ng eksaktong paraan ng pagbabayad mula sa listahan sa gitna.
  • Kung hindi ka sigurado kung saan kabilang ang iyong grupo ng pagbabayad, maaari mo ring hanapin ang mga paraan ng pagbabayad sa bar ng paghahanap. I-type lang ang salitang Hanapin ang lahat ng paraan ng pagbabayad field at opsyon ay lilitaw sa listahan. Kapag ang paraan ng pagbabayad mo ay nakarehistro na, lilitaw ito para piliin mo ito.

3.2.png

Tandaan: Hindi makita ang paraan ng pagbabayad na napili mo? bago sa pamamagitan ng pagpindot sa Pindutin dito para magmungkahi ng bago na link.

4. Piliin ang currency mo mula sa Napiling currency na drop-down list.

4.2.png

Tandaan:

  • Gamit ang mga bank transfer, mahalagang ilagay ang pangalan ng bangko at ang bansa kung saan nakarehistro ang bank account mo. Makatutulong ito sa anumang mga hindi pagkakaunawaan sa iyong potensiyal na mga kasosyo sa trade.

5. Tingnan ang lahat ng mga detalye ay tama at pindutin ang Susunod na hakbang para magpatuloy.
5.2.png

Hakbang 2 Profit margin & mga trade limit

1. Piliin kung magkano ang gusto mong kitain sa bawat pagpili sa pamamagitan ng paglalagay ng numero sa margin field.

6.2.png

Magtakda ng porsiyento alinsunod sa presyo ng merkado ng bitcoin at ng iyong personal na intensyon sa pakikipagtrade. Ang porsiyentong ito ay maaaring maging negatibo at positibo.Maaari mong basahin ang higit tungkol sa margin dito. Makikita mo sa screen ang malinaw na paliwanag kung magkano ang kikitain mo alinsunod sa porsiyentong napili.

Tandaan:

  • Huwag magtakda n napakababa o napakataas para makaakit sa mga customer at makipagnegosasyon sa presyo sa loob ng trade. Ito ay laban sa aming Mga Termino ng Serbisyo.
  • Ang mga nagbebenta ng Bitcoin ay naghahanap ng pinakamagagandang presyo + rating ng user. Pumili ng porsiyento ng margin na sa tingin mo ay pahahalagahan ng iyong target audience. Ang positibong porsiyento ng ay ipinapayo kapag lumilikha ng alok para bumili ng bitcoin.
  • Bilang default, nag-aalok kami ng presyo ng bitcoin na katamtaman sa ask price sa pagitan ng Coinbase, Bitstamp, Bitfinex. Para sa higit na flexibility gamit ang bitcoin rate click Ilipat sa advanced mode.

2. Magtakda ng mga limit ng alok sa trade sa pamamagitan ng paglalagay ng mga numero sa Pinakamababang halaga ng trade and Pinakamataas na halaga ng trade na mga field.
7.2.png
Here you can choose how much bitcoin in fiat currency you want to buy.

3. Pumili ng limit ng oras ng alok sa pamamagitan ng paglalagay ng numero sa minuto na field.
8.2.png

Ipinahihiwatig nito ang dami ng oras na mayroon ka para gumawa ng bayad. Kapag hindi mo pinindot ang Bayad na bago mapaso ang window ng bayad, ang trade ay awtomatikong kakanselahin.

4. Tingnan ang lahat ng mga detalye ay tama at pindutin ang Susunod na hakbang para magpatuloy.
9.2.png

Hakbang 3 Mga Termino & mga tagubilin


1. Pumili ng mga tag ng alok mula sa Mga tag ng alok sa drop-down list.
10.2.png

Ang mga tag ng alok ay lilitaw katabi ng pangalan ng paraan ng pagbabayad sa listahan ng mga alok. Ito ay dapat isang bagay na nakatutulong upang personalisahin ang alok mo, magdagdag ng karagdagang impormasyon dito. 

Halimbawa: Lahat ng mga bank transfer, Instant na pagbabayad, kinakailangan ng pangmatagalang buyer.

Tandaan: Hindi mahanap ang tag na hinahanap mo? Magmungkahi ng bago sa pamamagitan ng pagpindot sa Magmungkahi ng bago sa amin na link.

2. Gumawa ng mga label ng alok mo. I-type ang mga iyon sa Label ng iyong alok na field.
11.2.png

Ang mga label ng alok ay lilitaw sa uri ng paraan ng pagbabayad at sa iyong tag. Maaari kang pumili ng mahigit isang label. Ang mga label ay ginagamit para makakuha ng atensyon sa pinakamahalagang paglalarawan ng iyong alok. 

Halimbawa: hindi kailangan ng beripikasyon ng ID mo, mabilis na paglalabas, resibong kinakailangan at higit pa.

Tandaan: Para sa mga Bank Transfer ang pangalan ng bangko ay ginagamit sa halip na label.

3. Isulat ang mga termino ng alok para sa mga seller. I-type ang mga iyon sa field na Mga termino ng alok para sa seller.
12.2.png

Ang impormasyong ito ay ipapakita sa publiko sa iyong alok. Magkakaroon ito ng maikli at malinaw na mga detalye: gusto mo bang magbigay ang seller ng litrato ng kanyang ID? May resibo ba o ibang dokumentong kailangan? Gusto mo bang iproseso ang paraan ng pagbabayad sa tiyak na paraan? Hihingi ka ba ng sapat na roas para maproseso ang pagbabayad? Tingnan ang higit pang impormasyon dito.

4. Isulat ang mga tagubilin ng trade. I-type ang mga iyon sa field na Mga Tagubilin ng trade.

13.2.png

Ang mga tagubilin ng trade ay makikita sa oras na magsimula na ang trade. Ito ay magiging malinaw na sunod-sunod na hakbang para sa iyong potensiyal na kasosyo sa trade. Basahin ang higit na impormasyon dito.

5. Pumili kung kailangan mo ng pagsasala sa beripikasyon para sa mga kasosyo mo sa trade s pamamagitan ng pagpili ng Beripikasyon sa checkbox.

14.2.png

Ang pakikipagtrade sa mga beripikadong user ay nakatutulong para makaiwas sa mga iresponsableng user. Gayunman, ang bilang ng mga pontensiyal na user mo ay magiging mas mababa dahil ang ilan sa mga user ay nais na panatilihing online ang kanilang pagkapribado.

Bilang opsyonal, pindutin ang Advanced na mga opsyon para sa ilang karagdagang mga setting:

  • I-adjust ang pagkanakikita ng alok sa pamamagitan ng pagpili sa Ipakita ang alok na ito sa mga user na iyong pinagkakatiwalaang listahan na checkbox.
    Ang pagkanakikita ay maaaring itakda para sa iyong pinagkakatiwalaang mga user lang. Kapaki-pakinabang ito kung may listahan ka ng mga trader na markado bilang mapagkakatiwalaan at gusto mo lang makipagtrade sa grupo ng mga taong ito.
  • Itakda ang pinakababang halaga ng mga trade na kinakailangan sa pamamagitan ng pag-type sa numero sa Mga pinakamababang trade na kinakailangan field.
    Magagamit ito kapag gusto mo lang makipagtrade sa makaranasang mga user ng Paxful. Itakda ang minimum na sa tingin mo ay balido.
  • Itakda ang limit ng fiat para sa mga bagong account sa pamamagitan ng pag-type sa numero sa Fiat limit para sa mga bagong account na field.
    Maaari mong gamitin ang opsyon upang hindi isapanganib ang malaking halaga gamit ang mga user ng ilang mga trade at mababang reputasyon.
  • Itakda ang mga limitasyon ayon sa mg bansa. Pumili ng opsyon mula sa Limitasyon ayon sa mga bansa na listahanat ilagay ang bansa sa field sa ibaba.
    Maaari mong ipakita ang iyong alok o itago ang mga customer mula sa mga tiyak na bansa. Nauugnay ito sa IP address at pagdetect sa matalinong bansa.
  • I-adjust ang Proxy/VPN na mga limitasyon sa pamamagitan ng pagpili ng opsyon mula sa Proxy/VPN na mga limitasyon na listahan. Maaari kang pumili kung ang trade kasama ang laat ng user o iwasan ang mga iyon gamit ang VPN at Anonymizer.

15.2.png

6. Tingnan ang lahat ng mga detalye ay tama at pindutin ang Lumikha ng alok para magpatuloy.
16.2.png

Tandaan:

  • Maaari kang laging bumalik sa unang hakbang sa pamamagitan ng pagpindot sa Unang hakbang na button.
  • Maaari mong palitan at i-edit ang alok mo sa susunod.
  • Ang alok ay hindi pwedeng palitan sa oras na makapagsimula na ang trade.
  • Sa oras na magawa naang trade, pwede mo itong tingnan sa dashboard. Gamitin ang Vendor dashboard para i-edit at pangasiwaan ang iyong mga alok.

Ang alok mo ay ginawa. Hintayin ang mga seller para simulan ang trade. 

Tingnan ang aming Mga Termino ng Serbisyo at tips para bumili ng bitcoin. Sakaling may anumang mga problema, huwag mag-atubiling makipag-ugnay sa amin sa Support.



Mga artikulo sa seksyong ito