Paggawa ng alok para magbenta ng bitcoin

Para magtakda ng mga tuntunin mo sa personal na palitan at magtatag ng daloy ng mga trade, kailangan mong lumikha ng sarili mong mga alok. Ang patnubay na ito ay nagbibigay sa iyo ng pananaw kung paano lilikha ng alok para magbenta ng mga bitcoin sa Paxful. Kung interesado ka sa umiiral na mga alok ng ibang mga trader ng Paxful, tingnan ang patnubay sa pagbebenta ng mga bitcoin.

Bago ka magsimula, tiyakin na gumawa ka ng account. Ang Paxful ay nagbibigay ng libreng Bitcoin wallet sa oras ng pag-sign up. Sa oras makapag-sign up ka na, awtomatiko kang bibigyan libreng wallet

Tandaan: Para makagawa ng alok, kailangan mong beripikahin ang ID .

Video

Narito ang maikling video kung paano agad makakagawa ng alok:

Hakbang 1 Paraan ng pagbabayad


1. Maglog in sa Paxful account at pindutin ang Gumawa ng Alok.

1.2.png

Ang Gumawa ng Alok na page ay lilitaw.

2. Piliin ang Magbenta ng Bitcoin na uri ng alok.
2.2.png
3. Pumili ng paraan ng pagbabayad.

Pumili kung paano mo gustong magbenta ng bitcoin:

  • Pumili ng grupo ng pagbabayad mula sa kaliwang kahon.
  • Pumili ng eksaktong paraan ng pagbabayad mula sa listahan sa gitna.
  • Kung hindi ka sigurado kung saan kabilang ang iyong grupo ng pagbabayad, maaari mo ring hanapin ang mga paraan ng pagbabayad sa bar ng paghahanap. Simulan lang ang pagtype ng salita sa Hanapin ang lahat ng paraan ng pagbabayad na field at ang opsyon ay lilitaw sa listahan. Kapag ang paraan ng pagbabayad mo ay nakarehistro na, lilitaw ito para piliin mo ito.

3.2.png

Tandaan:

  • Tandaan ang escrow fee para sa napiling paraan ng pagbabayad.
  • Hindi makita ang paraan ng pagbabayad na napili mo? bago sa pamamagitan ng pagpindot sa Pindutin dito para magmungkahi ng bago na link.

Tandaan:

  • Gamit ang mga bank transfer, mahalagang ilagay ang pangalan ng bangko at ang bansa kung saan nakarehistro ang bank account mo. Makatutulong ito sa anumang mga hindi pagkakaunawaan sa iyong potensiyal na mga kasosyo sa trade.

Hakbang 2 Profit margin & mga trade limit


6.2.2.png

Magtakda ng porsiyento alinsunod sa presyo ng merkado ng bitcoin at ng iyong personal na intensyon sa pakikipagtrade. Ang porsiyentong ito ay maaaring maging negatibo at positibo.Maaari mong basahin ang higit tungkol sa margin dito. Makikita mo sa screen ang malinaw na paliwanag kung magkano ang kikitain mo alinsunod sa porsiyentong napili.

Tandaan:

  • Huwag magtakda n napakababa o napakataas para makaakit sa mga customer at makipagnegosasyon sa presyo sa loob ng trade. Ito ay laban sa aming Mga Termino ng Serbisyo.
  • Madalas naghahanap ang mga buyer ng pinakamagandang presyo at napakakagandang rating ng seller. Pumili ng porsiyento ng kita na sa tingin mo ay kaakit-akit para sa mga target na buyer. Ang porsiyento ng negatibong margin ay ipinapayo kapag lumilikha ng alok para magbenta ng bitcoin.
  • Bilang default, nag-aalok kami ng presyo ng bitcoin na katamtaman sa ask price sa pagitan ng Coinbase, Bitstamp, Bitfinex. Para sa flexibility gamit ang bitcoin rate click Ilipat sa advanced mode.

Dito pwede kang pumili kung magkanong bitcoin sa fiat currency ang gusto mong ibenta.


8.2.png

Ipinahihiwatig nito ang dami ng oras na mayroon ang kasosyo mo sa trade para gumawa ng bayad. Kapag hindi pinindot ng buyer ang Bayad na bago mapaso ang window ng bayad, ang trade ay awtomatikong kakanselahin.


9.2.png

Hakbang 3 Mga Termino & mga tagubilin


10.2.png

Ang mga offer tag ay lilitaw malapit sa pangalan ng paraan ng pagbabayad sa listahan ng mga alok. Ito ay dapat isang bagay na nakatutulong upang personalisahin ang alok mo, magdagdag ng karagdagang impormasyon dito.

Halimbawa: Lahat ng mga bank transfer, Instant na pagbabayad, kinakailangan ng pangmatagalang buyer.

Tandaan:Hindi mahanap ang tag na hinahanap mo? Magmungkahi ng bago sa pamamagitan ng pagpindot sa Magmungkahi ng bago sa amin na link.

2. Gumawa ng mga label ng alok mo. I-type ang mga iyon sa Label ng iyong alok na field.
11.2.png

Ang mga label ng alok ay lilitaw sa uri ng paraan ng pagbabayad at sa iyong tag. Maaari kang pumili ng mahigit isang label. Ang mga label ay ginagamit para makakuha ng atensyon sa pinakamahalagang paglalarawan ng iyong alok.

Halimbawa: hindi kailangan ng beripikasyon ng ID mo, mabilis na paglalabas, resibong kinakailangan at higit pa.

Tandaan: Para sa mga Bank Transfer ang pangalan ng bangko ay ginagamit sa halip na label.

3. Sumulat ng mga termino ng alok para sa mga buyer.I-type ang mga iyon sa field na Mga termino ng alok para sa buyer na field.
terms_for_buyer.png

Ang impormasyong ito ay ipapakita sa publiko sa iyong alok. Magkakaroon ito ng maikli at malinaw na mga detalye: gusto mo bang magbigay ang buyer ng litrato ng kanyang ID? May resibo ba o ibang dokumentong kailangan? Gusto mo bang iproseso ang paraan ng pagbabayad sa tiyak na paraan? Hihingi ka ba ng sapat na roas para maproseso ang pagbabayad? Tingnan ang higit na impormasyon dito.

4. Isulat ang mga tagubilin ng trade. I-type iyon sa Mga tagubilin ng trade na field.
13.2.png

Ang mga tagubilin ng trade ay makikita sa oras na magsimula na ang trade. Ito ay magiging malinaw na sunod-sunod na hakbang para sa iyong potensiyal na kasosyo sa trade. Basahin ang higit na impormasyon dito.

5. Piliin kung kailangan mo ng filter ng beripikasyon para sa mga kasosyo mo sa trade sa pamamagitan ng pagpili sa Beripikasyon na checkbox.
14.2.png
Ang pakikipagtrade sa mga beripikadong user ay nakatutulong para makaiwas sa mga iresponsableng user.Gayunman, ang bilang ng mga pontensiyal na user mo ay magiging mas mababa dahil ang ilan sa mga user ay nais na panatilihing online ang kanilang pagkapribado.

Bilang opsyonal, pindutin ang Advanced na mga opsyon para sa ilang karagdagang mga setting:

  • I-adjust ang pagkanakikita ng alok sa pamamagitan ng pagpili sa Ipakita ang alok na ito sa mga user na iyong pinagkakatiwalaang listahan na checkbox.
    Ang pagkanakikita ay maaaring itakda para sa iyong pinagkakatiwalaang mga user lang. Kapaki-pakinabang ito kung may listahan ka ng mga trader na markado bilang mapagkakatiwalaan at gusto mo lang makipagtrade sa grupo ng mga taong ito.
  • Itakda ang pinakababang halaga ng mga trade na kinakailangan sa pamamagitan ng pag-type sa numero sa Mga pinakamababang trade na kinakailangan field.
    Magagamit ito kapag gusto mo lang makipagtrade sa makaranasang mga user ng Paxful. Itakda ang minimum na sa tingin mo ay balido.
  • Itakda ang limit ng fiat para sa mga bagong account sa pamamagitan ng pag-type sa numero sa Fiat limit para sa mga bagong account na field.
    Maaari mong gamitin ang opsyon upang hindi isapanganib ang malaking halaga gamit ang mga user ng ilang mga trade at ang mababang reputasyon.
  • Itakda ang mga limitasyon ayon sa mg bansa. Pumili ng opsyon mula sa Limitasyon ayon sa mga bansa na listahanat ilagay ang bansa sa field sa ibaba.
    Maaari mong ipakita ang iyong alok o itago ang mga customer mula sa mga tiyak na bansa. Nauugnay ito sa IP address at pagdetect sa matalinong bansa.
  • I-adjust ang Proxy/VPN na mga limitasyon sa pamamagitan ng pagpili ng opsyon mula sa Proxy/VPN na mga limitasyon na listahan. Maaari kang pumili kung ang trade kasama ang laat ng user o iwasan ang mga iyon gamit ang VPN at Anonymizer.

15.2.png

6. I-configure ang seetings ng iyong kiosk trade sa pamamagitan ng pagpili mula sa listahan.Para i-activate ang Kiosk trade settings na listahan, pindutin ang Palitan ang settings.
16.2.png

Ang mga Kiosk trade mula sa mga Paxful Kiosk ay ipinatupad sa mga website ng kasosyo. Ang mga kiosk na ito ay nagpapahintulot sa mga customer na bumili ng bitcoin mula sa mga vendor ng Paxful mula sa labas ng Paxful platform. Nangangahulugan ito na higit na paparating na trade para sa iyo. Ang mga customer na ito ay karaniwang walang mga dating trade at marahil ay hindi pa nakakagawa ng profile o nakumpletong beripikasyon ng ID. May opsyon ka para magpasya kung papayagan o hindi ang nasabing mga trade at magtakda ng mga pasadyang mga tuntunin para sa kanila.

7. Suriin kung ang lahat ng mga detalye ay tama at pindutin ang Gumawa ng alok para magpatuloy.
17.2.png

 

Tandaan:

  • Maaari kang laging bumalik sa unang hakbang sa pamamagitan ng pagpindot sa Unang hakbang na button.
  • Maaari mong palitan at i-edit ang alok mo sa susunod.
  • Ang alok ay hindi pwedeng palitan sa oras na makapagsimula na ang trade.
  • Sa oras na magawa naang trade, pwede mo itong tingnan sa dashboard. Gamitin ang Vendor dashboard para i-edit at pangasiwaan ang iyong mga alok.

Ang alok mo ay ginawa. Hintayin ang mga buyer para simulan ang trade.

Tingnan ang aming Mga Termino ng Serbisyo at mga tuntunin para bumili ng bitcoin. Sakaling may anumang mga problema, huwag mag-atubiling makipag-ugnay sa amin sa Support.

Mga artikulo sa seksyong ito