Mga Dispute

Ang Paxful ay nag-aalok ng oportunidad para sa mga customer namin upang malayang makipagtrade ng bitcoin sa isa't isa. Kahit na karamihan sa mga trade ay nagiging maayos at tagumpay, may mga kaso na nangangailangan ng pamamagitan ng third party ang mga moderator namin. Sa Paxful may sarili kaming sistema ng dispute kung saan inaayos namin ang mga salungatan sa pagitan ng mga user namin sa pinakamagandang paraan hangga't maaari. Ang artikulong ito ay magbibigay sa iyo ng buod ng proseso ng resolusyon sa dispute. 

 

Video

Narito ang maikli at nagbibigay-kaalamang video sa paksa:

Mga kaso para simulan ang dispute

Narito ang iba't ibang sitwasyon kung kailan mo dapat isaalang-alang na simulan ang dispute kasama ang kasosyo mo sa trade. Narito ang listahan ng mga ganitong kaso na makikita mo sa website namin:

Bilang buyer

  • Isyu sa pagbabayd Sinunod mo na ang mga tagubilin ng seller, nagbayad ng bitcoin, pero tumanggi ang seller na ilabas ang bitcoin para sa iyo.
  • Hindi sumasagot na vendor — Nagbayad ka pero huminto ang seller sa pagsagot sa mga mensahe mo at hindi inilabas ang bitcoin mo.
  • Iba pa — Laging pwede mong simulan ang dispute kung napansin ang anumang paglabag sa mga Termino ng Serbisyo ng Paxful (link). Halimbawa: Kung gigaya ng kasosyo mo sa trade ang moderator ng Paxful, nagtangkang nakawin ang mga detalye ng account sa Paxful, pinilit kang magpatuloy sa pakikipagtrade sa labas ng website ng Paxful, at iba pa. 

Bilang isang seller

  • Coin-locker Minarkahan ng buyer ang trade bilang “bayad na” pero hindi sumasagot at hindi aktibo.
  • Isyu sa pagbabayad aktibo ang buyer, sinasabi na tinangka nilang bayaran ka, pero nakita mo ang isyu sa pagbabayad.
  • Iba pa — Lagi kang makakapagsimula sa dispute kung napansin mo ang anumang paglabag sa Termino ng Serbisyo ng Paxful. Halimbawa: Kung ang isa sa mga partido ay nanggaya ng moderator, nagtangkang magnakaw ng mga detalye ng account ng Paxful, o pinilit kang magpatuloy sa trade sa labas ng website ng Paxful.

Mga timeframe para sa mga dispute

Kahit na pwede kang magsimula sa dispute at imbitahan ang mga moderator na tulungan ka sa trade, kung magagawa mo iyon depende na sa tiyak na mga kalagayan katulad ng ipinaliwanag sa talahanayan sa ibaba:

Kondisyon Seller ng Bitcoin Buyer ng Bitcoin
Bago markahan ang trade bilang “bayad na”. Hindi makapagsimula sa dispute. Hindi makapagsimula sa dispute.
Ang trade ay minarkahan bilang “bayad na” sa loob ng limang minuto mula sa oras na nagsimula ito. Maaaring simulan ang dispute sa loob ng 30 min. Maaaring simulan ang dispute sa loob ng 3 o.
Ang trade ay minarkahan bilang “bayad na” pagkatapos ng mahigit limang minuto simula nang mag-umpisa ito. Maaaring simulan ang dispute sa loob ng 3 o. Maaaring simulan ang dispute sa loob ng 3 o.

Tandaan: Hindi mo maaaring i-dispute ang kanselado o kumpletong mga trade. Sa kasong ito, dapat mong simulan ang bagong trade sa parehong user o ireport ang siyu sa pamamagitan ng pag-contact sa Support.

Mga hakbang para simulan at manalo ng dispute


1. Sa trade chat, pindutin ang Dispute.

Dispute1.pngLilitaw ang dialog box na Dispute.

2. Pumili ng dahilan ng dispute mula sa listahan at ipaliwanag nang malinaw kung ano ang nangyari sa textbox sa ibaba.

Narito ang mga opsyon ng dispute para sa mga seller at buyer:

  • Seller ng bitcoin: Pag-lock ng barya, isyu sa pagbabayad, iba pa.
  • Buyer ng bitcoin: hindi sumasagot na vendor, isyu sa pagbabayad, iba pa.

Para sa higit na impormasyon tungkol sa mga uri ng dispute, tingnan ang Mga kaso para simulan ang dispute.

3. Pindutin ang Simulan ang dispute at tingnan ang trade chat mo para sa mensahe mula sa moderator.

Dispute2.png

4. Magbigay ng ebidensiya hangga't kaya mo, tulad ng:

  • Patunay ng pagbabayad (resibo ng transaksyon, screenshot ng bayad, patunay na video)
  • Patunay ng pag-aari (resibo ng transaksyon, resibo mula sa tindahan ng mga gift card, online na resibo,
  • Mga screenshot ng operasyon o video recording.
  • Mga recording ng tawag sa telepono na may customer support ng third party.
  • Anumang karagdagang patunay katulad ng hiniling ng aming mga moderator.

Ang dispute ay iimbestigahan ng aming mga moderator at ang desisyo n ay isasagawa batay sa ebidensyang ibinigay ng parehong partido. Nilulutas ng mga moderator ng Paxful ang mga dispute sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga termino ng trade, mga tagubili ng alok, ebidensya ng pagbabayad, interaksyon ng trade chat, reputasyon ng user, nakalipas na tala ng trading, gayundin ang data na isnumite at o kinolekta alinsunod sa Patakaran ng Pagkapribado.

Tandaan: 

  • Sa oras na makapagsumite ka na ng kahilingan sa dispute, hindi mo na kailangang kontakin ang aming Support. Tiyak na titingnan ng mga moderator namin ang kaso mo sa lalong madaling panahon at makikipag-ugnayan sa iyo.
  • Ang imbestigasyon ng dispute ay kumplikadong proseso at maaaring tumagal (nang hanggang tatlong linggo). Nagpapasalamat kami sa inyong pagpapaumanhin at pag-unawa.
  • Huwag magpadala ng maraming mensahe sa chat dahil maaari itong pumigil sa moderator. Hintaying sumali ang moderator sa imbestigasyon ng dispute.

Paano kanselahin ang dispute?

Kung nagsimula ka na sa dispute pero nagbago ang isip mo at gusto na itong kanselahin, gawin ang isa sa mga sumusunod:

  • Kung sinimulan mo ang dispute bilang seller at nakita mo na nalutas na ng buyer ang kanyang isyu, pindutin ang Maglabas ng mga bitcoin.
  • Kung sinimulan mo ang dispute bilang buyer at nakita mo na nalutas na ng seller ang kanyang isyu, pindutin ang Kanselahin.

Tip: Para masiyak ang pinakamahusay na posibleng solusyon, maghintay ng moderator at hayaan silang magdesisyon kung paano lulutasin ang dispute.

Mga dahilan ng pagkatalo sa dispute

Kung natalo ka sa dispute, maaaring dahil ito sa ilang dahilan. Ang pinaka karaniwang dahilan ay:

  • Hindi ka nakapagbigay ng malinaw na mga dahilan at ebidensyang hiniling ng moderator
  • Ang ebidensyang ibinigay mo ay hindi sapat

Sinuri din namin ang kasaysayan ng trading ng parehong partido para makita kung nagawa ninyong sundin ang mga tagubilin ng trade o mga termino ng alok ng mga naunang trade. Ang desisyon ay isinagawa lang nang ang imbestigasyon ay matapos alinsunod sa kagustuhan ng moderator. Basahin ang higit dito: Bakit natalo ako sa gift card dispute? 

Basahin ang higit kung paano protektahan ang mga pondo mo mula sa mga scammer sa ating patnubay ng seguridad. Kapag nakipagtrade ka gamit ang mga gift card, tingnan ang mga artikulong ito: Mga Detalye ng Gift Card Trade.

Mga artikulo sa seksyong ito